Chapter 12

422 11 0
                                    

Belle's POV

First day ko sa work, medyo kinakabahan ako pero sa tuwing maaalala ko siya, ewan ko ba, parang excited akong pumasok.

"See me tomorrow morning"

Yung smile niya, nakakahibang. Para akong lutang na naglalakad ng may mabangga ako.

Blag!

Nagkalat lahat ng mga files ..

"I'm sor-" pag-angat ko ng tingin , maamo niyang mukha ang bumungad sa akin,"I'm sorry"
"I'ts okay.." At ngumiti siya

Agad kong pinulot ang ilang papel at folder, nahagip ng mata ko ang initials na nakalagay sa folder Ms.D. Vidal, at pagdampot ko, kamay niya yung nahawakan ko.
"Sorry"
Tumitig sya sa akin at ngumiti, para akong matutunaw sa mga tingin niya sa akin. Agad akong yumuko, pakiramdam ko kasi nag-iinit ang mukha ko.

"I have to go, see you around"

Nginitian ko na lang siya, pero sa halip ay kinindatan niya lang ako na ikinagulat ko.

Ms. D. Vidal , Siya si Danielle

"Hey"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Si grace, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

"H-hi"
"Kamusta? new staff?"
"Ah, oo" tipid na sagot ko, "uhm, una na ako, excuse m-" napansin niya atang iniiwasan ko siya
"not so fast my dear" hinawakan niya ako sa braso, " besides maaga pa naman di ba?" medyo may pagkamaldita niyang sabi.
"G-grace.."
"Ow, kilala mu pa pala ako?" taas kilay niyang tanung sa akin, "well, wala ka atang kasama ngayun?"
"Grace, please.."
"Oh, marunong ka ng gumamit ng please?"

"Grace!" sabay kaming napalingon sa tumawag, "tara na mag start na ang meeting" lumapit sya at hinila niya si Grace
"excuse us" at ngumiti sa akin
"D!" pero tiningnan lang siya nito at hinila na sya palayo.

Oh my God

Parang gusto ko ng magback-out ngayun pa lang. Hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin ngayon. Ito na siguro ang tinatawag nilang karma. Bakit sa dinami-dami ng taong pwedeng makatrabaho ko, siya pa at ang malupit pa dito, siya ang BOSS ko.

Danielle's POV

Malayo pa lang ay nakilala ko na agad siya, ang tindig niya, kung paano siya maglakad. Kaya lang parang may kakaiba sa kanya ngayon, nilapitan ko siya pero hindi niya ata ako napansin. Kaya hindi ako umiwas at sinadya ko na mabangga niya ako.

"I'm sorry"
"I'ts okay.." hindi ko mapigilang hindi ngumiti sa kanya.

Nakita kong dadamputin niya ang folder ko kaya inunahan ko na siya, kaya naman nahawakan niya yung kamay ko. Napansin kong natigilan siya, Shit nabasa niya ata yung initials ko. Para naman may gumapang na kuryente sa katawan ko ng magdikit ang mga balat namin. Hindi ko din maiwasan na hindi siya titigan, maliit lang ang distansya sa pagitan namin. Bigla siyang yumuko ng mapansin niyang tinititigan ko siya. Nahagip din ng mga mata ko ang bahagyang pagpula ng mga pisngi niya kaya ako na mismo ang umiwas. Kinuha ko na lahat ng files at nagpaalam bago umalis.

Papasok na ako ng conference room ng mapansin kong wala pa sa loob si Grace, kaya agad ko siyang hinanap. Shit! Baka makasalubong niya si Belle, until now kasi hindi niya pa nakakalimutan yung nangyari. Baka kung anung gawin niya, kaya agad akong lumabas para hanapin siya.

Naabutan ko siyang hawak sa braso si Belle. Kaya naman, inilayo ko na si Grace sa kanya, baka magkasakitan pa sila. Hila-hila ko si grace ..

