Danielle's POV
Sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko na matandaan kung anung nangyari kagabi, at kung paano ako nakauwi. Teka, nasan na si Belle?
Nakarinig ako ng ingay mula sa labas ng kwarto ko, kaya bumangon ako para tingnan ito. Nakita ko si Belle na abala sa kusina.
"Hey"
"Oh, gising ka na pala, mag breakfast ka na" at iniayos niya ang upuan
"No, thanks, I'm good"
"You sure?"
"Y-yeah"
"uhm, 'bout a coffee?"
"Yes please" at ipinagtimpla niya ako ng kape
"uhm, Belle"
"Yes?"
"Can I ask you something?"
"Sure! Basta wag lang tungkol sa Math ah" pabiro niyang sabi "mahina ako dun eh"
"No-, uh, how do i got home last night?"
"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanung niya, "wala kang natatandaan?"
Umiling lang ako bilang sagot
"Oh well," at nag-isip pa bago sumagot, "tinulungan ako ni Grace na i-uwe ka dito"
Seriously? Sa pagkakakilala ko kay Grace, kapag alam niyang lasing ako, pinapag sleep over niya na ako, and she would insist me to stay.
"Hmm.."
Pinipilit kong isipin kung anu ba talagang nangyari, kaya lang hindi ko talaga matandaan. Kahit kaunti.
---------------
Belle's POVSeryoso ba siyang wala siyang matandaan sa nangyari kagabi? O nagkukunwari lang siya?
Anu pa man ang dahilan niya, ayoko ng pag-usapan pa kung anung naganap ng gabing iyon.
"Have a seat"
"Thanks"
"Mukhang masarap ang mga niluto mu ah"
"Bakit hindi mo tikman, for you to know"
"Uhm, wala pa kasi akong ganang kumain eh"
Medyo nalungkot ako, effort pa naman akong ipaghanda siya ng breakfast pero hindi naman pala siya kakain.
"Uhm, okay" sabi ko na lang at akmang ililigpit ko na ang mga nakahain ng pigilan niya ako.
"What you're doing?"
"Sabi mu wala kang gana kumain, kaya naman itatabi ko na lang"
Napansin niya siguro iyong reaksyon ko kanina.
"Pwede naman magbago iyong desisyon ko eh, sa isang kondisyon" nakangiti niyang sabi
"At anu naman iyon?"
"Good morning kiss ko?" At ngumuso pa siya
Namula naman ako sa sinabi niya.
"Kiss? Kiskis mu sa pader!" At inirapan ko siya
"Uy, joke lang iyon ito naman, kakain na po ako"
"Good" at hinainan ko na siya.
Ang kulit,parang bata lang. I've never seen her like this. Sa office napakaprofessional niya, hindi mo aakalaing may saltik din ang isang ito. I can say that I'm lucky to see this part of her.
Habang pinagmamasdan ko siyang kumain, bigla na lang sumagi sa isipan ko si Grace. Inaasikaso din kaya niya si Danielle ng ganito?. Paano kung mas higit pa dito yung ginagawa niya.
"Oh, bakit mu ko tinititigan?" tanung niya habang ngumunguya
"Ang takaw mo kasi"
"Oy, hindi naman, masarap kasi itong luto mu"
"Talaga lang ha"
"Oo" habang tumatango-tango pa "tsaka ngayun na lang ulit ako nakakain ng lutong bahay"
"Ngayun lang?" Hindi makapaniwalang tanung ko
"Oo, usually kasi sa labas na ako kumakain eh"
"Bakit? Wala ka ba talagang kasama dito sa bahay?"
"Unfortunately, yes"
"Eh si Grace, Hindi ka ba niya ipinagluluto?"
"Hindi!" Diretso niyang sagot "bakit naman niya ako ipagluluto?" Kunot noong tanung niya sa akin
"Uhm, siyempre magkaibigan kayo, tsaka .. hindi ka ba niya dinadalaw?"
Lumapad ang pagkakangiti niya na parang nabasa niya kung anung iniisip ko
"Belle, magkaibigan lang kami ni Grace," at tumawa pa "hindi ko siya kusinera"
"So kusinera ang tingin mo sa akin ganun ba?" Pagtataray ko naman
"O-oh, chillax, wala kong sinabing kusinera ka nuh"
"Eh anu lang?"
"Chimay!" At pigil ang pagtawa niya
"Ewan ko sa iyo!" tumayo na ako at tumungo sa pintuan
"Oh san ka pupunta?"
"Matutulog!"
"Matutulog?, eh kagigising ko pa lang"
"Bakit? Bawal ba akong matulog pag bagong gising ka?"
"Sabi ko nga"
"Tse!" dyan ka na nga at naglakad na ako palabas ng bigla siyang humarang sa daraanan ko.
"Dito ka muna may sasabihin pa ako sa'yo" malumanay niyang sabi at nakatitig pa sa akin.
Nakakatunaw ang mga tingin niya na tila nanunuri ng isang mamahaling bagay. Halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha namin at ramdam ko ang pigil niyang paghinga. Nakakabaliw ang mainit at mabango niyang hininga na pwede ko na atang ipalit sa oxygen kung sakaling kapusin na ako ng hangin. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko na isang pulgada na lang ang distansya. Hindi ko na kinakaya ang mga pangyayari, kaya napapikit na lang ako. Baka himatayin na ako ng tuluyan kapag itinuloy pa niya. Pero laking pagtataka ko ng wala naman akong naramdamang dumampi sa labi ko. Kaya naman, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakita ko siyang nakangiti sa akin.
"Oh, bakit wagas ka makangiti diyan?", nasabi ko na lang, ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko at alam kong dinaig ko pa ang kamatis sa pagkakapula.
"Eh bakit galit ka?"
"Hindi ako galit nuh!"
"Anung iniisip mo?"
"Wala!" Pagsusuplada ko sa kanya, nakakainis siya talaga kung minsan.
"Alam mo hindi bagay sa ganda mo ang pagiging masungit"
"And so?"
"galit ka ba dahil-" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya, grabe itong taong ito, lakas mang-asar. Bakit ko nga ba ulit siya nagustuhan?
"Kung iniisip mo na gusto kong halikan mo ako, pwes! para sabihin ko sa iyo Ms. Vidal, kailanman hindi ko gugustuhing mahalikan mo noh! Excuse me"
"Wala naman akong sinabi ah" sabay ngiti ng nakakaloko
Shit! Anu ka ba naman Belle, lalo mung ipinahamak ang sarili mo. Ang eng-eng mo talaga kahit kailan.
"Nabasa ko lang iyong nasa isip mo, marunong kaya ako"
"Talaga lang ha" at lumapit pa siyang lalo sa akin, "mabasa mo kaya kung anung gusto kong gawin sa iyo ngayon?" medyo seryoso niyang pagkakasabi.
"Ah, eh ano kas-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng walang pasintabi niyang inangkin ang mga labi ko. Grabe, sobrang lambot at init ng mga labi niya. Napapikit na lang ako at natagpuan ko na lang ang sarili kong tinutugon ang bawat halik niya sa akin. Nakakabaliw na pakiramdam, hindi ko maipaliwanag at ayaw ko ng matapos pa. Habol hininga kaming dalawa ng maghiwalay ang aming mga labi.
Hindi na ako nakapagsalita pa, kinain ko lahat ng sinabi ko kanina. Hindi totoong ayaw kong mahalikan niya dahil ang totoo ay gusto ko, gustong-gusto.
------------
Thanks for reading :)
BINABASA MO ANG
The Boss
Short Story"Always expect the unexpected." pwedeng yung taong kinaayawan mu noon, ay yung taong mamahalin mu ngayon. life is simple yet so complicated. We'll never know when, where, how and to whom we may fall in love. Kaya dapat I-enjoy lang yung feeling, wa...