CHAPTER 1

198 98 70
                                    

First day of school

~2 years later~

Kath's Pov

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa tindahan para bumili ng ano. Dinalaw nanaman kasi ako ng monthly menstruation. Anong klaseng bisita sya?Five days?! Nakitira ka nalang sana, joke.

Habang naglalakad ako, may nakita akong kotse na huminto sa tapat ng bagong bahay. Sa tingin ko, sila yung titira sa mansyon na yan. Ang laki-laki! Triple ng bahay namin yung kanila. Sanaol malaki yung bahay!

Bigla nalang akong nagising sa katotohanan na hindi na pala nya ko maha-este nakatulala na pala ako sa kotse na tila naghahantay ng lalabas don. Nakakahiya dami pa man ding mga cctv sa paligid! Cctv-ing marunong magsalita.

May lalaking lumabas sa sasakyan. Parang iba yung pakiramdamn ko sakanila. Parang antagal ko na silang nakita. What i mean is parang hindi ito yung unang beses na nasilayan ko yung mga mukha nila. Pero hindi ko na yun pinansin, ang gwapo kasi nung boy! Nakasalamin ito kaya ang angas nya tignan. Hindi ko masyadong makita yung suot nya dami kasing guard pero ang importante matangos ang ilong.

Habang pinagmamasdan ko ang muka nya, hindi ko inaasahang lilingunin nya ang kinatatayuan ko kaya tinakpan ko ang muka ko gamit ang kanang kamay ko atsaka naglakad ng mabilis para makabili na ng target dahil baka may tagos nako.

Pucha men! Naranasan ko na yun!! Buti nalang to the rescue si Carl maprend!!!

Nang masilip ko na ang tindahan, natanaw ko na agad ang mga tambay dito. Ofcourse laging present si Marites and Marisol sa gantong mga eksena. "Alam mo ba Mars, yang bagong lipat daw na yan eh sadyang mayaman! Milyonaryo daw ang mga iyan eh." Rinig kong sabi ni Aling Marie.

Hindi ba Venus?

"Oo nga daw Mars. Pero nabalitaan mo ba," Panimula ni Maricar sabay tingin tingin sa paligid na akala mo magnanakaw. "May namatay daw sa bahay na yan nung ginagawa palang."

Teka namatay? Ito talagang mga kapitbahay namin, magtsitsismis na nga yung ginawa pa nilang istorya. Storymaker lang ang peg, haysst makabili na nga lang. "Aling Maritesz pabili nga po ng alam nyo na." Banggit ko. At success! Gets nya naman kung anong bibilin ko, hindi lang sya basta marites sya si marites.

Umubo ako ng peke, pero wala man lang ni isa sa kanila ang pinansin ako. Katitibay!!!

Wala naman akong mapapala sakanila kaya umalis nalang ako. Ang saya-saya ko ngayon dahil linggo. Bukas ay first day ng school. Last stage na namin 'to bilang high school sa susunod, college na kami. Hmm, nakaka-excite!

Sa sobrang saya na nararamdaman ko, tumatalontalon ako habang naglalakad pabalik sa bahay namin. As always, magkakabahay parin kaming lima. Pero ang nakangiting labi ko ay napalitan ng lungkot at puno ng hiya dahil...

Nalaglag yung ano sa kalsada at naiwan lang sa kamay ko yung pinakabalot ng mga ito! Naka-pack kasi yung binili ko and unfortunately nasira yung plastik nya, layk watdapak?! Pero hindi yun ang nagpagunaw sakin yun ay yung tumulong sakin na pulutin ito!

Habang pinupulot ko, may kamay na kumuha sa ibang mga piraso at inabot sa'kin. Si Carl na to the rescue ba to?Unti-unti kong tinaas ang ulo ko para makita kung sinong superhero naman ang tumulong sakin this time. Na agad kong pinagsisihan, sana pala kinuha ko nalang yung nasa kamay nya tapos naglakad na ulit ako pabalik.

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon