CHAPTER 8

87 67 30
                                    

Walking back

Angela's Pov

Hay nako! Ang kulit kulit ni Nanay. Ayaw nya uminom ng gamot dahil mahal daw ito at malulugi ang tindahan namin. Mas malulugi kami pag namatay ka na! Char, pag napunta na sya sa ospital.

"Kung gusto mo talaga makatulong, eto itapon mo tong basura!" Utos nya sakin. Sana pala hindi nako nagpumilit sakanya, nautusan pa tuloy ako. Gabi na eh tsaka ako pagtatapunin ng mga kalat.

"Nay naman eh! Gabi na, kinabukasan nalang pramis! Gagawin ko talaga yun." Pagkumbinsi ko sakanya. "Gusto mo dalhin ko pa yan sa pagpasok eh!"

"Ay Gelai, gagawin mo ba o gagawin mo?!" Sigaw nya na, tsaka naubo nanaman. Ang kulit nya naman kasi eh, yan tuloy iniihit nanaman ng ubo. "Pag di mo yun ginawa, itatakwil kita bilang anak!"

"Hala si Oa! Oo na gagawin ko na...... " Pag-sang ayon ko sa sinabi nya. Hindi naman sa takot akong itakwil nya bilang anak. ".....bukas" Pagtuloy ko. Agad nya naman akong pinalo ng pangkamot ng likod.

"Put-" Naputol ko ang sasabihin ko ng maalalang nanay ko pala ang kaharap ko. Kaaway pala. Nginitian ko lang sya para hindi magalit.

"Gawin mo na! Sige ka hindi ako magluluto bukas ng umaga." Pananakot nya pa. Kita mo nga tong matandang to! Ang lakas lakas kapag nandyan yung mga kumare nya. Pero paga wala syang nasagap na chika, biglang nanghihina. Yun ata gamot nya eh.

"Oo na po gagawin ko na. Sa isang kondisyon!" Panimula ko. Nakikinig naman sya kaya tinuloy ko na. "Pahingeng pera!!"

"Muka kang pera Gelai!" Sambit nya sabay iiling-iling.

"Ganto nalang. Dalawang baunan ang babaunin ko bukas. Kaya marami kang iluto dahil kulang sakin yung isa." Pumayag naman sya kahit na nagdadalawang isip.

Lumabas nako para magtapon ng basura. Bakit kasi ang layo ng lagayan ng basura dito? Kailangan pa ilagay sa kanto para makuha ng mga tagakuha ofcourse sino pa nga ba. Sa paglalakad ko, may naririnig akong nag-uusap.

"Bakit kaya antagal nila?"

"Aba malay ko!"

"Sabi ko nga hindi mo alam. Pero Carl, hindi mo pa sinasagot yung tanong kanina."

Oy si Cj yung kausap! Ano kayang pinag-uusapan nila? Mukang may hinihintay sila eh. Tsaka anong tanong kaya yun?

"Anong tanong?"

"Yung kung kami man ni..... Angela yung matitira sa mundo, sinong pipiliin mo?"

Ako? Aba! Kailangan ko malaman kung sino tong kinukumpara sakin. Baka 1% lang sya sakin. Maganda kaya ako, masipag, maputi at medyo matalino din.

"Haysst yun pa rin ba inaalala mo?"

"Hindi naman. Na-curious lang ako kung may pag-asa ba si Angela sayo."

Sabi nung babae tsaka tawa. Minamaliit nya ba ako?!

"Tawagan kaya natin sila?"

"Oo nga baka wala don si Kath. Kanina pa tayo nakatambay dito. Pero wala namang dumadating na Kath."

Pag-uusap nila. Si Kath ba yun? O pusa?Hindi naman siguro sila maghihintay ng pusa. Nilapag ko muna yung mga hawak ko tsaka dumiretso papunta sa kung saan ang kinaroroonan nila. Si Cassy lang pala ang kausap nya akala ko naman may girlfriend na sya.

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon