CHAPTER 13

36 21 18
                                    

Something New

Cassy's Pov

I feel relieved. Akala ko sa akin talaga may gusto si Gab, baka talagang malungkot si Kath non. Pero malungkot din ako para kay Carl. Hindi ko inaasahan na mamamatay yung Lola nya. I mean, yes may edad na yun. Pero pinagdasal pa sya ni Carl, paano na sila magbabati ng Mama nya ngayong mas sisisihin pa sya noon?

Dagdag pa sa sakit na iniinda nya eh yung natamo nyang sugat nung niligtas nya si Angela. Ano ba kasing pumasok sa isip nya at iniligtas nya yung babaeng 'yon? Kaloka, kung ako si Carl, pinabayaan ko na yung mamatay. Joke, ofcourse were not close pero friend na rin namin sya kahit hate ko sya.

Nandito kami ngayon sa School habang si Carl ay absent at alam kong umiiyak ngayon sakanila. Pinuntahan naman namin sya kanina at mukang maayos naman. Lunes na lunes pero kailangan nyang um-absent, sana ako din. But study first ako, so sa libing nalang ng Lola nya kami makakasama.

This is one of important days in Kath's school year. Ngayon na malalaman kung sino talaga ang president ng class. Hindi yun overall, pero importante yun para kay Kath.

"My vote is for Joshua!" Magalak na nakangiting sabi ng Science teacher, ngayon ko lang sya nakitang ganyan.

"Mine is for Kath." Sabi ng Filipino teacher, which is si Sir Ben. Buti sanay na ang mga teacher na tinatawag halos lahat kami with our nicknames.

"Mark Joshua...." Nahihiyang sabi ng Ap teacher. Simula nung nagkasagutan sila, lagi ng nahihiya itong si Sir kay Josh.

"Gabrielle!"

"Kath!"

"Joshua."

"Katherine."

Bakit pati ako kinakabahan? Kung sino ang iboboto ng last ay syang panalo dahil tie yung dalawa. Actually, gusto kong makalaban si Kath, pero nilista lang pala kami ng pesteng adviser para maraming choices kuno.

Hindi ko alam pero may hinala ako na may gusto syang manalo kaya yung second ay panalo rin. Ibig sabihin, nanalo si Kath! Kaso meron nakong paghihinala kay Josh. Masaya si Sir kaya siguradong pasok sa dalawang pwesto ang gusto nyang manalo. Eh hindi naman yun si Kath dahil sasabihin nya naman. Pero paano nga kung sya?

Napatingin ang lahat sa dalawa (Katherine and Joshua). Magkahawak sila ng kamay, parang bata. Yung parang Miss Universe ang pinaglalabanan nila. Huminto ang lahat ng mag-umpisa ng bumukas ang labi ng huling boboto...

"......Joshua."

"And so, malinaw na malinaw. Our new class president is Mark Joshua! Congratulations, and to you too Kath. You're the president of Yes Organization!" Announce ni Sir. Nagkabitaw ang kaninang magkahawak ng kamay. Ang isa ay masaya at ang isa ay bagsak balikat ang reaksyon.

Hindi masaya si Kath kahit na pareho lang naman silang nanalo. Ngayon na-gets ko na kung bakit sinadya pa ng ibang teacher na pumunta dito at bumoto isa-isa. Inaabangan pala nila ang magiging president ng Yes-O Yes-O kuno.

"Malaki ang responsibilidad at oportunidad ang ibinibigay namin sainyo. Sana ay tanggapin nyo iyon at ganapan ng buong puso. Congratulations! At Kath, go to my office kapag tapos ng flag raising. Ipapakilala ko saiyo ang mga members mo!"

Sabi ng Araling Panlipunan teacher. Ano kayang gaganapan ni Kath? Tsaka, bakit may ganon? Pero imbis na maging masaya si Kath ay nakabagsak ang labi gayundin ang balikat nito. Ganoon ba kalaking kawalan ang pagkatalo sa posisyon na yoon?

Parang nawalan ng mahal sa buhay ang reaksyon nya. Daig nya pa si Carl na kaya pang ngumiti. Umalis na ang mga guro sa classroom at pinapila na kami ni Sir para sa flag raising ceremony. Eh si Tin nga natalo sa nilabanang muse. Nanalo ako, pero parang wala lang naman. Ang masaklap, si Angela ang Muse!

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon