Chapter 8

14 2 6
                                    

Chapter 8

I can't contain my kilig na talaga habang nag didinner kami ni Mac sa Jollibee. Nag uusap lang naman kami ng mga casual things like about his and my family tapos sa studies na rin naming dalawa

"Mabuti na lang nababalance mo yung studies mo and pagiging varsity mo" I said in awe kaya mahina siyang natawa, he's getting shy again kaya napangiti ako

"Sanay na. Since high school naman kasi ginagawa ko ang pagiging varsity at estudyante na sabay"

He bought his siblings chicken joy. Sabi ko nga bilhan niya rin si Mom and Dad niya kahit ako na magbayad but he refused

"Huwag na. Magagalit ang mga iyon saakin tapos sasabihan lang din ako na dapat yung mga kapatid ko na lang ang binilhan ko"

"Edi sabihin ko galing from me!" I insisted dahil gusto ko na may ibigay din sa parents niya

"Huwag na Navreen. Nakakahiya, okay na yun"

Sinimangutan ko naman siya at umirap sabay pila ulit sa cashier. He keeps on pulling my arm pero hindi ko siya pinapansin

"Lods naman pansinin mo naman ako. Nakakahiya talaga. Hindi mo naman kaylangan na bilihan ang magulang ko"

Napakunot ang noo ko dahil sakanyang sinabi. I tilted my head and put my hand on my waist as I face him

"Are you crazy? Are you not aware na liniligawan kita Macoy? Of course I will give your parents something din. Just tell them na galing sa manliligaw mo"

He stood there like he's been shot or something dahil napatulala lang siya sa harapan ko. I smiled sweetly at him at pumila na ulit

Bumili ako ng dalawang super meal, apat na peach mango pie, apat na sundae and apat na coke float

Tiningnan ko naman si Mac na tahimik lang sa gilid ko. Dumating na yung inorder ko at inabot saakin nung waiter yung malaking paper bag

"Thank you ma'am sana po bumalik kayo ulit" napataas ang kilay ko sakanyang way of pagsalita saakin. Napansin kaagad yun ni Mac kaya siya ang kumuha nung paper bag doon sa waiter

"Tara na" malumanay niyang tawag saakin, nakita kong napawi kaagad ang ngiti ng waiter nang makita si Mac. Sabay na kaming umalis, naging tahimik lang byahe naming dalawa sa jeep dahil parang ang lalim ng iniisip niya kaya pagkababa namin hinawakan ko siya ulit sa braso

"May gusto ka bang sabihin saakin? Kanina pa na ang lalim ng iniisip mo"

He sighed at napatigil sa paglalakad at tiningnan ako

"Navreen, hindi mo naman ako pinagtritripan diba?"

Agad agad na napasimangot ang mukha ko dahil sakanyang sinabi

"Ilang beses ko ba sa'yo sasabihin na seryoso ako at alam ko ang ginagawa ko. Mac, I never courted a guy or even ask a guy on a date! Tapos you're going to doubt me nanaman? Akala ko ba okay na tayo?"

"Okay naman tayo, Navreen. Hindi lang talaga ako makapaniwala na.." hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin pero alam ko na kung ano ito. I sarcastically laugh at him at kasabay nun ang pag lambot nang kanyang mga mata

"Hindi ka makapaniwala na seryoso ako sa'yo? Alam ko naman yun, kahit rin naman ako hindi makapaniwala but here we are! Kung ayaw mo saakin just say so! You have the rights to reject me naman, so ano? Tell me now na binabasted mo na ako para matapos na ang lahat ng ito at para makatulog ka na rin ng mahimbing"

He didn't say anything. He is just looking at me worriedly kaya mas lalo lang akong nabadtrip dahil parang kinaaawan niya ako

"Salamat na lang sa lahat, lods" sabi ko sakanya at diniin ko talaga yung 'lods' dahil iyon naman palagi ang tinatawag niya saakin at umalis na sa harapan niya. Wala akong pakialam kung malayo ang lalakarin ko papasok sa village namin na ako lang mag isa. Mas mabuti naman iyon kaysa naman sa kasama ko siya

After Minutes (After Trilogy #2)Where stories live. Discover now