Chapter 2

20 2 14
                                    

Chapter 2

After what happened at KFC kapag nag yaya si Kuya A na mag lunch hindi ako sumasama at hinihila ko si Reid. For sure he will bring the Mac almighty

It's just the way he looked at me is making me uncomfortable. Hindi naman ako matatakutin pero natatakot ako sakanya, not in a sense na nakakatakot siya makatingin or anything basta I don't want to be around with him anymore!

Ilang linggo ko na rin siyang hindi nakikita at mabuting sign iyon. Magkalapit lang kasi ang COE sa COA kaya malaki ang possibility. Isama mo pa na we have mutual friends

"Yumi, ayokong manuod ng basketball!" asik ko sakanya while she's pulling my hand, nahuhulog tuloy yung drawing tube sa balikat ko

"Bakit ba ayaw mo manuod? Support natin si Charles! Wala ka naman atang ex na basketball player no?" pag aalala niya with a matching sarcastic tone kaya napanguso ako

"Wala and wala rin akong gana manuod ng basketball" I even crossed my arms para hindi na niya ako mahatak

"Bahala ka diyan" saad niya at naunang maglakad

I sighed at sinilip ang loob ng gymnasium. He's not there right? Ano naman kung andiyan siya? Umayos ako ng tayo at inayos ang maigsi na buhok and fix my bag and drawing tube. Don't be scared Navreen, lalaki lang yan. Ikaw dapat ang kinakatakutan, hindi siya

Sumunod na rin ako kay Yumi dahil wala naman talagang dapat katakutan. Hindi lang ata talaga ako sanay sa presensya niya kaya ganito ako maka react and it's the first time someone hates me!

As I was walking gracefully, muntik na akong ma out of balance dahil may tumamang bola sa braso ko. Napahawak ako dito at sininghalan kung sino man ang nakatama saakin

"Ouch! Do I looked like a freaking basketball net to you!?" I tried to relax my face when I saw Mac jogging his way through me while he's raising his arm

"Sorry lods, di ko sinasadya"

Napatingin ako sa suot niyang white plain shirt at itim na jersey shorts. He's also wearing a basketball shoes na branded. Hingal siyang nakapunta sa pwesto ko, he brush his hair lightly at napameywang

"Nasaktan ka ba?" nag aalalang tanong niya pero mas lalo lang akong nabadtrip. Obvious ba? I won't be saying ouch kung hindi diba? Kung hindi ako nasakatan yehey sana sinabi ko

"You're so bobo!" asik ko sakanya agad, he took a step back at napakunot ang noo

"Kalma lang, nag sorry naman yung tao"

I breathed out heavily at inayos ang drawing tube ko sa balikat at inirapan na lang siya

"Arte" I heard him whispered pero I just calmed myself at sinundan na lang si Yumi na maupo sa bleachers. We sat near the court, nakita kong busy manuod si Yumi sa mga nag lalaro kaya ganun na rin ang ginawa ko

"Lopez!" rinig kong sigaw nang isang lalaki at pinasa ang bola kay Mac. He smoothly catches the ball with one hand as he dribble it while running sabay layout. Napangisi siya nang tapikin siya sa balikat noong pumasa sakanya ng bola

Umiwas ako ng tingin at nag scroll na lang sa social media. Mas magaling pa din naman sakanya si Charles. He's fast and has a strong sense in his surroundings but so what? Charles Delgado pa din sa basketball, hindi ko papatalo ang best friend ko

I saw an instagram notification from Jules kaya napangiti ako

julesss: hey there, are you busy?

jhustnavreen: not really, just watching a basketball training

julesss: ohh you like basketball

jhustnavreen: not a bit

Nag usap lang kami hanggang sa matapos ang training. Nag paalam na ako kay Jules na uuwi na ako and he just said na mag ingat ako. Mag iingat talaga ako, kawawa naman yung may mga crush saakin

After Minutes (After Trilogy #2)Where stories live. Discover now