Flying shoe
Angela's Pov
Nakasabay kong pumasok sa school sina Kath. Ang gulo pa rin talaga nilang lima, apat pala. Kinakaibigan ko lang naman tong mga 'to dahil close nila si Cj eh, mga may topak talaga sila. Speaking of dalabopmaylayp, bumili sya kaninang umaga, kaya berigud ang umaga ko.
Kasalukuyan kaming naglalakad anim sa main gate ng school nang may makasalubong kaming grupo ng mga lalaki. Syempre gandagandahan ang lola nyo, hinawi-hawi ko yung buhok ko at tinanong si Kath kung maayos lang ba yung mukha ko. Tumango sya kaya agad akong humarap sakanila.
"Good morning!" Pagbati ko sa basketball players habang kumakaway. Mukang nabola ko naman sila, may kumindat sa'kin mga dayyy!! Kakakilig, HEHE. Nagulat naman ako at papaalis na yung lima. Okay lang, ayaw ko din naman sila kasama, joke! May kailangan pako sakanila.
"Hoy! San kayo pupunta?" Tanong ko sakanila. Mga gaga talaga sila! Hindi nila ko pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko pa natatanong anong cellphone number ni Cj eh. "Hoy! Bumalik kayo!" Hindi pa rin sila namansin kaya gumawa ako ng paraan para hindi na talaga sila aalis.
"Kuya, tulungan mo'ko! Kuhanin mo yung atensyon nila please!" Bulong ko sa pinakamatangkad sa grupo nila. Mukang nagdadalawang isip pa sya, kaya... "Ililibre ko kayong lahat mamayang lunch!!" Pagpipilit ko pa sakanila. Tagumpay naman ako mga uto-uto, HAHA.
"Miss, hinahamon kita!" Tawag nung lalaki sa atensyon nila. Bakit parang makikipag-away sya? HUHU. "Sisipain natin yung bola, tapos palayuan" Anong klaseng pagtawag ng atensyon yan?!
"Sorry, we don't have time to play childish games lalo na with you." Sumbat sakanya ni Blue. Haysst! Ito talagang babaita na'to!Tumalikod na ulit sila kaya kinalabit ko ulit si Kuya.
"Kung hindi, kukuhanin namin 'to!" Turo nya sa'kin. Ano to kidnap? Sana pala hindi nako nagpatulong sakanila, nakakahiya!Buti nalang hindi kami pinapansin ng mga dumadaan. "Ano game?"
Nagtinginan pa yung lima bago pumayag sa larong gusto ng mga lalaki. Nakuha nga nila yung atensyon, nagsasayang naman sila ng oras! Mukang late kami nito sa pagpasok. "Silang apat lang. Hindi ako sasali! Kahit na Animalnapin mo pa yang babaita nayan. Kay-aga-aga, kay-landi." Sambit ni Blue tsaka alis.
Ako? Malandi?! Animalnapin?! Dba kidnapin yon?! Hindi naman ako hayop ah! Asul!!!
"Ako din!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo pa sakanila. Ngayon si Kath nalang. Ngumiti sya sa'kin tsaka umakmang tatakbo na, pero syempre di ako papatalo. Di ako marunong sumuko, kaya hinablot ko yung damit nya. Malungkot man sya, ginawa nya pa rin.
"Ganito, sisipain natin yung bola tapos dapat umabot dun sa pader na'yun!" Pagpapaliwanag ng lalaki sakanya ng mekaniks ng laro. Masyadong malayo yung pader na tinuro nya sa kung saan kami nakatayo, kaya kailangan malakas talaga yung sipa mo sa bola.
Unang tumira si Kuya at nagtagumpay sya na maidikit yung bola dun sa pader. Nang si Kath na ang titira, huminga sya ng malalim. Hindi magaling sa sports si Kath! Bumwelo pa sya ng pagkalayo-layo tsaka sinipa yung HANGIN! Hindi nya natamaan yung bola kaya lumipad yung black shoes nya.
Sa kasamaang palad, may tinamaan ito!Kabobohan mo Kath! Agad syang tumakbo at hindi na kinuha ang sapatos nya. Nataranta ang gaga. May pagkabaliw po kasi sya, opo. Tatakbuhan ko na din sana yung mga lalaki at para na din habulin si Kath, kaso hinila nila ko sa damit kaya nahuli nila ko. Okay! Mukang gagastos tayo ng malaking pera ngayon!
BINABASA MO ANG
Playful Love
RomansaON HOLD!!!! Ang istoryang ito ay hindi na kasali sa Vomment fest. Maraming Salamat! Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahalan ng limang magkakaibigan. Dito, mapapatunayan natin na hindi lang sa magkasintahan matatagpuan ang salitang love. Kundi...