"D, ano ba?"
"Grace, anu sa tingin mung ginagawa mo?"
"Kinakausap ko lang naman siya ah"
"Pero hindi iyon ang nakita ko"
"Bakit ba napakadali sa iyo na patawarin siya? To think na grabe yung ginawa niya sa iyo"

Hindi ako sumagot, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil, mahalaga siya sa akin kaya madali ko siyang napatawad.

"Let's forget about that, it's been years ago"
"So?"
"move on .."

Natigilan siya sa sinabi ko, pero nakatitig siya sa akin.

"I'm sorry"
"Sorry din D, nag-aalala lang naman ako"
"Don't worry Grace, I can still manage" pag-assure ko sa kanya.
"Uhm, ok"
"Tara na sa loob?"
"D, can I ask something?"
"Yeah, sure"
"Mahal mo pa din ba siya?"
"Who?"
"Si Belle"
Nginitian ko siya bago ako sumagot, "love doesn't fades .., and it can never be forgotten"
"so, liligawan mo ba siya?"
"Uhm, right now, I don't know"
"What if she likes you?"
"Well, we're not sure of that, remember how she dumped me?" napailing na lang ako, "I don't know"
"Pero di ba sinabi mu din sa akin na naramdaman mung mahal ka din niya? Nung-"
"Yeah, pero hindi naman ako sigurado kung totoo yung ipinaramdam niya" pinutol ko agad ang sasabihin niya, oo nung hinalikan niya ako.
"What if totoo?"
Tinitigan ko na lang siya, "Hindi ko pa alam"
"Ok"
"Why did you ask?"
"I want to know, besides,I'm your bestfriend right?"
"Yeah, your my best buddy!"
"Of course!"
"So shall we?"
"Yup"

Grace POV

Minsan, nakakainis si D, ok lang sa kanya kahit nasasaktan na siya. Handa niya pa rin ibigay ang sarili niya kahit alam niya na walang kasiguruhan. Parang ako, kahit alam kong kahit anu pang gawin ko, hindi ko makukuha ang space sa puso niya na nakalaan pa rin sa nag-iisang taong mahal na mahal niya simula pa nung una. Kahit na dumating sa buhay niya si Jaz, hindi pa din nawala sa puso niya si Belle. Kaya naman ibinuhos niya lahat ng pagmamahal niya kay Jaz, pero iniwan pa din siya ng huli.

Bakit ko pa kasi tinanong, alam ko naman ang sagot in the first place.

love doesn't fades .., and it can never be forgotten

Yeah right, kahit pa sa umpisa pa lang, sinabi niya na sa akin na hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay, hindi pa din mawaksi ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko ito basta kayang kalimutan na lang. Kung pwede sana na paggising ko isang araw wala na itong nararamdaman ko para sa kanya.

"Yeah, your my best buddy!"

Yeah right, I'm just your bestfriend, nothing else. How I wish I could be her. Sana pwedeng ako na lang.

Danielle's POV

Tapos na ang meeting, pero napansin kong wala pa ring imik si Grace. Kaya nilapitan ko siya para kausapin.

"Are you okay?"
"Yeah,,"
"You could tell me"
Tiningnan niya lang ako, na tili ba nag-iisip kung dapat niya bang sabihin o hindi
"Okay, tell me when you're ready"
Aalis na sana ako ng bigla syang magsalita
"Later .."
Nilingon ko siya,"okay"
"see yah"
Nginitian ko na lang siya, mukhang mabigat yung dinadala niya. Nag-aalala ako para sa kanya, sana maging okay na din sila ni Belle.

__________>>>>>>>>>>________

Thanks for reading ..

O-ow, mukhang nagiging kumplikado na ang lahat, pano kaya ito haharapin ni Danielle?

Paano ko din kaya ito ipagpapatuloy?
Hehehe may suggestions ba kayo? :)

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon