Danielle's POV
At the auditorium ..
Nakakahiya itong suot ko, pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao, hinanap ko si Belle.
Nakita ko siya malapit sa stage, pero hindi siya nakacostume gaya ng sinabi niya sa akin.
"Belle, a-akala ko ba--?"
"Oops, sorry, hindi kasi kita makontak eh, kanina pa kita tinatawagan"
"Ba-bakit?"
"Hindi na kasi tuloy ang halloween party eh, may nagpapractice kasi ng role playing dito oh"Napatingin ako sa stage at iniluwa ng malaking telon ang isang babae na nakabihis pam prinsesa at umarte sa harapan.
"I'm afraid of the witch that curse my life" sabi ng babae
At biglang may sumigaw mula sa mga audience
"Ayun yung witch oh!" Sabay turo sa kinaroronan ko
"Teka!" Sigaw ko, bigla na lang umulan ng mga nilukot na papel, plastic bottle, ballpen at kung anu-anu pa papunta sa direksyon kung saan ako nakapwesto.
"Sandali, anu ba?!" Sigaw ko habang umiilag at sinasangga ang mga hinahagis nila. "Tama na!"
"Guys tama na ha" si Belle
"Dapat lang sa kanya yan, masama siyang witch di ba guys?" sabi ng isang babae.
"Ou nga, sunugin!" sigaw ng isang bakla
Kinaladkad nila ako papunta sa gitna, at binuhusan ng tubig. Binudburan ng chalk powder at kung anu-anu pa.
"Iyan ang bagay sayo!" sabi ng bakla "feelingera ka"
Gusto kong umiyak pero pinigilan ko, tumayo ako at tumakbo, hinawi ko lahat ng madaanan ko, ng makalayo na ako, doon ko binuhos lahat.
"Anu bang kasalanan ko sayo? Bakit ginawa mu sa akin ito?" nasabi ko sa pagitan ng mga hikbi at pag luha ko.
"Tanga mu naman kasi eh, hindi ka nakinig sa kaibigan mu" sermon ko sa sarili "ayan,tingnan mu nangyari sayo"
"Tigas kasi ng ulo mu!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig
"G-grace?" Pilit kong inaaninag ang imahe mula sa madilim na parte ng kalsada.
Nakahalukipkip siya at pailing-iling na lumapit sa akin.
"I told you.." seryoso niyang sabi
"I'm so-sorry" at dumaloy ang mainit na likido sa aking mga mata, pababa sa aking pisngi. "Kung nakinig lang sana ako sayo.."Lumapit siya sa akin at niyakap ako, "sshhh.. wag ka ng umiyak.."
"akala ko kasi, kaibigan na niya ako,a akala ko lang pala iyon.."
"now you know, minsan nakakainis ka na nga eh.."Napaangat ako ng mukha at tiningnan ko siya
"coz' you prepared to have it the hardway para marealize mu .." ngumiti siya sa akin, "bakit ba itinuloy mu pa rin?" Nakakunot noo niyang tanung sa akin.
"umaasa kasi ako na, na maging magkaibigan kami .."
"kaibigan lang ba talaga?"Hindi ako nakasagot, kaibigan lang ba talaga ang gusto ko?
"Ano? Hindi ka makasagot sa akin" lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap "alam kong hindi lang basta kaibigan ang gusto mu, kundi higit pa don, ... gaya ko"
Halos hindi umabot sa pandinig ko ang mga huling salitang sinabi niya.
"A-ano iyon?"
"Wala,.. tumahan ka na, ampanget mu"
"Grabe ka.."
Nginitian niya lang ako________________
Belle's POV"masyado atang hard iyon ginawa natin"
"Ano ka ba, ok lang iyon Belle, para alam niya kung saan siya lulugar" si Jana
"Feeling close kasi" hirit ni Gela sabay tawa
"Nakakatawa siya, as if naman papayag ka na makapartner siya di ba?"
"Pero sobra ata yung nagawa natin?"
"Don't tell me naawa ka sa kanya gurl?"Natahimik ako, nakokonsensya kasi ako sa ginawa namin sa kanya, to think na napakabait niya sa akin. Nakakairita lang yung pagiging nerdy niya minsan. Pero naaawa ako sa kanya.
"Mag sorry na lang kaya tayo?"
"What? Big NO!" si Gela
"Nevah!" si Jana
"Tama lang sa kanya yun noh" si Gela
"Pero kasi-"
"Gurl, wag mo masyado isipin iyon, ang importante hindi ka na niya guguluhin pa nuh, yun naman iyong plano di ba?" si JanaOo, iyon nga ang plano, masyado na kasi siyang napapalapit sa akin. Gusto ko lang naman siyang protektahan laban sa pambubully nitong dalawa at sa mga kritikong mata na nakapaligid sa amin. Kaya lang, she needs to have it the hard way. Baka kasi ipagpilitan niya lang, mas ok na sigurong ganito.
______________\_____________|_______
Thanks for reading ..Ito po muna sa ngayon, :)
BINABASA MO ANG
The Boss
Conto"Always expect the unexpected." pwedeng yung taong kinaayawan mu noon, ay yung taong mamahalin mu ngayon. life is simple yet so complicated. We'll never know when, where, how and to whom we may fall in love. Kaya dapat I-enjoy lang yung feeling, wa...