Chapter 10

400 11 2
                                    

Dahil ikaw ang kauna-unahang nagcomment makulit na prinsipe, para sau tong chapter na ito :)
Thanks-

--_____________________________

Belle's POV

Final interview ko na mamaya, hopefully makuha ko ang trabahong ito. Kinakabahan ako, dahil mismong Boss ang mag-iinterview sa akin. Huwag sana akong mablanko mamaya.

Hindi ko namalayan, nasa harap na pala ako ng HR office, nagulat na lang ako ng bumukas ang pinto.

"Ms. Belle" nakangiting bungad sa akin ng HR staff
"Good morning po" nabigla kong bati
"Tuloy ka muna sa loob, ang aga mu" biro niya sa akin
"Ah, eh, syempre naman po"
"Ahm, mamaya after ng interview mu balik ka dito sa akin ha"
"Sige po"
"Upo ka muna, tawagan ko lang si Ms. Vidal"
"Ok po"

____________
Danielle's POV

Ring .. Ring.. Ring

"Hello good morning!"
"Good morning po Mam, nandito na po si Ms. Belle, i-paready ko na po ang conference room"
"Ah, no .. uhm, dito na lang"
"Po?"
"I mean, papuntahin mu na lang siya sa office ko.."
"Sige po"
"Thanks"

Tinatamad kasi akong bumaba, nasa 3rd floor pa kasi ang conference room. Hindi ako mapakali, makakaharap ko na ulit ang taong unang nagpatibok sa puso ko. Mukhang ako pa itong mas kinakabahan.

_______________
Belle's POV

"Upo ka muna, tawagan ko lang si Ms. Vidal"

Ms. Vidal?
Bigla akong nakaramdam ng kaba, posible kaya na ang Vidal na tinutukoy niya ay, NO, hindi pwede .. hindi lang naman siya ang may apelyidong ganun. Erase! Erase!

"Ms. Belle, diretso na ka na sa office ni Ms. Vidal"
"Po?"
"Doon ka na lang daw niya interviewihin sa office niya"
"Ah sige po, saan po pala yung office niya"
"Sa last floor.."

What? last floor pa, nasa 2nd floor pa lang ako.

"Sige po, salamat"

Naglakad na ako papuntang elevator at pinindot ang pinakadulong button. Tinungo ko ang pintuan na may gold plated engrave na CEO. Kumatok ako, at dahan-dahang pinihit ang door knob. Nakatalikod ang babae at may kausap sa phone niya.

"Good morning po Mam"

Lumingon siya at sinenyasan akong maupo muna.

______________________________
Danielle's POV

Kausap ko si Grace sa kabilang linya, samantalang kanina lang ay nag-aaway kami. Hihingi sana ako sa kanya ng tip kung anung gagawin ko once na magkita na kami ni Belle. Pero hindi ko pa naitatanung ang pakay ko sa kanya, narinig ko na lang na may kumatok at nagbukas ng pinto. Nang lingunin ko ay si Belle, kaya sinenyasan ko muna syang maupo muna.

"Sige na, bye"
"Ok bye bye, bati na tayo ha"
"Ok" sabay end ng call

Hinarap ko na ngayon si Belle, mas lalo syang gumanda. Kung dati isa siyang diwata, ngayon isa na siyang ganap na Diyosa. Napalunok na lang ako, at agad hinanap ang mga files niya.

"So, Ms. Belle right?"
"Yes mam"
"Let's start?"

Tumango lang siya, sa totoo lang hindi ko alam kung anung gagawin ko. Mas kabado pa ako sa iinterviewihin ko. Pinagmasadan ko yung resume niya. Katanggap-tanggap naman.

"Uhm, what are your expectations here?"

______________
Belle's POV

Sobrang lamig sa loob ng office niya pero pinagpapawisan ako ng sobra.

"Let's start?"

Tumango na lang ako, shit naman, para akong lutang ngayon ah. Nakakaagaw kasi ng pansin yung mga mata niya, at yung smile niya na kahit parang tipid lang. Yung chin niya na may hati, na nakakadagdag ng appeal sa napakaamong mukha niya. At ang blonde niyang hair na napakasexy ng pagkakawave.

"Uhm, what are your expectations here?"

Nabigla na lang ako sa tanung niya. Anu bang nangyayari sa iyo Belle ?Gumising ka nga, saway ko sa sarili. Bakit ba ang lakas ng appeal niya sa akin. Hindi ko pa ito naramdaman kahit kanino, kahit minsan sa mga naging bf ko. Alam kong straight ako, pero anu ba itong nagyayari sa akin?

-________________________
Iyan po muna, pasensya na
Ipapatapon kasi ako sa ibang lugar ngayon ..

Thanks for reading. :)

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon