Chapter 4
It's Sunday and family day sana namin ngayon pero Dad and Mom were at Singapore for a business meeting kaya kaming dalawa lang ni Kuya ngayon ang nasa bahay. I'm at the living room at busy manuod ng netflix, pinapanuod ko lang yung call me by your name ni Timothee Chalamet
I will never get those people who don't like Timothee. He is so talented and pogi! Tahimik lang akong nanunuod nang bigla na lang may sumigaw sa loob sa ng bahay
"Grayson!"
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko as I glared at that person. Nag peace sign naman kaagad saakin si Harvey at linapitan ako
"San Kuya mo?"
I rolled my eyes at him and cross my arms "I don't know baka nasa taas. Who let you in? Kung maka sigaw sobra ah, bahay mo?"
Tinawanan niya naman ako at umupo sa sofa "Pinapasok ako ni Manong Elias. Close kami sorry, aalis kami ni Grayson tagal naman ng Kuya mo" pag reklamo niya
Yinakap ko na lang yung throw pillow sa tabi ko at nanunuod na lang. He's Harvey De Los Santos, my brother's best friend. Anak siya ng may ari ng school, may kapatid siya na babae na kabatch namin pero hindi ko kilala
My brother teased me with Harvey a lot dahil noong grade school ako nagka crush ako sakanya. Naka move on na ako sakanya taska my god! I was 12 years old ang tagal tagal na ng panahon na iyon pero si Kuya hindi pa rin nakaka move on
"Gago Navreen bold yan bakit ka nanunuod niyan" he said in an exaggerated tone
"Hindi yan bold!" singhal ko sakanya pero tinakpan niya ang mata ko
"Harvey!" I tried removing his hands pero ang lakas niya, nadadala niya tuloy ako kaya natatama ang likuran ko sa dibdib niya
"Patnubay at gabay ng magulang, Navreen!" natatawa niyang saad kaya natawa na rina ko dahil para kaming tanga dito. Natigil lang kami nang may umubo ng malakas
Tinanggal na ni Harvey yung kamay niya sa mata ko at sabay kaming napatingin kay Kuya na nakangisi pero nakataas ang kilay
"Kung haharot kayo dito 'wag sa bahay"
Tumayo naman kaagad si Harvey at umiwas saakin "Kadiri, Grayson. Huwag ako, ayoko sa kapatid mo. Totropahin po"
Napailing na lang ako sa sagot niya. Sa ganda kong ito imposibleng walang crush saakin si Harvey. Charot. Harvey and I are close friends, madalas siya dito sa bahay and my parents like him. Magkaiba kasi sila ni Kuya ng ugali, he can let Kuya's wild side go kaya mas natutuwa sila Dad and Mom
Si Kuya kasi napaka reserve na tao. Gusto naglalaro lang sa kwarto niya ng mga e-games tapos magbabasa at mag aaral. He likes alcohol but prefer drinking alone. Nabago yun noong nag college siya kasama si Harvey mas naging loose siya
"Saan kayo pupunta?" tanong ko sakanila dahil ayos na ayos silang dalawa
Kuya is wearing a short sleeve polo na kulay army green and it's tucked in black maong pants. Si Harvey naman naka demin jacket, a white shirt underneath and faded jeans
"Magsisimba kami and we will eat after, sama ka?" sagot naman saakin ni Kuya
"Weh? Magsisimba kayo? Ay mali. Magsisimba ka Harvey?"
Tumango lang siya saakin at binibigyan pa ako ng what are you saying look. Wow. Hindi naman ako informed na pareho pala sila ni Kuya
"Sama ako"
Tumaas na kaagad ako at nagbihis. Mabuti na lang at maaga akong naligo. Naghilamos na lang ako at nag bihis. Nagsuot lang ako ng mustard loose shirt tucked into a black denim skirt at white shoes. Nagdala lang din ako ng maliit na sling bag at shades. Hindi na ako magdadala ng masyadong pera, kasama ko naman si Kuya at Harvey
YOU ARE READING
After Minutes (After Trilogy #2)
Roman d'amourAfter Trilogy #2 Jhustine Navreen is the most beautiful of them all, every women wants to be like her and every man wants to be with her. She's the perfect package and she knows it, until she met Manuel Cillian, the promdi church boy.