Chapter 11

450 13 2
                                    

Sorry kung bitin iyong previous chapter ah lumalagari lang ako pangkabuhayan
Salamat pa din sa suporta

____________________
Belle's POV

Nasagot ko naman lahat ng tanung niya sa akin. Tumayo siya at nakangiting inabot ang kamay sa akin. But this time, hindi na tipid, kundi buong ngiti na niya ang binigay, lumabas tuloy ang dalawang cute na dimples na nakatago sa mga pisngi niya. And i find it cute.

"See me tomorrow morning"

Inabot ko naman ang kamay niya, sobrang lambot at mainit ang palad niya.

"Thank you po"

"Warm welcome.." at sumulyap siya sa mga kamay namin.

"So-sorry po" sa pagkabigla ko, hindi ko pala nabitawan yung kamay niya. Nakakahiya tuloy. Pero parang wala lang sa kanya, at ngumiti ulit siya. Kung my sinasabi silang "love at first sight" ako ata "na-love at her smile".

"Salamat po ulit"

Lumabas na ako ng office niya, ngayun ko lang napansin na wala itong ibang katabing room ng mga empleyado. Executive floor, nasabi ko sa sarili. Bumaba na ako at dumiretso pabalik sa HR office.

"Here, submit all the necessary documents as soon as possible"

Inabot ko ang letter size paper, nakasulat doon lahat ng mga requirements na kailangan kong i-submit. Meaning, tanggap na ako sa trabaho. Hindi ako makapaniwala, parang napaka-imposible kasing matanggap ako sa ganitong klase ng kumpanya. Sobrang saya ko.

"Congratulations" nakangiting bati sa akin
"Thank you po"
"Tomorrow pwede ka ng mag-start, pero dumaan ka muna rito sa office for your ID"
"Ok po, salamat ulit"

Ano kaya mangyayari bukas? Excited na ako.

______________________________
Danielle's POV

Gusto ko siyang kamustahin, marami akong gustong itanong sa kanya. Sobrang tagal na din ng huli kaming nagkita. Namiss ko siya ng sobra, ako kaya namiss din niya? Mukhang hindi niya ako nakilala, mas ok na siguro iyon para hindi kami magka-ilangan. Hindi kasi maganda iyong paghihiwalay namin noon ...

Sinundan pala ako ni Belle, pero hindi ko pa din mapigil ang mga luha ko. Hindi ako nasaktan sa mga bagay na ibinato nila, mas nasasaktan ako sa ideyang , sa lahat ng tao na pwedeng gumawa sa akin nito, bakit si Belle pa?

Belle's POV

sinundan ko si danielle, nagi-guilty kasi ako sa ginawa namin.

"Gurl, san ka pupunta?"
"Kakausapin ko lang siya" sigaw ko habang palayo sa kanila

Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Naabutan ko siyang nakaakap kay Grace, umiiyak ..

"Ahm, D-danielle .."
Tumingin sa akin si Grace, "kayo, anu bang problema niyo? Masaya na kayo ngayon?"

Gusto kong magsalita at ipagtanggol ang sarili ko, ipaliwanag kung bakit, pero nanatili lang akong tahimik.

"Grace.." saway ni Danielle sa kanya
"D, bakit? Sinaktan ka niya, ipinahiya ka pa!"
"Please, grace .. Tama na"
"Danielle, pwede ba tayong mag-usap?" tanung ko sa kanya
"Bakit pa?" singit ni Grace
"Grace, ok lang ako, .. kita na lang tayo sa junction"
"Ok" pero tiningnan niya ko ng masama at lumakad palayo.

Lumapit ako kay Danielle,
"Ahm .." hindi ko alam kung paano ko uumpisahan.
nakayuko lang siya,
"Ayaw mu ba sa akin?" mahina niyang sabi
"hindi naman sa ganon d-"
"pero bakit?" ramdam ko ang hinanakit sa boses niya, nasaktan ko nga siya

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon