Chapter 6
"Hahahaha, kwento mo pa nga please. Isa pa please" halos mamatay na si Reid kakatawa nang ikwento ko sakanila about what happened to Mac. Naaawa lang akong tiningnan ni Yumi at Charles pero yung isa tinatawanan lang ako
"Seryoso ka ba talaga Navreen?" nag aalalang tanong saakin ni Charles
"Baka crush lang? Tsaka Navs mahal na mahal kita pero kasi paano kung magkagusto nga sa'yo si Mac tapos mag sawa ka. Kawawa yung tao, mukha pa naman seryoso yun at mabait" dagdag pa ni Yumi kaya napanguso ako
"Seryoso nga ako, guys! I really like him and I want to take him serious and I will!"
Hingal na hingal na umayos si Reid kaya sinamaan ko siya ng tingin
"Seryoso na! Hoy Navreen bakit naman kasi binigla mo si Mac, dahan dahanin mo naman boi! Aatatakehin yun sa puso" saad ni Reid at naupo sa sofa
Nasa bahay kami ngayon nila Yumi at tumatambay. Si Ate Lisa lang kasi ang kasama niya ngayon kaya binisita namin siya
"At ano rin ang sasabihin mo kay Harvey? Umamin siya sa'yo, Navreen. Gusto ka niyang seryosohin, ito na yung chance mo na gusto mong magkaroon ng totoong boyfriend" saad naman ni Charles
"Hindi niya naman pwedeng patulan yung Harvey kung si Mac ang gusto niya. Hindi niyan sasaya si Navreen" seryosong komento ni Reid kaya napasandal na lang ako sa sofa at napahawak sa ulo
"Hindi naman siya sigurado kung gusto siya ni Mac" dagdag pa ni Charles kaya pumikit na ako ng mariin
"Navreen, kung ano man ang maging desisyon mo okay lang at support ka lang namin as long as masaya ka pero kung papipiliin sino ba ang mas gusto mo?"
Hindi talaga maiwasan na maging chismosa nitong bff ko. Napanguso naman ako at nahihiyang sumagot
"Si Mac"
Tinawanan nanaman tuloy ko ni Reid kaya sinabunutan ko siya "Kanina ka pang tawa nang tawa! Ano naman kung hindi siya pumayag na makipag date saakin ha!? Pag naging boyfriend ko yun kakalimutan na kita!"
"Puta sakit naman nito manabunot! Support nga kita kahit ano din pero Team Mac ako kasi pinahiya ka"
Inirapan ko na lang siya at umayos na ng upo sa sofa. Dinalhan naman kami ni Ate Lisa ng sandwich kaya natahimik kaming apat habang kumakain. Nagulat na lang kami nang biglang sumigaw si Charles
"Alam ko na!"
"Ano?" kuryoso kong tanong
"Hindi ka pa naman sigurado sa kung anong nararamdaman mo kay Mac diba?" anito kaya tumango ako at kumagat sa tinapay
"Pumayag ka na magpaligaw ka kay Harvey" simpleng saad niya
"Oh paano naman malalaman ni Navreen yung tunay niyang nararamdaman para kay Mac?" tanong naman ni Reid na halatang interesado sa plano ni Charles
"Edi kapag nagpaligaw siya kay Harvey sigurado akong she will realize a lot of things pero kung ako sa'yo ligawan mo rin si Mac"
Sabay sabay na napakunot ang noo namin sa sinabi ni Charles
"Pinagsasabi mo, Charles? Hindi pwedeng habang liniligawan ni Harvey si Navreen, nililigawan niya naman si Mac" singit na ni Yumi
"Sus ikaw nga may something kayo ni Kuya tapos si Jameson pala ang gusto mo" Reid fired back kaya tinapunan siya ng unan ni Yumi
"Labas!"
"Ito naman di mabiro! Inside joke nga natin yun na dalawa diba?" Reid teased kaya Yumi just rolled her eyes at him
YOU ARE READING
After Minutes (After Trilogy #2)
RomanceAfter Trilogy #2 Jhustine Navreen is the most beautiful of them all, every women wants to be like her and every man wants to be with her. She's the perfect package and she knows it, until she met Manuel Cillian, the promdi church boy.