Chapter 29

6 1 1
                                    

Chapter 29

"Oh my god! Bakit ganito ito? This is not the kind of materials that we ordered! This is cream, not eggshell! Palitan mo 'to, and don't you dare charge us kasi kayo ang nagkami sa pag pick up!"

I didn't bother to look at the delivery guy at inirapan ko naman sila kaagad. Hinawakan tuloy ako sa magkabilang balikat ni Pam para pakalmahin ako

"Navreen, magpalamig ka na muna ng ulo sa office. Ako na bahala dito"

Napanguso naman ako tumango. I went back inside the office at naabutan doon si Yael na sobrang busy sa mga papeles. Macoy and Emily are busy with their other projects kaya si Yael na muna ang head, I miss him so much! Ang late niya na kasi umuwi tapos minsan maabutan niya naman akong inaantok na. After kasi naming makauwi sa Manila from Cordilleras, tinambakan siya ng trabaho ng Perez Corp., my poor babie

I get so tired easily these days, I need a break. Feeling ko after our wedding I will take a break, ewan ko ba gusto ko na lang talaga matulog. Naupo naman ako sa swivel chair ko at tiningnan si Yael

Hindi niya ako tinitingnan kaya kumuha ako ng used paper at ginusot ito sabay tapon sakanya. Napatingin naman siya kaagad sa pwesto ko kaya napakunot ang noo niya

"May problema ba?"

"Nagugutom ako, bilhan mo akong pagkain"

"Hoy, wala lang si Mac ako naman ang linalandi mo. Sorry, Navreen pero taken na ako"

Napakunot naman ako ng noo "Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi ka na invited sa kasal namin, hindi ka na best man!"

Napaawang naman ang kanyang bibig "Hindi ka naman mabiro! Ano ba gusto mong pagkain?"

"Gusto kong pistachio cake"

"Gagi, saan ako mag hahanap niyan?" he said while scratching his head

Pumasok naman bigla si Reid "Navreen, ang init nanaman ng ulo mo. Kawawa yung mga delivery guys, hindi mo naman sila kaylangan sigawan ng ganoon. Kulang ka ba sa dilig?" anito at linagay sa mesa ko ang mga papel na dala dala

"Excuse me, pero hindi ako kulang sa dilig. In fact, acti-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang sabay magtapik ng tainga si Reid at Yael

"Bastos! Bastos! Bastos! Ayoko niyan, bastos!" Yael screamed like he's horror kaya I rolled my eyes na lang at bumalik sa upuan ko

"Where's my pistachio cake!?" sigaw ko sakanya

"Heto na! Kung di ka lang ikakasal kay Mac hindi kita tiyatiyagaan" napatingin naman ako sakanya at parang may tinawagan kaya napangiti ako

"Para saan yung cake?" curious na tanong ni Reid

"For me, I'm hungry"

Napakunot naman ang noo niya "Kakatapos lang natin mag lunch, gutom ka nanaman?"

Hindi ko na lang siya pinansin at nag trabaho na lang doon sa mga papel na binigay niya saakin. Sa mga shipments of materials lang naman iyon. Sinulyapan ko naman si Yael dahil ang tagal nung cake na hinihingi ko sakanya

Maya maya napatingin ako sa nagbukas ng pintuan and it was Kuya A. Halos mag heart eyes ang mata ko when I saw him carrying a box of cake

"Is that my pistachio cake?" tanong ko kaya tumango siya

"Linibot ko ang buong bakery, mabuti na lang at meron sa Convivencia. Yael, bayad mo"

Binigay naman saakin ni Kuya A yung cake kaya dali dali ko itong linapag sa coffee table namin at binuksan

"Bakit ako? Si Navreen ang singilin mo! Ako lang umutos sa'yo"

Napabuntong hininga naman si Kuya A at tiningnan ako sabay lahad ng palad pero I smiled sweetly at him

After Minutes (After Trilogy #2)Where stories live. Discover now