Chapter 8

421 10 0
                                    

Ang chapter na ito ay dine-dedicate ko kay Ms. Mhayeanne, dahil sa pagboto mu sa aking story .. Thank you po :)

---•--•--•

Madalas na kaming nagkakapartner ni Belle, kahit sa mga group activities madalas ay makagrupo ko siya. Medyo nagiging close naman na kami kahit na madalas ay inaaway niya ako,lalo na ng mga kaibigan niya. Pero ok lang, ang mahalaga sa akin, lagi ko siyang nakikita at nakakasama. Siguro ganun talaga kapag special sayo, ok lang kahit na magmukha ka pang tanga sa harap ng iba basta mapasaya mu siya.

Naalala ko nung minsan inaya niya ako umattend ng party..

"Anyeng! Attend ka ng party ah?"
"Party?"
"Don't tell me hindi mu alam?"
"A-anong party ba iyon?"
"Haynaku, ikaw talaga .."
"Halloween party bakla" sabad ni Jana
"Halloween party?"
"Paulit-ulit?" Si Jana
"Nagtatanung lang naman"
"It's your time to shine" si Gela
"Pero hindi naman ako mahilig sa party eh"
"Compulsary yun chelsea, kailangan mung umattend" si Jana
"At isa pa, aattend si Belle, wala syang kapartner" panunudyo ni Gela
"Kami ni Gela na magkapartner, sayang naman walang kapartner si Belle pag di ka pumunta, sige ka" pangungusensya ni Jana
"O-sige sige na, aattend na ako"
"Gandahan mu iyong costume mo ha" si Gela
"Costume pa?"
"Haler?! syempre po kelangan iyon" pagtataray ni Jana
"See you there" nakangiting paalam ni Belle

Napakamot na lang ako sa batok, costume pa? anu naman kayang gagamitin ko?
Bahala na, basta kailangan kong pumunta para may kapartner si Belle. Kundi baka kung sino-sino na lang yung lumapit sa kanya. Hindi ko mapapayagan iyon pag nagkataon.

Agad akong nag-isip ng costume na gagamitin ko para sa party, sa halloween party. Pero wala akong maisip na babagay sa kung anuman ang susuotin ni Belle. Tinawagan ko si Grace para humingi ng opinyon.

"Hello?"
"Yes?"
"Ahh, Grace, busy ka ba?"
"Hindi naman, bakit?"
"Ahhmmm, ano kasi eh"
"Kasi..?"
"May tatanung sana ako"
"Go ahead, anu ba iyong bumabagabag sayo?"
"My idea ka ba kung anung magandang costume for halloween party?"
"Costume?! for halloween?"
"U-uo"
"Bakit?sasali ka sa halloween parade sa barangay?"
"Hi-hindi, anu ka ba!"
"Eh anu?"
"Para sa halloween party sa campus"
"Halloween party sa campus???"
"Uo, hindi mo ba alam?"
"Hindi, saka wala naman naka-post sa bulletin ah"
"Sinabihan lang ako kanina"
"Talaga?, sino naman"
"Sila Belle"
"Nakow, baka ginu-good time ka lang ng mga iyon"
"Tingin mo?"
"Oo!"
"Pero, kasi"
"Haynaku, wala ng pero-pero, kalimutan mu na iyan at matulog ka na lang!"
"Uhm sige, salamat ha"
"No prob"
"Thanks , Bye"
"Bye.."

Totoo kayang ginu-good time lang ako ng mga iyon, akala ko ok na kami ni Belle. Mabait siya sa akin, at hindi na masyadong maldita yung dalawa. Natigilan ako ng may tumawag sa cp ko.

"Hello?"
"Hello anyeng!"
"B-belle?"
"Yep, i just wanna confirm kung tuloy ka ba sa party? coz' magshopping na kasi ako ng damit "
"Yeah, yeah sure"
"Good, i'll be wearing a princess costume, so i guess it would match if you will be a witch then?"
"A witch?!"
"Yeah, if that would be okay to you?"
"Yeah, sure, why not?"
"Great! So .. see yah the night after tomorrow, bye!"
"Bye"

Lagot na, nakapagcommit na ako kay Belle, bwisit naman oh, bakit ba hindi ko magawang tumanggi sa kanya, lagot naman ako nito kay Grace.

"What???!!!"
"Wag ka naman maingay"
"Are you out of your mind?!!"
"Napasubo na ako eh, hindi ako makatanggi"
"So tutuloy mu pa rin? Sinabihan na kita, magmumukha ka lang tanga dun!!!"
"I know, pero ayaw ko naman mapahiya siya eh"
"Pwede ka namang tumanggi eh"
"Pero hindi ko kaya, saka ito na yung pagkakataon ko"
"Kaya mu naman eh, ayaw mu lang, kasi gusto mu din!!"
"Hindi naman sa ganon Grace"
"So? ok lang sayo maging katawa-tawa?"

Tama siya, ayaw ko lang tumanggi dahil gusto ko siyang makasama. Kaya kahit na hindi pa totoo eh sige pa din ako.

"Tigas ng ulo mu, ayaw mung makinig!"
"Tulungan mu na lang ako, please?"
"Ewan ko say0!"
"Sige na, ngayon lang nam-"

Hindi pa ako tapos magsalita ay nilayasan niya ako. Hayy, pano kaya ito, minsan lang kasi ako ayain ni Belle, tatanggi pa ba ako, pagkakataon ko na itong magpa-impress sa kanya. Ang tanung, kailangan pa ba talagang nakacostume pa ako? Oh well, kaya ko ito, Kakaririn ko na lang.Bahala na.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon