Chapter 7
When we arrived at the mall dumiretso na kami ni Mac sa Bonchon to eat. Gutom na rin din kasi ako and I know na siya rin and besides he deserves a celebratory meal. He worked so hard and they won their first game pa
Nasa linya kaming dalawa at pumipili ng makakain
"I'll pay na lang kasi ako naman nag yaya sa'yo" suggest ko
"Sige, tapos sa susunod ako naman" saad niya habang nakatingin sa menu
Napangisi naman ako sakanyang sinabi and nudge his shoulder kaya napatingin na siya saakin
"May susunod pa?" I said in a teasing tone pero he just shook his head while smiling
"Ako na mag oorder hanap ka na ng upuan"
Binigay ko na sakanya yung pera at naupo na ako. I told him na yung good for 3 na yung bilhin niya para saaming dalawa. He's eveb surprised na kaya kong umubos ng tatlong chicken, well duh of course I can. I eat well kaya
Bumalik na siya habang dala dala yung number namin. Linapag niya sa sahig ang itim niyang jansport na bag
"Mabuti naman nasakto na wala kang pasok ngayon" saad niya
Oh boy, if only you knew na may PE pa akong pasok. Hindi ko na lang iyon sinabi sakanya para hindi na siya mag alala kung mag aalala man siya
"Can I ask you something?"
Tumango naman siya at umayos ng upo habang nakatingin saakin
"Saan ka nag high school? Hindi ka naman ata taga rito no?"
Curious kong tanong dahil wala talaga akong idea sa buhay niya. Wala rin naman kaming kakilala na Lopez kaya wala naman akong matangungan. Much better to ask him in person na kang instead of stalking him on facebook or instagram
"Hindi. Taga Cordilleras kami, lumipat lang talaga kami dito para makapag aral ako"
Napaawang naman ang bibig ko because that's such a big step for a family
"Wow grabe. Lumipat sila for you to study here? Paano yung work ng parents mo?"
"Nag resign na si Mama at nasa bahay na lang. Si Papa naman nakakuha ng trabaho agad dito, siya yung bagong secretary ni Mayor Salazar kaya mataas din ang sweldo niya"
I nodded because that's actually a big job. Magaling ata siguro talaga ang Dad niya to get a job with Mayor Salazar. I heard he's very uptight and high maintenance pagdating sa employees niya
"Yung sumunod naman saakin na kapatid ko nag aaral sa public school ngayon. Lilipat yung sa SJSU sa susunod na pasukan. Susubukan niyang makakuha ng scholarship dahil mag aapply siya bilang volleyball player"
"A family of sports? Ang galing naman! Paano si Michael?" kuryoso kong tanong
Bigla namang dumating yung order namin kaya linapag na nung waiter yung mga pagkain, Mac helped him
"Hindi na nag aaral si Michael" seryoso niya biglang sagot
Kumain na lang kami dahil mukhang gutom na gutom na siya. I am so amazed talaga sa family niya. Kaya siguro talaga nabadtrip siya saakin nang masira ko plates niya. Tatlo silang magkakapatid and his Dad is the only one working for them
"Every Sunday ka bang nasa church?" tanong ko ulit
Napalunok naman siya at tumango
"Oo. Nag volunteer ako na tumugtog para sa choir nila tsaka tuwing Linggo naman kasi talaga nag sisimba ako"
Hindi na lang ako nagtanong pa about sa pag simba niya dahil baka tanungin niya ako ng saakin. I don't go to church and I don't like going there, baka ma turn off pa siya
YOU ARE READING
After Minutes (After Trilogy #2)
RomanceAfter Trilogy #2 Jhustine Navreen is the most beautiful of them all, every women wants to be like her and every man wants to be with her. She's the perfect package and she knows it, until she met Manuel Cillian, the promdi church boy.