Call
Angela's Pov
Ngayon na magaganap yung botohan. Syempre, iboboto ko si Carl sa tinatakbuhan nya which is Peace Officer. Ofgors, iboboto ko sarili ko bilang muse. Nakakaawa naman section namin kapag hindi ako nanalo. Wala silang magandang muse na magrerepresent sakanila tuwing may occasions.
"Nay, alis nako." Pagpapaalam ko kay Nay. Ay wait pala may nakalimutan ako. "Ay sya nga pala, pahingi ng napkin. Babaunin ko, baka kasi doon ako sa school datnan nakakahiya naman."
"Akala ko hindi ka na nireregla." Sabay abot nya sakin ng napkin. "Muka ka na kasing menopause." Nanay ko ba to?! Sabagay, menopause na kasi sya! Pero siguro habang buhay pa sya, hindi sya magpo-pause sa kaka kalap ng mga tsismis.
Sana naman tumigil na sya hanggat may oras pa. Baka sa mga susunod na taon nasa loob na sya ng rehas eh. Dahil sa pagiging chikamomsh, may batas na siguro na ganon ten years from now. Lalo na, dumadami na ang populasyon nilang mga chuchakera.
Naglakad nako dahil hindi ko gugustuhing malate. Wala na din akong maaabutan na chupapi kapag late nako nakarating don. Tsaka, gusto kong masilayan ang muka ni Cj. Teka! Bakit hindi ko itext? Nilabas ko yung cp ko mula sa bulsa at nag-umpisang mag-type.
To: My love😘
Message: Hello honeybunch! GM. 😚Ayan. Napakakabog ko talaga and wag kakalimutan, ang emoji pampa-arte. Alam ko namang tinatawag nilang jejemon yun, pero ay downt keyr of wat oders wil sey tu me. Pake nila sa buhay ko? Pake ko sa panghuhusga nila? Ay shud bi prawd dahil binibigyan nila ako ng oras para pag-usapan.
Famous yarn?
Pinagpatuloy ko ang paglalakad habang nag-open ng fb. Konti lang friends ko, pero friendly talaga to mga men!! Scroll scroll lang~ scroll scroll lang~ sccrrooll sccrrooll lang~ (Dahan-dahan lang tone). Nagulat naman ako ng nagreply sya.
Wait! Omyghad!! Parang ayoko tignan kinikilig ako!!
From: My love😘
Message: Yck. 🤢🤮Ayts!! Bakit ba kahit ganyan yung text nya kinikilig pa rin ako? Siguro kasi sa personal, ang cold nya. Hindi nya nagagawang sagutin man lang yung mga tanong ko at napipilitan lang akong kausapin minsan dahil may bibilhin, pero ngayong hindi nya ko kilala, nagagawa nyang mag-reply kahit maikli.
To: My love😘
Message: Yieeee! Roses are red, violets are blue, may mahal ako at ikaw ang clue.Gagi di na nagreply. Medyo malapit nako sa school kaya nag scroll nalang ulit ako, pero sa ig naman. Nakita ko pa yung post ni Kath. Drawing ito na ang ganda, pero hindi naman magaling magdrawing si Kath. Sure ako pinadrawing nya to tas pinost para kunwari kanya.
Pero kung iniisip nyo na ia-unsend ko yung message ko kay Cj, nagkakamali kayo! Marunong naman ako maghintay, malay nyo may ginagawa lang? Kaya nagawa nya lang yun tignan muna saglit. Kaya antay-antay rin mga beh!! May late replies naman talaga.
"Hoy!!" Sigaw ni Cj. Nino?! Nilingon ko sya atsaka nalaman kung bakit sya sumigaw. May sasakyan!! Bakit hindi ko man lang namalayan na tumatawid ako? Handa palang akong sumigaw pero napigil na yon.
Ligtas ako! Maraming salamat, Panginoon.
Niligtas ako ni Cj!! Panaginip ba to? Sinampal sampal ko ang sarili upang malaman kung totoo ba yung nangyari. Oo! Totoo nga! Niligtas ako ni krasss! Imbis na kabahan ako dahil muntik ng mabangga...
♪Ako'y kinikilig
Pag ika'y lumalapit
Ako'y nanginginig
At nadarama ang puso na pumipintig
Natutuwa sa iyong tinig
O ito nga ba ang pag-ibig♪
BINABASA MO ANG
Playful Love
RomanceON HOLD!!!! Ang istoryang ito ay hindi na kasali sa Vomment fest. Maraming Salamat! Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahalan ng limang magkakaibigan. Dito, mapapatunayan natin na hindi lang sa magkasintahan matatagpuan ang salitang love. Kundi...