Kaizier
Cassy's Pov
It's the last day of the first week of our school year. Medyo hindi ako pinapansin ni Kath dahil sa pagbigay ko ng jacket kay Carl. Akala ko kasi talaga sakanyang damit yon. Eh syempre didiskarte nalang din ako, nilubos kona. Mukang bago pa yung jacket at isang beses ko palang nakita si Kath na suot yon kaya binigay ko na kay Carl.
Dahil tuloy sa'kin, napahiya sya ng kaunti. Pero hindi naman kasi parang hindi naman nakita nung lalaki kanina na suot ng crush ko (Carl) yung damit nya. Dahil don, maaga akong gumising at nilutuan sya ng paborito nyang umagahan.
Nagprito ako ng itlog na malasado, hotdog, bacon at nagsangag ng kanin para sakanya. Nilutuan ko din naman yung iba, kaso hindi ganon kadami. Ginising ko na sila sa pamamagitan ng pagkatok sa pintuan ng bawat kwarto nila. Nagsilabas naman ang mga kumag. Isa-isang nagpunta sa Cr tsaka dumiretso sa kusina.
Nagse-cellphone kasi ako sa sala kaya hindi ko nakitang kumakain na pala sila. Ang masama pa dito, kinakain na ni Tin yung para kay Kath!! Di ba nya gets kung bakit ako nagluto ng ganon kadami?!
"Athena! Hindi iyo yan!!" Sabi ko sabay agaw sa plato nya. Unti-unti ko itong nilapit sa harapan ni Kath. "Iyo yan..."
"Ha?" Tanong nya tsaka binigay kay Tin yung plato, na may laman ofcourse. "Hindi mo naman sinabi... Gusto mo pala akong pakainin ng tira-tira." Walang emosyong sabi nya.
"Hindi." Sambit ko. Kinuha ko ulit kay Tin yung dapat kay Kath tsaka ibinigay sakanya. "Hindi sa ganon, par—"
"Ano bang kailangan mo?" Patanong nyang pagputol sa dapat kong sabihin. "Oh Tin, kainin mo na."
Pagkatapos non, sumubo na si Tin at nagpatuloy na sa pagkain si Kath. Muli ko nanamang kinuha kay Tin yung pagkain at inilayo sakanya. "Maaga akong gumising para lutuin yan. Para sayo talaga yan, hindi sa matakaw na toh! Gusto ko sanang mag-sorry sa nagawa ko. Hindi ko ine-expect na dahil sa'kin mapapahiya ka."
Pagkatapos kong banggitin yon, tumawa- hindi, humalakhak sila ng malakas. Nababaliw na sila? Maya-maya pa tumigil na sila dahil masasakit na daw ang mga tyan nila. Sino ba kasi nagsabing tumawa sila ng ganon? Kayo ba?
"Tanga... joke lang. Okay lang naman ako, wala akong sakit. Namatay ba'ko nung binigay mo kay Carl yung jacket? Di'ba hindi? Kaya okay lang. Wala ka namang kasalanan. Pero nakakatawa ka mag-sorry."
Pagkasabi nya non, humalakhak nanaman silang lahat. Ito namang si Tin, unti-unting hinihila papunta sa harapan nya yung pinaghirapan kong lutuin. Tinabik ko yung kamay nya at sinabing... "Hoy, itatapon ko na'to! Hindi ko yan ginawa para sa'yo kaya bawal mo kainin!"
"Huh?! Eh hindi naman nya tinanggap!I kaw talaga Cassy!" Ani nya pabalik tsaka sumubo ng isang kutsara mula doon sa niluto ko. Yung tatlong walang pakialam eh nagkaroon ng paki dahil sa susunod na mga pangyayari. Pilit naming pinag-agawan ni Tin yung pagkain nang mapunta ang laman ng plato sa ulo ni Sophia!
Isa-isa nyang inalis ang mga pagkain na nasa ulo nya at tinignan kami ng masama. "Alam nyo, iniwan lang ako. Pero minahal!" Sabi nya bago kami habulin.
Huh? Ang layo naman ng connect non!Pagkain? Minahal? Iniwan? Duh, apakalayo!Baliw talaga yung broken na yun! "Pag-naabutan ko kayong dalawa, ipapakain ko sainyo lahat ng nasa ulo ko, maski buhok kailangan nyong kainin!!"
Bumilis ang takbo nya kaya binilisan din namin ang paghakbang. Parang hindi sya tumatakbo sa bagal, HAHA. Dahil nadapa sya, nagkaroon kami ng tsansa na makalayo sa monster, rawr! Pinihit ko yung doorknob at itinulak ang main door ng bahay para lumabas.
BINABASA MO ANG
Playful Love
RomanceON HOLD!!!! Ang istoryang ito ay hindi na kasali sa Vomment fest. Maraming Salamat! Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahalan ng limang magkakaibigan. Dito, mapapatunayan natin na hindi lang sa magkasintahan matatagpuan ang salitang love. Kundi...