CHAPTER 2

144 90 53
                                    

Fiona Maldita

Kath's Pov

Sa loob ng tatlong araw na pagpasok namin sa PIHS (Prosperous International High School), naging masaya naman at marami kaagad kaming natutunan na panibagong mga kaalaman. Ngayong huwebes, hindi ganon kaganda ang nangyari tulad nung mga nakaraang araw. Paano ba naman kasi 'tong mga kaibigan ko, gumana nanaman ang pagka-iskandalosa, namin pala.

Habang naglalakad kami kanina, may nakabungguan si Sophia at sinabihan sya nung babae ng hindi magagandang salita. Dahil dito, hindi nakapagpigil sina Tin at sinagot yung babae.

"What the heck! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! See what happened?!" Maarteng reklamo nito. Agad naman naming tinignan yung T-shirt nya at nagulat ng makitang natapunan pala ng hawak nyang juice ang damit nya. Buti nalang at kalahati lang yung natapon.

Yan! Kasalanan mo yan!! Kumakain ka na agad, hindi pa recess!!! Iniinom pala yun.

"Sorry, my apology. Hindi ko sinasadya." Paghingi ng tawad ni Sophia.

"Anong magagawa ng sorry mo sa mamahalin kong damit?!" Mapanlabang sabi nito. Dapat nga eh tinanggap nya na yung sorry na sinabi sakanya. Bihira lang sabihin ni Sophia ang salitang yun!

"Sorry po talaga, hindi ako nakatingin sa daan." Pagtanggap ni bes sa kasalanang sinisisi sakanya.

"Bingi ka ba?! Bulag?! There's nothing your fvcking apologize can do, words can't change my clothes!! Do you know how expensive this is?!!" Turo nito sa mamahalin DAW nyang damit.

"Shvt up. Nanghihingi na nga ng tawad yung kaibigan namin tapos ayaw mo pang tanggapin?" Nagpipigil na sabi ni Blue. Malaki talaga ang pagtataka ko sa kaibigan ko na'to. Kahit na sa anong sitwasyon, nananatili lang syang kalmado.

"Oh yeah, pare-pareho kayo ng kaibigan mo na bingi at walang laman ang kokote!" Pigilan nyo ko, mapapatay ko talaga tong babae na'to. Wala namang sumadya sa naganap tapos nag-uumpisa na sya ng away! Makikitil ko buhay mo, joke good girl toh!!

At tumagal na nga ang sagutan nilang tatlo (Blue, the girl and Sophia). Maya-maya pa nakisali na rin si Tin sa bardagulan na nagaganap habang nanonood lang kami ni Cassy. Ilang beses namin silang binawal pero ayaw nilang makinig. Nag-uumpisa na ring manood ang iba pang mga estudyante ng paaralan.

Hanggang sa dumami na ang mga bilang ng taong nanonood sa kanila. Wala namang sakitang nagaganap sagutan lang. Yung tipong sabunutan gamit ang mga salita, oo merong ganon teh maniwala ka! Hindi na'ko makapagpigil at ako na din ang nahihiya sa ginagawa nilang pag-aaway. Naka-gitna sakanila si Cassy na pilit inaawat at pinapakita ang kahihiyan na dinadala nila sa buong school.

Pero wala sakanila ang nakikinig sakanya. Para silang mga bingi na boses lang ng kaaway ang naririnig. Kaya naman ako na ang gumawa ng paraan. Naglakad ako papunta sakanila. Hinawakan ang baso na may lamang juice. Yung natirang juice sa hawak nung babae kanina na hindi natapon sakanya. Tsaka ko binuhos sa ulo ni Ate girl at hinila yung kamay ng mga kaibigan ko at tumakbo palayo.

Ang bilis namin daig pa namin si flash! Nang makalayo na kami ng husto, nagtinginan kami at tumawa. Nakakatawa yung itsura nung babae lalo na nung tumakbo kami para layasan sya ng basa at naliligo ng juice! Kaso hindi nagtagal ang kasihayan namin nang dumating si Carl na may dalang masamang balita.

"Guys, ano bang ginawa nyo?! Pinapatawag kayo ng adviser natin!" Sabi nya sabay turo dun sa office ng teacher namin. Nagkatinginan naman muna kaming lima bago sumunod sa paglalakad ni Carl.

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon