Chapter 24

5 1 7
                                    

Chapter 24

After my outburst at the site office ilang araw akong hindi bumisita at nakulong na lang sa office ko sa Gonzalez Corp

"Sofia, where's my coffee!?"

I have been waiting for 10 minutes na pero wala pa rin yung kape ko. My gosh, I need my caffeine na. Nakita ko namang dali dali siyang pumasok habang may dala dalang tasa at coaster

"Sorry po ma'am ang dami kasing mga letters na pumapasok"

"So kasalanan ko na madaming letters na pumapasok?" I said with my brows furrowed kaya umiling naman siya kaagad

"Hindi po ma'am! Share ko lang po"

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa ginagawa. Wala naman talaga akong trabaho dito dahil andoon lahat sa site, I am just designing my dream house at tumatakas kay Mac. I know, I need to talk to him pero nag iipon pa ako ng lakas

"Hello" napaangat naman ako kaagad ng ulo at tinago ang ginagawa nang makita si Yumi sa hamba ng pintuan ko. Nginitian ko naman siya at tumayo ako para samahan siya sa sofa. Naupo kaming dalawa doon at sabay pang nag buntong hininga

"Sinabi sa'yo ni Reid?" pangunguna ko na and she nodded

"It's okay, Navreen. Nangyayari talaga ang mga iyon, sumabog ka lang dahil sa mga nangyari"

Hindi naman ako nakapagsalita at napatulala lang sa unahan

"Mahal mo pa ba si Mac?" dagdag niya pa kaya napatingin na ako sakanya. Our eyes met and hinihintay niya ang sagot ko

"Sino ba naman ang hindi makakalimot sa baduy na yun!?" hindi ko na napigilan ang sarili at umiyak nanaman, yinakap naman ako kaagad ni Yumi. I put my head on her shoulder habang hinahaplos niya ang buhok ko

"Oh ayun naman pala, anong kinakatakot mo?"

"What if he doesn't feel the same anymore? What if iwan niya ulit ako? Hindi ko na talaga kakayanin, Yumi"

"Navreen, bigla na lang nagpakita sa'yo si Mac. Hindi pwedeng coincidence lang na nagkatrabaho ulit kayo dahil pwede namang humindi siya. Kaylangan niyo na talaga na mag usap na dalawa"

"I am so scared" bulong ko sa sarili

"I know, basta kung kailan handa ka na kausapin mo na siya. The more na ipatagal niyo 'tong dalawa, mas magiging complicated lang. Kaylangan niyong mag usap at masabi ang lahat ng mga hinanakit niyo sa isa't isa"

Umayos naman ako ng upo at tiningnan siya "Grabe ang pinaghuhugutan sis ah, miss mo na?"

Pabiro niya naman akong sinapak habang natatawa "Ayusin mo yung sa'yo, pinapakialaman mo pa yung saakin, hindi na yun babalik"

Suminghot naman ako at nginitian siya "Bahala ka, sinabi ko rin yan. Baka pag pumunta ka ng hospital may makasalubong ka na lang na pogi at maganda ang ngiti"

Inirapan niya lang ako after what I said. Nag usap pa kaming dalawa at nag pustahan na nga kami kung magiging babae o lalaki ba ang anak ni Charles. I bet it's a girl pero sabi niya lalaki ito, malakas talaga ang radar ko na it's going to be a girl

Nikki is already 7 months pregnant, sigurado akong sa February manganganak na yun. Magpapasko na pala hindi ko man lang dama. Napabuntong hininga naman ako and distracted myself from sketching

Nang mag uwian na pumunta na akong parking lot para umuwi sa condo ko. While driving, paulit ulit na umiikot sa isipan ko ang mga sinabi ni Pam at Yumi saakin. I took a right at pumunta sa condo building ni Mac

Hindi ko sigurado kung nakauwi na siya or what pero I am shooting my shot na baka andoon na siya. Pagkasakay ko sa elevator, I fidget with my fingers habang kinakabahan. Pagkarating ko sa harapan ng unit niya kumatok ako kaagad. Dinikit ko pa ang tainga sa pintuan pero wala naman akong naririnig kaya kumatok ulit ako

After Minutes (After Trilogy #2)Where stories live. Discover now