Lunch break na ..
Naglakad na ako papuntang office ni Grace para sunduin ito dahil sabay daw kaming mag lunch. Pagtapat ko sa office nya, nakita kong may kausap pa sya sa phone kaya kinatok ko ang glass window nya. Sumenyas sya sa akin at nagpaalam na sa kausap.
Nakangiti syang sumalubong sa akin .."Tara na" aya ko
"Yes boss!"
"San tayo?"
"Dun na lang sa dati.."
Habang kumakain kami, napansin kong panay ang tingin nya sa akin
"May problema ba?" tanung ko
"Wala naman" nakangiting tugon nya
"Eh bakit kanina mu pa ko tinitingnan?"
"Natutuwa lang ako kasi pumayag kang sumama sakin, matagal na din kasi tayong hindi nagkakasama"
"Palagi naman tayo nagkikita sa office di ba?"
"Yeah, pero what i mean is, yung ganito .. palagi nga tayong nagkikita sa office pero lagi lang naman tayong nag-aasaran!"
Napangiti ako sa sinabi nyang iyon, wala na lang kaming ginawa kundi mag-asaran.
"namiss ko lang kasi yung ganito, tulad ng dati, magkasabay kumakain, nagkwekwentuhan, yung mga ganung bagay ba""Uhmm"
"Lately kasi palagi ka na lang subsob sa trabaho, pag inaaya ka, laging hindi ka pwede"
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakikinig
"Mula ng magbreak kayo ni Jaz, ikinulong mu na lang yung sarili mu sa work"
Napabuntung hininga na lang ako sa mga sinabi nya, tama sya, simula ng makipagbreak sa akin si Jaz, tumigil na iyong pag-ikot ng mundo ko, sinubukan ko pang i-save ang relationship namin, pero wala na. Minahal ko sya ng sobra, binigay ko lahat kaya wala ng natira para sa akin. Ang hindi ko lang matanggap kung bakit hindi pa ako naging sapat para sa kanya. Sabagay, isa lang naman ang hindi ko kayang ibigay sa kanya, ang bigyan sya ng anak.
"Let's cut our losses and move on .."
"but why do we have to?"
"nielle, i guess this thing would never work out anymore.."
"but i love you.."
"i do love u too, but it's not that thing .. i want to have a family of my own"
"We can have ours"
"No, we can never have .."
Hindi agad ako nakapagsalita, tama sya sa isiping iyon.
"Jaz .."
"Im sorry nielle .."
Naramdaman ko na lang ang mainit na likido dumadaloy mula sa aking mga mata.
"Please, baby don't do this to me.."
"Nielle, im pregnant!.."
"but.." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, pilit kong ipinaiintindi yun sa sarili ko. Paanong nangyari? .. Si Mateo !
Siya lang ang unang lalaking pumasok sa isipan ko na maaaring umagaw sa taong mahal ko."don't tell me, its him.." tiim bagang kong sabi
"im sorry .."
"that's a bullshit! Fuck!" sigaw ko "kailan niyo pa ako niloloko?"
"Baby .."
"How could he? Damn!"
Niyakap niya ako, pero binalot na ng poot ang puso ko, para sa lalaking iyon. Ang kapal ng mukha nya na gawin sa akin yun. Matapos ko syang tulungan tatraydurin nya lang ako.
"Bakit sya pa?"
"Im sorry .."
"jaz, layuan mu sya please.." pagmamakaawa ko pero tahimik lang sya
"look, we can have that baby, and be a family .. aangkinin ko syang akin, wag mu lang akong iwan, baby.." nakaluhod na ko nagmamakaawa sa kanya.
"Nielle please, stop it" ...
___________________
"D? .. D!? " tawag sa akin ni Grace"Ha?"
"Ok ka lang ba, nakatulala ka na dyan kanina pa ako nagsasalita dito, kaloka ka!"
"Sorry, anu nga ulit iyon?"
"akala ko nahimatay ka na ng dilat dyan"
"pasensya ka na"
"naiisip mu nanaman sya? kalimutan mu na yun, madami naman dyan iba na hindi ka iiwan nuh!"
"talaga?"
"ay sus, uo naman , tumingin tingin ka lang"
"Uhmm"
"mas maganda, sexy, mabait at mapagmahal" dagdag niya pa at nagpose pa
Luminga linga ako, "nasan ba? Wala akong makita eh"
bigla nya akong hinampas sa braso "kainis ka!"
"Ouch!" sabay tawa
Kahit paano ay nabawasan ang pagkainip ko, pero nadagdagan nanaman ang lungkot sa puso ko, hanggang ngayon kasi, hindi pa din ako tuluyang nakakamove on kay Jaz, kahit alam kong sya ay masaya na sa piling ng iba.
"magmove on ka na kasi!"
"wow ha! Big words!"
"Alam mu D, wag mung sayangin yung oras mu sa pagmumukmok nuh, life is beautiful .. Like me!" at nagpose pa sya
"Ok na sana eh, kaya lang dinugtungan mu pa" pang aasar ko sa kanya
"Alam mu nakakainis ka na D! Minsan naman sumang ayon ka din sakin" pagmamaktol nya
"Eh panu naman ako sasang ayon eh puro ka kalokohan" natatawa kong sabi
"Wow ha, k fine!!! ikaw na matino!" Nakataas ang kamay niya tanda ng pagsuko.
"Tara na nga ibabalik na kita sa kuwadra mu" aya ko sa kanya
"Gawin ba akong kabayo?" inirapan niya ako "sa ganda kong ito!"
"ikaw ang nagsabi niyan"
Alam ko at ramdam ko na may pagtatangi sa akin si Grace bago niya pa ipagtapat yun sa sakin. Pero pinili ko na maging magkaibigan na lang muna kami. Una, dahil nung mga panahong iyon, mahal na mahal ko pa din si Jaz at unfair yun para sa kanya kung magiging rebound sya. Pangalawa, wala kasing chemistry sa aming dalawa, uo maganda sya, sexy pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Sinubukan ko na mahalin siya pero wala talaga eh at naintindihan naman nya daw yun.
Saktong pagkaupo ko biglang tumunog ang telepono kaya pinindot ko ang speaker.
"Mam Vidal, kailan niyo po gustong i-sched ang final interview ng mga applicants for our new staffs?"
"Uhmm, i guess pwede ako ng tuesday after ng morning conference ko with sales"
"ok po mam, thank you"
"One thing .."
"Yes mam?"
"May feedback na ba for my new secretary? As much as possible, mas maaga sana para naman maipaliwanag ni Macey yung mga concerns and tasks niya"
"As of now mam, negative pa po"
"Uhmm o-kay .."
"anything else you want to ask mam?"
"nothing, thank you!"
Inilapat ko ang likod sa upuan, wala pang feedback. Out of nowhere, biglang pumasok sa isipan ko si Belle, kung nag-aapply nga sya ng work dito bakit hindi na lang kaya siya ang kunin kong secretary? Tama! Napangiti ako sa isiping iyon, hindi mapakali ang puso ko sa excitement. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero pakiramdam ko sya ang kailangan ko.
pati na ng puso ko ..
BINABASA MO ANG
The Boss
Short Story"Always expect the unexpected." pwedeng yung taong kinaayawan mu noon, ay yung taong mamahalin mu ngayon. life is simple yet so complicated. We'll never know when, where, how and to whom we may fall in love. Kaya dapat I-enjoy lang yung feeling, wa...