CHAPTER 14

23 10 15
                                    

Elementary Days

Blue's Pov

It's now Wednesday. Maraming assignment, but we can still handle it. Medyo nabigla ako dahil napaalis kami noong monday afternoon kila Carl, but i think we deserve it. Hindi na rin kami pumunta kahapon at wala ring balak ngayon. Nakakahiya na makaharap si Tita Marie.

Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch dito sa cafeteria. Hindi inaasahang nakasama namin sa pila si Fiona Maldita and Sophia's Ex. Ayts! That girl! Kung pwede lang, binatukan ko na din yun nung monday. Marami lang tao eh kaya nakakahiya.

Mukang nagkaroon ng payabangan sa pagpili ng pagkain. Hindi pala muka, nagkaroon talaga. Pamahalan ang dalawang babae ng binili. Pero nauwi din sa iisang table ang pinagkainan namin.

"Tara, dun nalang tayo sa labas kumain. Wala naman ng ibang mauupuan dito. Tsaka mas maganda doon, pangit ang atmosphere dito." Parinig ni Sophia kay Fiona. Akmang lalabas na kami dahil pati ako ay nayayabangan din sa malditang ito.

"You guys can share a table with us! Tutal marami naman ang upuan dito sa lamesa namin, bakit hindi pa kayo makisalo? The more the merrier...." Dadalawa nga lang sila pero mahabang table ang inuupuan nila.

Ganito kasi yon. Kung gaano kahaba yung table, ganon din yung upuan. Hindi sya isa isa, isang buo. Ewan ko ba at ganoon ang ginawa nila. Nauna nakong lumabas dahil gusto ko na talagang mawala sa paningin ko si Fiona. Pero nagsalita sya na talagang ikinabwisit ko.

Namin.

"Or baka naman hindi pa kayo nakakamove-on sa nangyaring away nung first week ko dito?" Tanong nya ng may nakakabwisit na tono. "Move-on din." Parinig nya na halatang si Sophia ang dapat na tamaan. How about her? Hindi ba nya kaya magmove-on?

"Oh, so you know that your boyfriend is Sophia's Ex?" Taas kilay kong tanong sakanya. Tinarayan nya lang din ako. "Eh bakit hindi mo pa hiniwalayan? Kung alam mong nag-cheat sya sayo?"

"Duh! I know his a basketball player and a heartthrob who breaks everyone hearts. Magpasalamat ka nga at hindi ikaw yung isa eh. Tsaka, bakit ko naman sya iiwan? I should be proud of him." Lumapit sya sakin at inalok ang kamay. "Akala ko alam mo ang lahat ng bagay. May hindi ka pala alam."

I looked at her hands that were still offered to me. I look back at her dirty face. "What do you mean?" Pagtataka ko.

"So, reveal na ba?" Kunwaring naaawang tanong nya kay Sophia. I turned slightly to Sophia and saw in her eyes that she was hiding something she didn't want us to know about. "I was the one who dared my boyfriend to break your friend's heart. And your friend, even if she knows the trut—"

"Shvt up!" Pagpigil ko. Anong akala nya sakin? Na hindi ko alam na niloloko lang ni Sophia ang sarili nya na mahal sya nung lalaking yun that time? Yes, alam nyang dare ang lahat ng 'yon. Pero hinayaan na namin syang ienjoy. Kahit na labag sa loob namin.

Nanahimik ang lahat. Dinaanan ko lang ang kamay ng maldita na nakalahad sa harap ko at umupo sa tapat ng inuupuan nya kanina. Pero ang hindi ko alam, kayang makita ni Fiona na manligaw sa ibang babae ang kasintahan nya.

"Guys, it's okay. Let's just seat. Wala namang mawawala kung kumain tayo sa harap ng babaeng tanga sa pag-ibig." Sumunod naman yung apat. Nagreact si Fiona at ang boyfriend nyang gold digger. "Natamaan ka? Hindi naman ako haharap sa'yo eh, kay Sophia."

Ginawa ko ang sinabi ko at nakita ang galit na Sophia, kaya sinabi kong 'It's for fiona' ng walang boses na lumalabas sa bibig. Pero hindi nya naintindihan. Gosh! Katabi ko si Sophia kaya medyo mahirap kumain dahil talagang humarap ako sakanya. We started eating and a minute later, Fiona invite her cousin to join us.

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon