Chapter 20
Trigger warning: Suicide attempt
"Mac! Tomguts na ako pre, punta tayong canteen"
Napaangat ako ng ulo nang tawagin ni Yael ang pangalan ko. Nasa student lounge kami ngayon ng COE dahil nag rereview ako dahil may long quiz daw kami sa utilities pero itong kaibigan ko puro pagkain lang ang nasa isip
"Mamaya na, mag aral na muna" saad ko sakanya pero hinila na niya ako patayo
"Kanina pa tayo nag aaral, Mac! Nababaliw na ako, kaunti na lang magiging chicharon ka na sa paningin ko. Hindi ka ba nagugutom?"
Pagkatapos niya akong tanungin nun nakaramdam na nga ako ng gutom kaya nag ligpit na ako ng gamit at pumunta na kami ng canteen. Ang malas lang namin dahil minsan na nga lang kami kumain dito sa canteen ng SJSU dahil gold ang presyo ang haba pa ng pila
Ito lang naman kasi ang malapit sa building namin na kainan. Kung lalayo pa kami sayang sa oras
"Tangina, ang tagal ng pila" narinig kong bulong ni Yael sa sarili. Napabuntong hininga na lang ako at naghintay sa pila
"Mauna ka na" napatingin naman ako doon sa nasa unahan naming nursing student na may kausap na babae.
Nakita ko na 'to kaso nakalimutan ko kung saan basta ang tanda ko nakikita kong kasama 'to palagi ng kapatid ni Atticus"Um.. is it okay?"
Luh. Papasingitin ba nitong nursing yung babae? Hindi okay hoy! Kanina pa kami dito nakapila tapos papasingitin lang iyan?
"Go ahead" sagot naman nitong isang nursing doon sa babae
Sumingit naman kaagad yung babae kaya napakunot ang noo ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago magsalita
"Uy miss may pila, sinabihan ka lang na sumingit, sumingit ka naman. Wew!"
Nakita kong napasimangot kaagad siya sa sinabi ko at parang nagpipigil na manglait. Hindi naman siya nagsalita at yung nagpasingit sakanya yung nagtanggol sakanya, mabuti na lang kasama ko si Yael at mah back up ako
"Hey engineers, hindi niyo ba kilala ang babae na 'to?"
Parang kasalanan pa namin tuloy yung nangyari kasi hindi namin siya pinasingit. Dahil ba mayaman siya at may pribilehiyo papayag na kami? Tapos, di daw niya kasalanan kasi yung mga nursing nagpasingit sakanya, ganoon pa din yun! Sumingit pa din siya, nag take advantage siya
"Tingin mo?" maarte niyang tanong saakin pero inilingan ko na lang. Ayoko pumatol sa mga ganoon, wala lang akong mapapala. Mabuti na lang umalis pero nakalibre din kasi bibilhan na lang daw nung isa, sus
Nang makabili na kami ni Yael dumiretso na kami sa student lounge pero itong kasama ko hindi pa rin nakaka move on doon sa nangyari
"Si Navreen nga pala iyon, yung anak ni Ninong Carlos" biglang saad niya at kumagat doon sa tinapay niyang ginto. Akalain mo 30 isa? Tapos ang palaman ham tapos keso lang naman, kaya ko rin naman gumawa niyan
"Sinong tinutukoy mo?"
"Yung babae kanina. Hindi ko kasi namukhaan, famous yun. Madaming nagkakagusto na lalaki doon tapos yung pamilya nun may firm ng mga engineers at architects"
Napataas naman ang kilay ko "Tulad nung sainyo?"
"Oo pero mga engineer lang saamin'e. Grabe naging crush ko yun noong high school"
"Oh anong nangyari? Bakit hindi naging kayo?" kuryoso kong tanong
"Ang sabi ko crush! May sinabi ba akong linigawan ko? Feeling ko kasi hindi ako pogi noong high school 'e kaya di ko sinubukan. Sorry heto lang ako, simpleng tao"
YOU ARE READING
After Minutes (After Trilogy #2)
RomanceAfter Trilogy #2 Jhustine Navreen is the most beautiful of them all, every women wants to be like her and every man wants to be with her. She's the perfect package and she knows it, until she met Manuel Cillian, the promdi church boy.