Belle's POV
This is it pansit!
Ewan ko ba, parang may kakaiba ngayon, hindi ko lang mapoint out kung anu, basta parang may hindi tama eh.
Huminga muna ako ng malalim, bago nagpasyang tumungo sa pakay ko ng araw na iyon. Hindi naman ito first job interview ko pero ganun pa din yung pakiramdam. Nakakakaba, na nakaka-excite. Pagtapat ko sa entrance, binati agad ako ng guard.
"Goodmorning po mam!"
"Goodmorning din po"
"Applikante po?"
"Ah, opo kuya"
"Paiwan na lang po ng isang I.D mam"
"Eto po" sabay abot sa kanya. Inabot naman niya ito, at pagkuway nagsulat na sya sa kanyang logbook.
"Upo muna kayo mam" sabay turo sa upuan sa gilid.
"Salamat po"Luminga-linga ako sa paligid.
"Ahh, kuya, pwede po ba magtanung?"
"Sige po, anu po iyon mam?"
"Sino pong--"Hindi ko natapos yung sasabihin ko ng agawin ng pumaradang sasakyan sa tapat ang atensyon ko. Isang Lexus, at iniluwa nun ang isang pamilyar na imahe ng di naman katangkarang babae na blonde ang buhok, nakaslacks, nakasuot ng long sleeves, bitbit ang kanyang suit sa kanang braso at file case naman sa kaliwa. May pagka-wavy ang dulo ng buhok niya na nagbibigay dito ng sexy na aura. Tuwid ang tindig na nagpapahiwatig na isa itong professional. Batay na rin sa ayos nito, mukhang mataas ang posisyon nito sa kumpanya at kung tama ang tantya ko ay mga kasing edad ko lang siya.
"Good morning po mam" bati ng guard na nagpabalik sa akin sa katinuan ng dumaan ito. Nakatalikod siya sa akin, kaya hindi ko masyadong napagmasdan ang kanyang mukha.
"Morning din ho" magalang niyang tugon at ngumiti bago dumiretso na sa loob."Wow.." ang wala sa isip kong nasabi.
"Anu po iyon mam?"
"Ah, i mean yung car, ang ganda.." palusot ko.
"Aah .."Ngumiti na lang ako. Nakakahiya ang reaksiyon ko. Hindi ko ineexpect na magiging ganun yung reaksyon ko sa kaniya.
"Ah, mam anu nga po pala iyong itatanung niyo?"
"Ah, eh, wala, hindi bale na lang ho, nakalimutan ko na eh hehe" nginitian ko na lang siya.
Tumango na lang siya, at tumingin sa relo.
"Mam, pasok na ho kayo sa loob, diretso na ho kayo sa hr office"
"Ah, sige ho, salamat"Hindi ko inaasahan ang mabubungaran ko pagpasok, namangha ako sa nakita. Kung malaki sa labas, mas napakalaking tingnan nito sa loob, at sobrang luwag. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta, at malamang sa alamang ay maliligaw ako. Nakita kong may staff sa reception area, kaya dumiretso ako upang magtanung. Agad naman akong inentertain at tinuro kung saan ang room na pakay ko. Mabait naman pala ang mga empleyado dito, naisip ko.
Mga ilang minuto pa akong naghintay ng dumating ang hr. Habang iniinterview ako, may napansin akong sumilip sa pintuan, pamilyar ang hitsura. Siya yung babae kanina, ano kayang ginagawa niya rito?. Pero bigla na lang ito umalis ng magkatinginan kami. Bakit kaya?
-----•-----•
Danielle's POV1 week na lang .
"D.." napabalikwas ako sa upuan ng biglang may nagsalita.
"Sira ulo ka talaga Grace! Hindi ka ba tinuruan na kumatok sa pinto?"
"Chillax! .. Nakabukas naman na yung pinto oh" sabay nguso sa bahagyang nakaawang na pintuan.
"Kahit na"
"Aga-aga init-init ng ulo mu"
"Isara mu .."
"Opo boss!"
Lumapit sya sa akin, at niyakap ako.
"Anu bang problema mu ha?"
"Masama lang yung pakiramdam ko"
"Wushu .. D, kung gus-"
"Grace, wala ko sa mood ngayun, so plea-"
Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi.
"Ano? Mainit pa ba ulo mu?" nakangisi nyang tanung.
"Gago ka talaga!"
"Relax .. Sungit naman nito" sabay kindat
"Letche, lumayas ka nga rito"
"Kiniss na nga kita, galit ka pa rin?" Pa-cute niyang tanung
"You're such a bi-!"
"Oh common, don't tell me hindi mu nagustuhan?"
"Get out!!" sabay turo ko sa pinto at alam ko namumula na ako ng mga oras na iyon.
"Okay.. Okay.." nakataas pa ang dalawang kamay "kita na lang tayo later" .Bwisit talaga tong si Grace, lakas makainis. Pero oo, aaminin ko, masarap siyang humalik, pero hindi mababago ng halik na iyon yung nararamdaman ko. Hanggang kaibigan lang talaga siya para sa akin, dahil kahit anung gawin ko, kailanman hindi ko madiktahan ang puso ko na pilitin syang mahalin.
--------
Thanks for reading .. :)Busy mode ..
BINABASA MO ANG
The Boss
Short Story"Always expect the unexpected." pwedeng yung taong kinaayawan mu noon, ay yung taong mamahalin mu ngayon. life is simple yet so complicated. We'll never know when, where, how and to whom we may fall in love. Kaya dapat I-enjoy lang yung feeling, wa...