Chapter 15
"Emily, flowers for you" saad ni Reid habang nahihiyang nakangiti kay Emily while holding a tiny bouquet of pink and white roses
Napatingin naman saakin si Emily so I smiled sweetly at her. Binalik niya ang tingin kay Reid at kinuha ang bulaklak sa kamay nito
"Salamat"
"N-Nagustuhan mo ba?" nag aalalang tanong ni Reid kaya nagkatinginan kami ni Yumi. Reid Castillo? Nahihiya at nauutal? May himala pala talaga
"Okay lang, um mauna na ako" paalam nito at umalis na sa Expresso
Pinanuod naming mapaupo si Reid habang nakatulala. Tahimik lang kami at hinihintay namin siya magsalita because he looks so constipated. I don't know if matatawa ako or what
Bumukas naman ang pintuan ng Expresso which a bell sound kaya napatingin kami doon at dumating si Macoy na nakakunot ang noo at naupo sa tabi ko
"Ikaw nagbibgay ng bulaklak sa kapatid ko?" seryosong tanong ni Macoy kaya umayos ng upo si Reid at bahagyang natauhan
"Yes po"
"Hindi yun mahilig sa bulaklak, swerte mo at hindi niya sa'yo pinupok yung bulaklak"
Tumango tango naman si Reid "Ano ba ang mga gusto ni Emily, bayaw?"
"Anong bayaw na pinagsasabi mo?" inis na saad ni Macoy kaya nag peace sign si Reid
"Ang hot mo naman Mac, joke lang"
Napabuntong hininga tuloy si Mac "Bigyan mo na lang ng chocolate, matutuwa yun"
Tinapik ko naman si Macoy na nasa tabi ko "Babe anong gusto mong inumin? I will order"
"No, ako na. I will pick dessert din kasi. So anong gusto mo? Coffee, tea or me?" I tease at kinindatan siya
He softly chuckled at what I said pero pinandirian lang ako ni Yumi at Reid. Bakit ba kasi wala si Charles? Matatawa yun sa sasasabihin ko
"Watermelon shake, babe" tumango naman ako at pumunta sa cashier to order coffee and my boyfriend's drink. Pinili ko na lang yung banana muffin dahil nagugutom talaga ako
Tinulungan naman ako ni Macoy with our orders at bumalik na sa upuan namin. Yinaya lang talaga ako ni Yumi na lumabas, I know na may gusto siyang sabihin saakin because I can see that something is bothering her. Nakasalubong talaga namin si Reid kasi hinahanap niya si Emily at nasaktuhan pa namin na andito rin yung hinahanap niya
I messaged Macoy na lang dahil mukhang di na matutuloy yung kwento saakin ni Yumi. Okay lang kaya sila ni Jameson? Hindi ko na masyado nakikita ang isang iyon e, maybe he's busy with his study
Kinabukasan, I am so sleeping so soundly nang makarinig na lang ako ng mga pagpukpok. Guguho na ba ang house namin? Dali dali tuloy akong napatayo at tumingin sa labas ng window ko. Napaawang ang bibig ko because someone is building a stage for Mommy's party
I sighed at binuksan na ang pintuan ng kwarto ko. I saw my brother na nakasimangot rin at pababa na ng hagdan. I followed him at pumunta kami sa may backyard kung saan ginagawa yung stage
"Mom! Ano 'to? Bakit may stage?" hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Gray
"Because I want Manuel to perform for our party"
"What!? What are you planning, Mom?" singhal ko sakanya because ang ingay talaga ng mga pagpukpok my gosh
Napahawak naman siya sakanyang dibdib "I am not planning something! Gusto ko lang na mag perform siya for our visitors. Is that bad, Navreen?"
YOU ARE READING
After Minutes (After Trilogy #2)
RomanceAfter Trilogy #2 Jhustine Navreen is the most beautiful of them all, every women wants to be like her and every man wants to be with her. She's the perfect package and she knows it, until she met Manuel Cillian, the promdi church boy.