Sunday, Church Day.
Kath's Pov
Linggo ngayon kaya napagdesisyunan naming magsimba. Kakabwisit nga lang at kailangan namin isama si Carl. Nakakaawa din kasi syang lagi nalang nag-aantay sa labas ng bahay namin makasama lang sa mga pupuntahan namin. Pero wala kaming sinasabing maghintay sa dun ah!
Di rin namin sya iniinvite. Tumatakas lang sya sa Mama nya.
Kakainggit ka Carl! Naol may Nanay na nakakasama. Hindi pako tapos magbihis, naririnig ko nanaman ang alitan ng mga kasama ko sa pamamahay namin.
"Athena, simbahan ang pupuntahan natin. Magdamit ka ng maayos, hindi yung croptop-croptop nanaman ang susuutin mo. Nagpunta tayo don para magsimba at matupad yung mga hiling, not to attract a handsome men na makakasalubong." - Blue.
"Yes Nanay Blue! Pero wag din sobrang haba ng sinusuot mong saya, napagkakamalan kang madre. Kami ang napapahiya. Tsaka Handsome man ang hiling ko." - Tin.
Sigawan ng dalawa. Hindi ba bagay ang mga salitang yan ng kalmadong boses lang? Kailangan talaga ipagsigawan? Na mahal mo sya? Yieee, joke. Pamilya at kaibigan lang naman nagmamahal satin, aminin nyo na. Mahirap mamingwit nalang basta basta dyan sa paligid.
Kailangan paghirapan! Para worth it.
Lumabas nako dahil tapos naman na ako at kailangan ko ng magsuklay dahil papunta ng alambre ang hibla ng mga buhok ko. Tagal ko pa man ding nagdesisyon kung anong isusuot dahil sa sigaw ng dalawa. Magkaiba sila ng side eh! Hirap mamili kung sinong kakampihan.
Naabutan kong naglalagay ng make-up si Sophia kaya agad kong binawal. "Hoy Gaga ka talaga! Wala ka bang tenga? Naririnig mo naman siguro yung pag-aaway ng dalwa diba? Tapos nagpapahid ka ng make-up dyan!"
"Eh iba naman ang nilalagay sa muka sa sinusuot sa katawan ah!" Katwiran nya.
"Kahit na! Maghugas ka dun!" Sabi ko tsaka sya tinulak papuntang Cr. Kulit non mamaya ituro nya pa ko, lagot kami kay Mama Blue! Bumalik nako para maglagay ng polbo at ayusin ang mga hibla ng buhok kong ani mo wire.
Yes! Solo ko ang salamin. Galing ko talaga.
"Good morning Blue! Ganda mo naman...." Bati ko kay Asul. Mukang bad naman ang morning ng babaita kaya nilampasan lang ako at pumunta sa kwarto nya. Siguro maghahanap sya ng isusuot sa paa. Sya lang ang kilala kong babae na hindi ko kayang pagsuutin ng High Heels.
Mas gugustuhin nya pang magpaa nalang kaysa magsuot ng may takong. Hindi ko naman masasabing makaluma sya kasi marami syang alam pagdating sa gadgets o new technology, pero parang makaluma kasi talaga sya eh! Hindi ko pa naidederetsyo ang hibla ng buhok ko ng may marinig na malakas na kalabog mula sa labas.
Agad naman nagreact ang burdaghurls.
"Oh Kath! Baka kung ano na nangyari sayo dyan!" - Cassy.
"Harurut ano yun?" - Tin.
"Gaga! Malayo ako sayo Tin pero gusto kitang sapakin. Muka ba kaming harurot ng motor?" - Sophia.
"It's the trend." - Tin.
Sabi sainyo may alam to eh. Pero ano nga kaya yun? Tsaka, bakit parang nangyari nato pero si Sophia lang ang kasama ko? Siguro parte to ng mga bagay na hindi ko maalala. Yes, alam kong may mga nakalimutan akong pangyayari sa buhay ko at isa na doon yung sinisisi nila sakin about wrong decisions.
Improving na English ko noh? Pero wag tayo magfocus dyan, nakaraan na yan, di na yan importante. Ang kailangan kong alamin eh kung ano yung tumunog na yun, ngayon. Lumabas ako para tignan at nagulat ng nandito na pala mismo si Tin na tatanawtanaw.
BINABASA MO ANG
Playful Love
RomanceON HOLD!!!! Ang istoryang ito ay hindi na kasali sa Vomment fest. Maraming Salamat! Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahalan ng limang magkakaibigan. Dito, mapapatunayan natin na hindi lang sa magkasintahan matatagpuan ang salitang love. Kundi...