PROLOGUE

344 106 103
                                    

"Help us! Help! Please, help us call an ambulance!!" Isang malakas na sigaw na galing sa labas ng bahay namin na kanina pa namin paulit-ulit na naririnig. Para namang bingi mga tao dito sa'min at walang sumusunod sakanya. Tinig babae ito, mangiyak-iyak at halatang nangangailangan ng tulong.

Wonder Pets! Nasaan na kayo, may nanghihingi ng tulong!!

Muling humiyaw ang babae sa labas at kasabay naman nito ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni Blue. "Ano ba yan, ang aga-aga ang ingay ng kapitbahay!" Reklamo nya habang inaayos ang pagkakasuot ng salamin at humihikab.

"Hindi ko nga din alam at kakabangon ko lang." Panimula ko. "Speaking of bangon, bakit ang lakas lakas na nga ng alarm natin di pa rin gising yung tatlo?"

Nagkibit-balikat lang sya at dumiretso na sa Cr. Haysst first day of school pa man din ngayon tapos tulog mantika pa rin yung tatlo! Buti nalang talaga sa sampung taon naming pagkakaibigan, hindi kami nahawa ni Blue sakanila.

Teka nga! Di pa rin tumitigil yung alarm, ano ba nangyari don?!

Sumilip ako sa bintana kung saan nanggagaling yung sigaw at boom! Galing yung mga tinig na'yon sa babaeng mukang kwarenta anyos na. Hawak-hawak nya ang lalaking walang malay. At nandoon sa ginagawang bahay sa tapat. Yun lang naman pala, kaya bumalik na'ko sa pagkakaupo sa sofa.

Wait! Watdapak? Walang malay?Nakahilata?!

Agad akong lumabas ng bahay para lapitan sila. Kakamadali ko nakalimutan ko yung cellphone ko. Kailangan nga palang tumawag ng ambulansya, hehe. Maghintay kalang dyan ate, nandito na si Superpajama!! Nakakahiya nakapantulog pa'ko, baka may makakita saking pogi sayang!

Pagkadampot ko ng cp, agad akong tumakbo sa poste ng terrace namin para tignan yung number ng mga bumbero. Di joke lang, nang Brgy. Yun lang yung tanging alam ko na pwedeng tawagan kapag gantong emergency at gumagana naman kaya go langss.

"Hello? 911?" Malumanay kong tono pero ang totoo nanginginig na'ko.

["Gaga, Barangay lang 'to."] Rinig kong tinig mula sa kabilang linya. Ay gagi! Nakalimutan ko. Pero infairness boses bakla. Tsaka pano nya nalaman na taga-barangay nila ako? Pweh! Kadiri kayong mga bakla kayo, joke!

"Wala akong pake!! Basta magpadala ka nang ambulansya dito! Emergency toh!!" Sigaw ko sakanya na halos mailabas ko na ang plemang nagtatago sa lalamunan ko. Sawakas nailabas ko na ang takot ko! Nakakapantaas ng balahibo ang makakita ng taong walang malay noh!!

Pagkapatay ko ng tawag, nagmamadali akong tumakbo papunta dun sa kinaroroonan ng babae. Umiiyak sya na parang wala nang bukas. Sa tingin ko, asawa nya to! O kung hindi man, kumpare. Parang ganon sa mga naririnig kong tsismisan sa kanto.

"Ate, nanghingi na po ako ng tulong." Malumanay kong banggit. "Sinabihan ko din po silang bilisan nila kaya ang magagawa nalang po natin ay maghintay."

Pero wala syang imik. Tahimik lang syang umiiyak, baka nailuha na nya lahat ng tubig sa katawan nya kaya medyo tumigil na. Sya na tong kino-comfort, ayaw pa mamansin!

"Sana di na kita tinulungan!" Bulong ko sabay irap. Hindi naman nya yun maririnig. Nakayuko din sya, kaya safe.

May mga tao talagang ganito noh?! Yung tinulungan mo na, mukang sila pa yung galit. Di man lang marunong magpasalamat. Kahit tumango lang sakin bilang tugon hindi pa magawa. Parang ikaw nagconfess ka lang, tinawanan ka na! Kaya hindi ka pinagpapala ng panginoon ng jowa eh, nirereject mo yung umaamin sayong shuta ka, joke!

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon