Epilogue

11 1 3
                                    

Epilogue

"Manuel, Emily, halika batiin niyo yung bago niyong kapatid oh"

Sabay kaming napatayo ni Emily galing sa sofa at pinuntahan namin si Mama na nakaupo sakanyang kama na karga ang bago naming kapatid. Si Papa naman nasa tabi lang naman ni Mama habang nakaakbay dito

"Mama, girl yan o boy?" tanong naman ni Emily at dahan dahang hinahawakan ang pisnge ng baby

"Boy siya, tingnan mo Mac Mac. Kamukha mo siya, ang pangalan niya ay Michael"

Labing tatlong taong gulang ako nang ipinanganak si Michael. Sinilip ko naman siya at napangiti nang bigla itong gumalaw, dahan dahan naman saaking binigay ni Michael kaya kinarga ko ito

"Hello, ako nga pala ang Kuya mo" saad ko habang inaalog alog ko siyang malumanay

Pagkauwi namin sa bahay tinulungan namin ni Emily si Papa para ayusin ang mga gamit ni Michael. Excited nga kami sa may bago nanaman kaming kapatid, ibig sabihin may bago nanaman kaming guguluhin

"Kapag lumaki ka Michael, tuturuan ka ni Kuya mag basketball!" saad ko habang nakahiga siya sa crib at ginagalaw galaw ito ni Mama

"Narinig mo yun, Michael? Kaya lumaki ka na agad, masaya yun at makakalaro mo na rin ang Kuya Mac Mac mo at si Ate Emily"

Simula bata pa lang ako nag lalaro na ako ng basketball, nakahiligan ko lang ito dahil tuwing sinasama ako ni Papa sa mga barangay sabay kaming nanunuod. Noong una laro laro lang hanggang sa napamahal na ako

"Hey! Lopez!" hinihingal naman akong napatingin sa isang lalaki na matangkad at maputi. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi siya pamilyar saakin. Tinuro ko pa ang sarili ko kung ako ba talaga ang tinutukoy niya kaya napatango siya

Pinasa ko sa kaibigan ang bola at tumakbo papunta sakanyang pwesto

"Bakit? Sino ka?"

Nginisian niya naman ako at naglahad ng kamay "Leighton Alonzo, player din ako para sa palarong pambansa, representative from SJSU"

Tinanggap ko naman ito at nakipag kamayan sakanya "Manuel Cillian Lopez, pero Mac na lang. Naririnig ko yan na eskwelahan, malaking unibersidad yan diba?"

"Yup, do you want to study there?"

"Scam ba yan?"

Mahina naman siyang natawa at umiling

"No, I like your gameplay. I want to be teammates with you, maybe in the future. I will help you apply there, do you want to?"

Napakamot naman ako sa buhok ko "Wala kaming pera boss tsaka kung mag aaral ako sa ganyang eskwelahan siguro pag college na lang para mas sulit"

Tumango tango naman siya "They offer scholarships so don't you worry. Anyway, let's keep in touch. I will gladly help you"

Hindi ko alam kung totoo ba siya o yung mga sinasabi niya pero binigay ko lang sakanya yung facebook at phone number ko. Nag type lang siya sa phone niya at pinakita saakin

"See you soon" anito at umalis na

Sinundan ko naman siya ng tingin at nakitang may pinuntahan siyang babae na matangkad at masaya silang nag usap at tinuro pa nga ako. Umiwas naman ako ng tingin, baka girlfriend niya

"Manuel, patugtog ka nga" napatingin naman kay Papa at binigay saakin yung gitara

Katulad ng basketball, tinuruan ako ni Papa mag gitara para daw may mapapasahan siya ng talent niya. Noong una, ayoko talagang matuto mag gitara pero nakita ko kasi yung mga kaklase ko noong high school na nag gigitara tapos kinakantahan pa yung mga crush nila kaya na enganyo ako

After Minutes (After Trilogy #2)Where stories live. Discover now