Chapter 17

7 2 0
                                    

Chapter 17

"Babe, gising na" I felt Macoy is pinching my cheeks kaya dahan dahan kong minulat ang mga mata ko

"We're here already?" pag rereklamo ko and stretch out my arms

Dahil may pasok pa nga kami inagahan naming dalawa ang flight from Palawan to Manila. We called Manong Elias na din para makapagbyahe naman kami papunta sa Bulacan. Nakakapagod talaga mag travel but it's so fun with Macoy

The night that we spend together is the best. He was so sweet and careful with me. Kinabukasan noon we went to Palawan Heritage Center, Plaza Cuartel and sa Baywalk Park. Namasyal lang talaga kaming dalawa at nag picture, nakalimutan nga namin bumili ng pasalubong. Magtatampo nanaman saakin si Mommy, naalala lang kasi naming dalawa nang nasa airport na kami

"See you at school" mahina kong saad when Macoy got off the car. He smiled sweetly at me and kiss the top of my head

"See you, pahinga ka na"

Akala ko pahinga ang maabutan ko sa bahay, hindi pala. I am pulling my luggage so tiredly because ang dami naming pinuntahan ni Macoy and the airplane my gosh I just want to lay in bed na lang pero napasimangot na lang ako when I heard my mother yelling

"You lied to me! Bakit hindi mo saakin sinabi na may girlfriend ka na?"

Sumilip naman ako sa living at nakita kong nakatayo si Mommy while screaming at Kuya na nakaupo lang sa sofa while massaging his sentido

"What is happening here?" napatingin naman ako kay Dad na kakalabas lang sakanyang study office, nag tama ang mata naming dalawa but I just shrugged at tinuro si Mommy and Kuya

"Raquel, it's 9 o'clock in the morning. Bakit ka sumisigaw diyan?"

Mom took a heavy breath at tinuro si Kuya "Tumakas ang anak natin papunta sa Ilocos just to see her girlfriend, kung hindi pa siya nakita ni Thomas hindi ko malalaman!"

"What's your point Mom? I'm 22 years old and responsible, anong kinakagalit mo?" sagot na ni Kuya kaya napalunok ako

"My point!? Nagagalit ako kasi you drive all the way down there in the middle of the night without telling me and because of a girl we never even met!"

"Mom, Klare is a great woman! Kaya ayoko siya sa'yo ipakilala because I know you're going to react like that. She needed my help, she was crying, her friend- nevermind"

"What? Umiyak lang yung girlfriend mo pumunta ka na ng Ilocos? Ano magpapakasal ka na ba agad? Magpapamilya? Iiwan mo na kami? You're special Grayson, no one is enough for you! I want to meet that Klare!"

"Ayoko! As much as possible ilalayo ko siya sa pamilya na ito, especially from you!" linampasan na ni Kuya si Mommy at tumaas sakanyang kwarto. Wala namang sinabi si Dad at napabuntong hininga na lang at linapitan si Mommy na umiiyak na

Tahimik na lang akong tumaas ng kwarto. Gusto ko sanang kausapin si Kuya but I know he's still cooling down and I'm tired from the trip. Nakatulog naman ako kaagad pagkarating ko sa kwarto. Naligo at nag ayos na ako at bumaba from my room

Ang tahimik ng bahay, it's creeping me out. Kumuha lang ako ng maiinom at pagkain sa ref at tumaas na ulit. Kumatok naman ako sa kwarto ni Kuya pero walang sumasagot kaya binuksan ko ito at nakitang nakaupo siya sa harapan ng computer niya at naglalaro ng Valorant

Napatingin naman siya sa pwesto ko at tinanguan ako nang nakasimangot. Pumasok na ako sa kwarto niya at naupo sa kama niya, maya maya he removes his headset at umikot sa gaming chair niya para magkaharap kaming dalawa

"Musta ang Palawan?" panimula siya so I smiled at him

"Masaya, thank you pala ulit Kuya" tumango naman siya at sumandal sakanyang upuan

After Minutes (After Trilogy #2)Where stories live. Discover now