Chapter 13

12 2 1
                                    

Chapter 13

"Kami na!" I announced nang magkita kita kaming squad. I cheered so happily and even told them our first kiss pero they doesn't seem surprise kaya napasimangot ako

"Bakit naman ganyan lang ang reaction niyo? Hindi ba kayo masaya para saakin!?" pagtatampo ko

"Hindi naman kasi kami nagulat Navs na magiging kayo ni Mac. Expected na namin" dahan dahang pag explain saakin ni Yumi to not offend me or something

"Kaya nga, pero masaya ako para sa'yo. Promise" sambit pa ni Charles

"Ako basta nagulat ako! Grabe muntik na akong mawalan ng puso, Navreen. Sobra" Reid sarcastically said kaya I rolled my eyes at him

Umalis na si Reid at Charles dahil may pasok pa daw sila kaya kami na lang naiwan ni Yumi. May ginagawa siya sa isang subject niya kaya nag scroll na lang ako sa phone ko

"Navreen!" sabay kaming napaangat ang ulo at nakita si Emily na papunta sa pwesto namin, she is waving at me kaya I waved back

"Hi Emily! Ohmygosh you're studying here na? Kamusta yung scholarship?"

Masaya siyang may pinakita saakin na papel kaya kinuha ko iyon at binasa

"You got it! Grabe, I am so happy for you! Macoy will be so thrilled about this" binalik ko na sakanya yung papel at nakita kong namumula ang kanyang pisnge sa hiya

"Kaya nga, matutuwa yun si Kuya" napatingin naman siya kay Yumi kaya napatingin din ako sa kaibigan ko na nakaawang ang bibig

"Ah oo nga pala! Emily this is my best friend Yumi, she's also a civil engineer student like you. Yumi si Emily little sister ni Macoy"

Nagtaka naman ako nang biglang lumawak ang ngiti niya at naglahad pa ng kamay kay Emily

"Nice to meet you, Emily!"

"Um nice to mee you din po. Mauna na ako may pasok pa ako" tumango naman ako at hinintay siya na tuluyang makaalis

"Hey! Ano yun? Bakit ang fishy mo bff?" kuryoso kong tanong pero she just giggled

"Sis, yun yung crush ni Reid" tawang tawa niyang saad kaya napatigil ako as I processed what she said. Emily is the girl who Reid told us about, Emily is Macoy's sister and Macoy is my boyfriend na kapatid si Emily na crush ni Reid

"Oh my god!?" I covered my mouth dahil sa sobrang saya, I can torture Reid with this information

"Oo! Sabihin natin kay Charles pero 'wag natin sabihin kay Reid na kapatid ni Mac si Emily" sambit pa ni Yumi kaya I slowly clapped my hands

"Kaya kita best friend, Mayumi. I know deep inside may tinatago ka rin na darkness" napailing lang siya sinabi ko pero natawa na rin

After our chikahan pumunta na ako sa class ko. I can't wait tuloy na makita si Macoy para ikwento sakanya yung nalaman ko. Nag groupings lang kami sa isang FAR subject namin. Nang mag dismiss na yung prof namin napangiti ako nang makita si Macoy sa labas ng classroom ko na nakasandal lang sa gilid ng pintuan

We know each other's schedule kasi. Para daw kasi alam niya kung kailan kami free at hindi. It will be very hectic na kasi sakanya since he's already in his 3rd year and siya na rin ang captain ng basketball team ng falcons

"Hello!" masayang bati ko sakanya. He just smiled at me as he offer his arm kaya I cling my arm na doon at naglakad na kami paalis

"I have so many chika" bungad ko sakanya kaya mahina siyang natawa

"Sige, sabihin mo saakin lahat. Oo nga pala lods nakuha ko na yung allowance ko sa scholarship libre kita ng samgyup, gusto mo?"

Napasimangot naman ako "Lods? You're still going to call me lods?"

After Minutes (After Trilogy #2)Where stories live. Discover now