Sorry kung bitin yung previous, nawala kasi yung draft ko kaya yun, kalahati lang natira, ang masakit pa, hindi ko matandaan yung mga tinipa ko hahahaha ..
Anyways, eto na lang, sana magustuhan niyo
-----------
Belle's POVActually, wala sana akong balak umattend sa party ni Grace, pero dahil personal secretary ako ni Danielle, kailangan kong sumama. Nandito lang ako sa isang sulok, nakaupo, naghihintay matapos ang party. May panaka-nakang bumabati na kakilala, saglit na kwentuhan, kamustahan.
Gusto ko ng umuwe, hindi ako mapakali sa kinauupuan ko, pero hindi naman ako puwedeng umalis na lang, isa pa sa bahay na ni Danielle ako didiretso.
Pinaiikot ko lang ang cherry sa platito ng mapansin ko ang isang kumpulan ng mga babae na parang may pinagkakaguluhan. Hindi ko masyadong makita kung sino, dahil napaliligiran nila ito.
"Wagas naman makatawa, parang wala ng bukas" bulong ko sa sarili
Sobrang ingay nila kaya hindi ko natiis. Gusto kong malaman kung sino ba yun apple of the eye nila na pinagkukulumpunan nila doon. At kung bakit ganun na lang nila ito kung dikitan.
"Ahm, excuse me" sabi ko sa napadaang waiter
"Yes mam?"
"Uhm, alam mu ba kung sino iyong pinagkakaguluhan sa banda ron" sabay point ko sa isang sulok ng silid
Lumapad naman ang ngiti ng waiter bago ito sumagot, "ah, yun po ba mam, si Ms. Vidal po yung pinagkakaguluhan nila"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, "si D-danielle?" paninigurado ko
Tumango naman ito.
"ok, thanks" sabi ko na lang
"Girlfriend niya po ba kayo?" medyo nahihiyang tanung niya, tsismoso si kuya
"Huh?, naku, hindi ah, SECRETARY niya lang ako" pagdidiin ko, well sana oo na lang diba?
"Ay sorry po mam, akala ko po kasi-"
"Ok lang" pagpuputol ko ng usapan, saka ko siya nginitian.
Girlfriend?
How i wish di ber?
Wushu, kinikilig ka na naman?
Bat naman ako kikiligin?
So hindi ka kinilig na ma-link ka sa kanya?
Nope!
Hay eto na naman ako at nakikipagtalo sa sarili ko. Muntanga lang eh nuh?
Nasilayan ko ang loko ng umalis ang dalawa sa kanila para kumuha ng pagkain, siya nga, base sa aura niya at kilos, sigurado akong siya nga iyon. Natigilan na lang ako ng mapansin kong kumandong sa kanya ang isang haliparot na babae. Sarap sabunutan, at ito naman isa, tuwang-tuwa. Sarap pag-untugin.
Hindi ako nakatiis at sumugod na ako sa kinaroronan niya.
"Excuse me, pwede ko bang mahiram si Danielle?" sabay hatak ko sa braso niya.
Napamaang na lang siya, at tumayo.
"Basta isosoli mu siya ah" landing sabi ng babae, "see yah around baby" sabay kindat pa at kagat labi
Nagfake smile lang ako,
Baby? How dare her call her baby?
nakakapanggigil lang, sarap ingudngod yung mukha.
"So.."
"So?" takang tanung niya
"So, wala kang balak umalis dun at puntahan man lang ako? " yamot kong sabi sa kanya
BINABASA MO ANG
The Boss
Short Story"Always expect the unexpected." pwedeng yung taong kinaayawan mu noon, ay yung taong mamahalin mu ngayon. life is simple yet so complicated. We'll never know when, where, how and to whom we may fall in love. Kaya dapat I-enjoy lang yung feeling, wa...