Chapter 23
Andito ako ngayon si condo ni Mac and I'm teaching him how to make a carbonara. Nasa likod ko lang siya habang pinapanuod ako na mag luto, he is helping me din naman but he's so clumsy pagdating sa pagluto
"What are you doing?" pagtataka kong tanong when I saw him mincing the ground beef
"Naghihiwa, obvious ba?"
"Oh my god, giniling na yan, bakit mo ba hihiwain?"
Napaawang naman ang bibig niya kaya kinuha ko yung ground beef at pinalita ng bell pepper
"Iyan ang hiwain mo. Also, open mo na rin yung mga cream and milk" napatikom naman ang bibig niya at seryosong seryosong naghiwa ng bell pepper
Napanguso naman ako to stop myself from smiling. Hindi kasi sakanya halata na hindi marunong magluto, ang cute
"Watch me ah" saad ko sakanya when I started putting oil and salt habang pinapakuluan ang pasta. Tumango tango naman siya habang nakakunot ang noo na pinapanuod lahat ng ginagawa ko
"Ikaw gumawa ng sauce, I will guide you kung ano ang mga ilalagay" I took a step back at binigay sakanya ang sandok
"First add a little oil tapos ilagay mo na yung butter then the garlic and onion tapos yung ground beef, okay?"
Tumango naman siya at sinunod ang sinabi ko. Whenever he's going to put something sa kawali tinitingnan niya pa ako for approval kaya natawa ako
"Calm down, Mac! Carbonara lang naman ang ginagawa mo, hindi bahay"
"Mas kinakabahan pa ako sa pagluto kaysa sa pag gawa ng bahay, Navreen"
Tinawanan ko lang siya dahil halata sakanyang mukha ang kaba. Para siyang nasa laboratory exam and I'm his teacher. I continue to guide him lang, linagay na niya na rin yung milk and cream nang bigla akong sumigaw
"Oh my god, why!?"
Nabitawan niya naman kaagad yung can of milk at tiningnan ako ng kinakabahan
"Gagi, bakit? Anong nagawa ko?" nanlaki ang kanyang mga mata at tiningnan ng maigi yung sauce na ginagawa niya kaya natawa ako
"Joke lang! You are so serious, my gosh. You're doing great kaya"
Napabuntong hininga naman siya at give me a relief smile
"Baliw talaga 'to, akala ko kung ano na ang nangyari sa sauce" anito as he lightly pinch me cheeks kaya pareho kaming napatigil
Agad agad naman siyang bumitaw at nag halo ng sauce. I cleared my throat as I awkwardly step away para kumuha ng tubig sa ref niya. Naalala ko nanaman tuloy yung mga processed foods na kinakain niya palagi
"Um Mac, alam kong hindi ka marunong magluto pero you should learn o kaya naman magpaluto ka kay Emily. Hindi healthy yung mga kinakain mo" saad ko naman, nakita ko namang tumango siya habang busy mag strain ng pasta
"Opo, hulaan na lang namin ni Emily. Medyo marunong naman ang isang iyon magluto"
Natapos na rin ang carbonara kaya pinaupo na niya ako sa pabilog niyang dining table sa gitna nang kanyang kitchen. Tatlo lang ang upuan doon kaya I sat down sa parang may kabisera na part
Naglagay na siya ng plato sa harapan ko at tinidor and also on his side. Naglagay rin siya ng carbonara sa mangko at linagay sa gitna namin, my shredded na cheese sa taas nito. I was about to get for me nang agawin niya kaagad ang pang sandok
"Ako na, lods"
I hitched a breath when he called me lods. Hindi ko alam kung narinig niya iyon or ano, natawag niya nanaman akong lods. It's so new hearing him calling me that after all of these years, it actually pains me dahil nakasanayan na niya iyon. Pero iyong nakasanayan niya ay may linger sa past namin
YOU ARE READING
After Minutes (After Trilogy #2)
RomanceAfter Trilogy #2 Jhustine Navreen is the most beautiful of them all, every women wants to be like her and every man wants to be with her. She's the perfect package and she knows it, until she met Manuel Cillian, the promdi church boy.