Sleep talking Athena
Angela's Pov
Martes na pero wala pa ring bagong reply sa 'kin si Cj. Kung anu-ano pa man din na nakakakilig ang sinasabi ko sakanya. Sayang naman yung effort ko. Tapos ko ng pinrito yung itlog at kumuha na ng tinapay para ipalaman ito.
"Tao po! Po tao!" May bibili! Bwisit naman yang tao na yan. Ibinaba oo ang hawak at agad na pumunta para pagsilbihan nanaman kung sino ang bibili. Si Cj!
"Hi! Good morning." Ngiti ko. Nagpalabas naman sya ng hangin sa bunganga at kinamot ang ulo. Ayaw nya sa 'kin? Palibhasa may ginagawa si Nay eh. Tinaas ko yung dalawang kilay ko 'ano na?'.
"Nandito ako para bumili."
"Kaya nga, naghihintay ako. Anong bibilhin mo?"
"Itlog."
Lumapit nako sa lagayan no'n at naalalang hindi ko nga pala alam kung ilan. "Ilan ba?" Sumenyas sya ng isa gamit ang daliri. Kumuha nako at akmang ibibigay sakanya ng may naalala nanaman. "Teka, para sayo bato?!"
"Wala kanang pake don."
"Sagutin mo lang. Promise wala ng kadugtong yun. Wala nakong sasabihin sayo kapag sinagot mo yung tanong ko."
"Nandito ako para bumili. Hindi sagutin yung mga tanong mo. Ano to Q and A? Interview? Apply sa trabaho? May scholarship bakong matatanggap dito?"
Hayst! Ang hirap naman nito! Wala na 'kong ibang choice kundi pagbentahan sya. Tumakbo naman sya ng mabilis nung naibigay ko na yong binili nya. Takot ba syang kiligin?
Bumalik nako sa kusina at tinuloy na ang ginagawa ko. Nung napalaman ko na, inayos ko na yung bag ko. Grade 10 pa yata ako nung bago tong bag nato! Kulay pink ito na may design na barbie. Ewan ko ba at ganoon ang mga designs na type ko. Pang elementary. Tinignan ko yung oras, 6:30 palang. Naisipan kong itext si Cj.
To: My love 😘🥰😍
Message: Hello! Good morning. Have a nice day. 🌄"Gela! Tubig. Kunan mo ko ng tubig!" Rinig kong hiyaw ni Nay na kasalukuyang nagwawalis ng bakuran. Agad kong sinunod ang sabi nya at tumakbo. Ininom naman nya ito agad.
"Ayan kasi! Sabi ko naman sayo Nay, kapag nagpapawis na yung likod mo, punasan mo na. H'wag mong hayaan na natutuyuan ka ng pawis." Pagbibigay payo ko. "Halika, uminom ka muna ng gamot."
Inakay ko sya papunta sa loob at pinaupo. Hinimas ko ang likod nya at hinayaan muna syang magpahinga. Tsaka lang ako umalis para pumasok noong alam kong okay na sya.
Sa paglalakad ko, nagawa ko pang mag cellphone. Alam ko mali, pero hindi pa naman ako tumatawid. Nasa gilid naman ako. Tinext ko si Cj. Naalala ko kasi yung pagligtas nya sakin. Isa yon sa pinakamalungkot gayunding pinakamasayang pangyayaring naganap sa buhay ko.
To: My love 😘🥰😍
Message: Thank you for saving my life before.Hindi ko alam kung malalaman nyang ako 'to. Kinakalimutan nya kasi kapag tungkol sa 'kin. Hate ako non eh! Pero naniniwala ako, hate to love nato!! Alam ko namang hindi sya magrereply kaya nagpatuloy nako sa paglakad.
~Fastforward~
Nagulat ako dahil bigla nalang nagreply si Cj sa last text ko!
From: My love 😘🥰😍
Message: Cno k b tlga?Hindi nya naalala! Nag-isip muna ako ng isasagot pero nakita ko sya na papasok na sa classroom. Nilapitan ko sya para ibigay ang inihanda kong meryenda para sakanya. "Cj!" Pagtawag ko sa pangalan nya. Pagkarinig naman ng lalaking ulol na yon, tumakbo sya. "Hoy! Wait."
BINABASA MO ANG
Playful Love
RomanceON HOLD!!!! Ang istoryang ito ay hindi na kasali sa Vomment fest. Maraming Salamat! Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahalan ng limang magkakaibigan. Dito, mapapatunayan natin na hindi lang sa magkasintahan matatagpuan ang salitang love. Kundi...