Bilibid High School
Carl's Pov
Kasalukuyan akong nagpapahinga dahil kakatapos lang namin kumain ng bigla nalang may malalakas na katok o mas magandang tawaging kalabog sa pintuan namin. "Nak, tignan mo nga yun!" Pasigaw na utos sakin ni mama. Kala mo naman bingi ako! Ang lapit lapit ko sakanya eh!
Tumayo ako sa upuan ko at binuksan yung pinto para makita kung sino yun. Agad namang bumungad sa pretty eyes ko ang apat na abay sa magiging kasal namin ni Kath, charoz! "Hoy ginagawa nyo dito?"
"Is Kath here?" - Blue.
"Nakita mo ba si Kath?!" - Cassy.
"Nawawala si Kath! Alam mo ba kung nasan sya?!" - Tin.
"Ayaw nya sagutin yung tawag namin, baka kung ano na nangyari sa kanya! Nandito kami para malaman kung nakita mo sya!" - Sophia.
Sunod-sunod nilang ani. I mean sigaw sa harap ko, pwera si Blue. Napakamahinahon nya. "Sandali nga! Huminahon muna kayo!Kayo ang ikamamatay ko eh!!! I-kwento nyo muna sakin ano nangyari!" Asar kong sambit.
"Ganito kasi! Medyo napagtaasan namin sya ng boses, kaya baka sumama yung loob nya samin." Paliwanag ni Cassy sakin. Bat kasi nila pinagtaasan ng boses?
"Nag-away kayo?" - Ako.
"Hindi naman! Grabe ka Carl ha!" Angal naman ni Tin. "Hindi naman namin sinasadya na sabihan sya ng mga bagay na hindi nya alam!" Dagdag nya. Mga bagay na hindi nya alam?
"Kung ganon, bakit sya hindi umuwi?" - Ako.
"Hindi namin alam sakanya! Sabi nya kanina nung tinawagan nya si Cassy, pauwi na daw sya." Pagbibigay impormasyon ni Sophia.
"Eh baka nagpakamatay na, charr! Baka naman pauwi na! Hindi nyo hintayin?" - Ako. Char nga diba? So hindi seryoso.
"She won't commit suicide! Besides, we've been waiting for her for a while. If she comes, she should have been here already. She's the one who apologizes to us instead of us apologizing to her nga eh!" Ani naman ni Blue.
"Then, bakit hindi nyo sya tawagan para malaman natin kung nasan na sya?" - Ako.
"Tanga ka ba Carl? O sadyang obob ka lang!O bingi?" Sumbat nanaman ni Tin sakin. Mumurahin ko na ba toh? "Hindi mo ba kami narinig? O hindi ka nakikinig? Ayaw nya ngang sumagot sa tawag namin!!Kakulit mo!!"
"Eh baka naman sumama lang talaga yung loob nya sainyo. Hayaan nyo muna sya. Kilala ko yun, uuwi din yon pag alam nyang tulog na kayo!" - Ako.
"Paano nga kung hindi?" Tanong ni Sophia na may halong pag-aalala sa boses. Overthinker ka lang talaga. "Ay wait mga tanga!" Tsaka tawa ng malakas.
"Oo nga antanga!" Sambit ni Tin tsaka halakhak. "Naalala ko, nung umalis pala tayo don eh sinarado na yung gate ng school!"
"O anong connect non?" - Ako.
"Ibig sabihin, na-lock sya dun sa school!Tara na uuwi na kami! Babalikan naman namin sya bukas pagpasok!" Tawa ni Sophia. Agad ko naman syang binatukan.
"Ikaw talaga yung tanga sating lima dito eh! Syempre kailangan natin syang puntahan!"
"Yeah, wala syang matutulugan don." Pagsang-ayon sakin ni Blue.
BINABASA MO ANG
Playful Love
RomanceON HOLD!!!! Ang istoryang ito ay hindi na kasali sa Vomment fest. Maraming Salamat! Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahalan ng limang magkakaibigan. Dito, mapapatunayan natin na hindi lang sa magkasintahan matatagpuan ang salitang love. Kundi...