Chapter 9

8 2 3
                                    

Chapter 9

Kasama ko ngayon si Mac sa labas ng AV Hall. Wala namang tao maliban saaming dalawa dahil gabi na at karamihan ng estudyante ay nanunuod lang ng project nila or nasa labas na

Walang nagsasalita saaming dalawa kaya tumikhim na ako. Napatingin naman siya sa pwesto ko at tipid ko siyang nginitian

"I'm sorry for being insensitive and immature situation natin at kay Harvey"

Tumango naman siya

"Sorry din kasi feeling ko nag bigay ako ng mixed signals sa'yo. Kung hindi pa ako sabihan ni Yael, hindi ko marerealize"

"Not really, alam ko naman na medyo crush mo ako"

Nanlaki naman ang mata niya kaya natawa na ako

"Grabe talaga oh. Akala ko may bagyo, ikaw lang pala yun"

Natawa na rin siya sa sarili niyang remark

"Binasted ko na si Harvey" biglang saad ko kaya napataas ang kilay niya

"Paano yung iba?"

"Wala nang iba Macoy! Ayan ka nanaman e"

He chuckled softly and playfully nudge me on the side

"Binibiro lang. Pikon mo naman agad lods. Halika dito kantahan na lang kita"

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at dahan dahang hinila papunta sakanyang pwesto

"Hindi ka na ba kaylangan ng mga kaklase mo?" nag aalala kong taong pero hindi niya ako pinansin. He just cleared his throat and start strumming on his guitar

"Omg! That's a faniliar song!" excited na saad ko kaya napangisi siya saakin habang tumutugtog

"When I see your smile. Tears run down my face"

I smiled. Ilang beses ko na siya nakita na tumutugtog ng gitara sa church. But seeing him playing the guitar na malapitan and also hearing him singing is a different glo up!

I can't contain and hide my smile anymore kaya nakangiti lang ako habang pinapanuod siya. Napapangiti rin tuloy siya dahil sa reaksyon ko. Ang cute niya pa naman tuwing ngumingiti dahil na eemphasized lalo ang cheekbones niya

Nang matapos ang kanta niya sakto na lumabas si Yael. Nang makita niya na magkasama kaming dalawa napalitan ang mukha niya ng mapaglarong ngisi

"Bati na kayo?" he asked teasingly

"Ikaw may pakano nito no?" nakakunot na noo na tanong ni Mac

Napahawak naman sa dibdib si Yael like he is offended or something

"Bakit parang galit ka? Bakit kasalanan ko? Parang kasalanan ko" he jokingly said kay tumayo na si Mac at akala naman susugurin siya nito kaya umatras kaagad si Yael

"OA mo pare! Hanap na ba ako?" tanong niya at tumango naman si Yael

Hinarap naman ako ni Mac "Punta na muna ako doon. Kung gusto mo nang umuwi okay lang, diba kasama mo yung kaibigan mong maliit?" bahagya akong natawa sa pag describe niya kay Reid

"Hintayin na kita. Nanunuod pa naman si Reid sa loob" tumango naman siya at sumunod na kay Yael

I can hear Yael teasing him pero binabatukan niya lang ang kaibigan niya. Nang matapos ang small play nila lumabas na si Reid

"Hindi ka na bumalik? Ano? Hindi na naubos ihi mo?"

Nginisian ko lang siya kaya napataas ang kanyang kilay

"Wow hindi nagalit sa comment ko? May nangyaring maganda?" tanong niya agad

"Siyempre. Okay na kami ni Macoy"

After Minutes (After Trilogy #2)Where stories live. Discover now