"Class, count 1 and 2"
Bilang naman kami, sigurado akong may activity na naman na ipapagawa sa amin itong prof ko. Number 2 ang number ko, si Grace number 1, pati na rin si Belle at Jana.
"Ok, lahat ng number 2, isulat niyo ang name niyo sa kapirasong papel at i-roll. Lahat ng number 1, tumayo."Sino kaya ang magiging partner ko sa project? Sana si Grace na lang, mas komportable ako sa kanya. Bumunot na isa-isa ang mga nakatayo, nagdadasal ako na sana magkapartner kami ni Grace, ayoko kasing makapartner ang mula sa grupo ni Belle. Baka ma-bully lang ako.
Bumunot na si Grace, dahan-dahan niya itong binuklat pero nalungkot ng makita kung sino ang makakapareha."Oh, sino nabunot mu?" tanung ko
"Si jana" matabang na sagot niya
"tssk, ok lang yan"
"sana tayo na lang magpartner" nguso niya
"wala na tayo magagawa, random pick eh"
"nakakainis"
"Sana mabait makabunot sa akin"
"sana nga D, kundi magproprotesta ako!"
"Adik!"
"Ipaglalaban kita my friend"
"baliw ka talaga, magdasal ka na lang din"
"Ou na, ipagnonovena pa kita."
"Class, mamaya niyo na hanapin ang mga kapartner niyo ipapaliwanag ko muna kung tungkol saan ang activity."
Discuss ..
Discuss ..
Discuss ..Natapos ang klase pero walang lumapit sa akin.
"Sino kaya ang nakabunot sa akin?"
"Hala, nag back out na ata sya"
"Nag back out?" nakakunot noong tanung ko
"Oo, natakot sa akin"
"Sira"
"Baka naman nahiya lang lumapit sayo, antayin mu lang"
"Uhm ok, sana lang magparamdam na sya bago pa ang deadline nu"
"Sana, sige, uwi na ako ha"
"Sige ingat"
"Ikaw din,bye"
"Bye"
_________________________________________________________
Paglabas ko ng library, sobrang lakas ng ulan, inabutan na ako dito sa campus, nagresearch pa kasi ako. Mukhang matatagalan pa bago ito tumigil, sumugod na lang kaya ako?
Hahakbang na sana ako ng may maramdaman akong humawak sa braso ko."What do you think you're doing?" sabi ng tinig mula sa likuran ko
"Ah..ee..uuwi na ako" utal kong sagot ng makilala kung sino ang pinagmulan ng tinig.
"Ang lakas ng ulan, gusto mu bang magkasakit?" sarkastikong tanung niya
"Hindi, pero kailangan ko ng umuwi" depensa ko
"Sumabay ka na sa akin, hahatid na kita" walang emosyon niyang pahayag. Kahit papaano pala ay may concern din naman pala itong taong ito.
"naku wag na.." tanggi ko
"pwede ba? I don't take no for an answer!" matigas niyang pahayag.
Tumaas ang kilay ko sa kanya, tinaasan niya din ako ng kilay, na nagsasabing sumunod ka na lang, or else your dead!
"O--o..k"
Wala na akong nagawa ng itulak niya ako papasok sa kotse. May pagkasadista pala ito.
"aray.." mahina kong sabi
"What?" nakataas kilay niyang tanung
"Wala.." Maikli kong sagot.
Tahimik ang paligid sa buong biyahe, wala isa sa amin ang nagtangka na bumasag sa katahimikang iyon. Sobrang awkward na hindi mo maintindihan, kaya mas mabuting manahimik na lang. di ba?
Nang tumapat na sa gate, bumaba na ako ng sasakyan, pinunasan ko ang salamin ko dahil natalsikan ito ng tubig ulan , pagsuot ko ng salamin, nagulat ako ng makita ang mukha niyang sobrang lapit sa mukha ko.
"sira ka ba? papatayin mu ako sa nerbiyos!" gulat kong sabi pero seryoso lang siya. Asar .. naramdaman kong namula yung mukha ko ng mga oras na iyon.
"Malabo ba talaga yang mga mata mu?" seryoso niyang tanong.
"Kaya nga nakasalamin di ba?" asar kong sagot ng makabawi sa pagkabigla.
"Aaah.. ok" tumatango tango niyang pag sang-ayon.
"Uwe ka na, salamat sa paghatid"
"May bayad yun nuh?!"
"Ha? M-magkano ba?"
"Biro lang masyado kang seryoso sa buhay, baka ikamatay mu yan" at ngumiti syang mapang-asar.
"Baliw!" bigla kong nabulalas
"ako? Sa ganda kong ito?"
"Uo! Uwe na" pagtataboy ko
"Opo anyeng!"
"Nakakunot noo ako sa kanya"
"Joke lang!" at ngumiti.
Yung ngiting alam mung natural lang, yung ngiting nagsasabi na "wag ka ng magalit". Nakakatunaw ng puso, shit na malupit!
"Ingat ka.." pahabol ko, kahit papaano pala ay may kabutihang siyang naitatago sa katawan niya.
"thanks, see yah" sagot niya na hindi na lumingon pa.
Sinundan ko na lang ng tingin yung sasakyan hanggang makaalis ito at pumasok na ng bahay. Humiga na ako sa kama at nagtakip ng unan sa mukha, hayy, hindi mawala sa isip ko yung eksena kanina. Ilang inches na lang yung lapit ng mukha niya sa mukha ko, naramdaman ko na lang na nag-init nanaman ang mukha ko. Kainis! Nakakahiya ka Danielle!
_________________________
"See yah"Parang nage-echo pa din sa tenga ko yung mga katagang iyon, ang sarap pakinggan. Para akong tanga na inuulit-ulit yung mga salitang iyon. Bigla na lang akong napabalikwas sa ideyang pumasok sa aking isipan.
Hindi kaya sya yung nakabunot sa pangalan ko kanina? Oh my gulay, ang campus crush, nabunot ang pangalan ko! OA ha, nagkataon lang, hindi ka pa nga sure eh, assuming ka teh!
Hindi ko maiwasang hindi kiligin, parang tanga lang eh nuh?
As if naman gusto ka niyang kapartner nuh?Oo nga naman, tama nga naman si konsensya. Para tuloy akong baliw na kausap ang sarili ko.
Binubully ka nga ng mga kasama niya Remember? Si Jana at Gela lang naman nambubully sa akin eh
Sa ngayon, pero hindi mu ba naisip na si Belle ang boss nila? For sure utos niya yun. Hindi naman siguro sya ganun, mukha naman syang mabait eh, at ang ganda pa niya. Haay, ewan ko sayo, tigas ng ulo mu! Bahala ka na nga.
Nalungkot ako sa isiping iyon, maaring tama sya, hindi pa sa ngayon. Maaring mabait sya ngayon, pero may iba syang agenda. Sinubsob ko na lang ang mukha sa unan para makatulog.
BINABASA MO ANG
The Boss
Short Story"Always expect the unexpected." pwedeng yung taong kinaayawan mu noon, ay yung taong mamahalin mu ngayon. life is simple yet so complicated. We'll never know when, where, how and to whom we may fall in love. Kaya dapat I-enjoy lang yung feeling, wa...