Chapter 27

6 1 1
                                    

Chapter 27

It's so awkward working with your parents talaga, mabuti na lang at wala namang sinasabi sa Dad sa mga nangyayari saamin. We remain professional na lang. Nasa Gonzalez Corp ako ngayon dahil may kaylangan akong asikasuhin. Hinatid lang ako ni Macoy at babalik naman siya sa Perez. Si Pam at Yael lang ang naiwan ngayon sa site

Si Emily kasi pinuntahan yung isa pa niyang project at ganoon rin si Reid. It's really a busy time for all of us. Napakunot naman ang noo ko nang makita ang daming mali sa materials na pinapaorder para sa isang project ng Gonzalez kaya iginilid ko ito

Napabuntong hininga naman ako at napsandal saaking swivel chair. Kinuha ko ang phone ko at nakitang tinext lang ako ni Jilian about sa reservation para sa binyag ni Charlotte. I messaged Nikki na din to tell her the news

"I am so tired" bulong ko sa sarili kaya tinawag ko si Sofia to get me a cold lemonade juice

Bumili lang siya somewhere at maya maya binigay na niya saakin. Akala niya ata papagalitan ko siya kasi pagkabigay niya umiwas siya kaagad saakin at tumayo lang sa harapan ko

"What?" pagtataka kong tanong sakanya

"O-Okay na po ba ma'am?"

Tumango lang ako kaya umalis na rin siya sa harapan ko. My gosh, hindi na siya saakin nasanay. I don't hate her, ganun lang talaga ako when it comes to her because I want her to learn. Napabuntong hininga naman ako and continue my work. Pinuntahan naman ako ni Macoy sa loob ng building kaya todo silip naman si Sofia sa loob

"Anong oras na ah, nag tatrabaho ka pa rin?"

"I need to finish this, I have a deadline"

Napabuntong hininga naman siya at tumango "Mag oorder na ako ng dinner natin"

"Hey, umuwi ka na. You're tired, you should take a rest sa mas comfy na place"

Naupo naman siya sa sofa ng office ko at sumandal "Comfortable ako, Navreen"

Hinayaan ko naman siya at narinig kong tumawag siya sa Bonchon for our dinner. Kinikilig ako, isa na lang ba ang utak naming dalawa at nalaman niyang I am craving for bonchon?

Kumatok naman sa pintuan ko si Sofia kaya inangat ko ang ulo ko

"Hindi ka pa ma'am uuwi?"

Umiling naman ako "No, it's okay. Mauna ka na, tapos na rin naman ang work mo"

"Ay, thank you po ma'am" napatingin naman siya kay Macoy na nakaupo sa sofa at nanlaki ang mga mata

Napansin siya ni Macoy kaya tumayo ang boyfriend ko at naglahad ng kamay

"Ikaw ba si Sofia? Mac nga pala, boyfriend nitong boss mo"

Napatulala lang si Sofia sa kamay ni Mac kaya tumikhim ako which made her move at madaliang tinanggap ang kamay ni Macoy habang tumatango tango. Napailing na lang ako, she's obviously attracted to Mac. Sino ba naman ang hindi? She's young and halatang inosente sa mga bagay bagay kaya papalusutin ko siya

Humarap naman saakin si Sofia "Salamat, ma'am. Uwi na po ako. Ang pogi ng boyfriend niyo po"

"Of course! Hindi ako mag boboyfriend ng panget!"

Kakatapos lang namin mag dinner ni Macoy and I continue na lang to work dahil marami pa talaga akong gagawin. Maya maya napatingin na ako kay Mac na nakatulog na sa sofa. Kawawa naman ang babe ko na yan. Minadali ko na lahat at nang matapos ako dahan dahan ko siyang ginising

"Babe, where's your keys?" tanong ko sakanya

Napakunot naman kaagad ang noo niya at napasuklay sakanyang buhok

After Minutes (After Trilogy #2)Where stories live. Discover now