The Unknown Gaga
Cassy's Pov
It is Saturday today. Ngayon na magpapacheck ng mata si Blue. Ngayon din kami bibili ng groceries dahil new month na. Wala na din kaming stocks at mailuluto kaya obligadong pumunta kami.
"Cassy! Ako na magluluto!! Nanood ako sa YouTube kagabi. May napanood akong dish na pwedeng gawin sa eggs." Pagpiprisinta ni Sophia. "Yun na lang ba talaga yung mailuluto dyan?"
"Wala na nga!! Paulit-ulit ka!" Sagot ko. Mga one-hundred times nya lang naman yan tinanong. "Kung wala kang tiwala, edi tignan mo!"
"Oo na kumag ka naman, pikon!!" Pang-aasar nya pa sakin. Itong babaita na to napaka, haysst!! "Sya nga pala, anong oras na ba? Hindi pa ba tayo pupunta? Dami nating gagawin ngayong weekend eh! Sandamakmak pa yung projects na pinapagawa satin!!"
"Excited ka lang gumala at makakita ng pogi eh!!" Pagsabat ni Tin. Bakit kasi kasama ko nanaman tong mga baliw na to? Hindi pa ba tapos maglaba yung dalawa? Matignan nga.
Mula sa kusina pumunta ako sa washing area (Basta kung saan sila naglalaba). Tas naabutan ang dalawang d*puta na naglalaro ng bula. "Hoy!! Para kayong mga bata! Pati ikaw Blue nahahawaan na nitong baliw na Kath nato!!!!"
Huminto sila sa pagtatawanan at pagpapahiran ng bula tsaka ako inasar.
"Opo, Mama Cassy! Titigil na'po." - Kath.
"Yes, Tita Cassy." - Blue.
Sambit nilang sunod tsaka ako pinahiran ng bula. "Ah ganyanan ha!! Maghanda kayo, papakainin ko kayo ng sabon!!!" Ani ko tsaka sumali sa nangyayaring gera.
"Woyyy, anong nangyayari dito?" - Sophia.
"Sali naman kami!! Kakainggit. May world war III na nagaganap tapos di kami involve." - Tin.
Chicka ng dalawa tsaka tumalbog-talbog sa batsa at nagbasaan. "Hoy grabe naman kayo. Andumi na tuloy ulit ng nilalabhan namin." Akusa ni Kath. Kasalanan nyo yan. Ang ayos-ayos naming nag-iisip ng ulam don at naglilinis ng bahay eh naglalaro lang kayo dito.
"Tumigil na kayo. Madudumihan yung salamin ko oh. Bahala kayo hindi ko na makikita yang mga pagmumuka nyo." First time na pagjojoke ni Blue. Totoo ba ito?!
"Yeah party, party!!!" - Tin.
"Yes! Woo-hooo!!!!" - Sophia.
Pag-eenjoy ng dalawa. "Hoy mga hangal! Tumigil na kayo! Muka kayong alien na galing sa Jupiter na nasiraan ng spaceship at nahulog dito sa Earth. O di kaya naman mga hator ni Hagorn na naulol." Pagpigil ko sa kasiyahan nila.
Pero para silang mga walang tenga at nagbibingibingihan sa mga sinasabi namin. Kaya ang ginawa naming tatlo eh tinutok yung hose na nakakabit sa poset sa kanila tsaka ito pinihit. Natawa na lang kami dahil nalagyan sila ng tubig sa ilong at naubo-ubo.
"Ang ke-Kj nyo!!" Sabi ni Tin tsaka inagaw sakin yung hose. Tinapat nya sakin yon at sinindihan. Napapikit nalang ako dahil ansakit pala kada tama ng tubig sa katawan ko.
Buti nalang sa katawan lang, hindi sa precious kong mukha.
Nagpatuloy ang world war III sa aming tahanan at 'The End'. Pero tumigil ang basaan namin ng dumating si Carl. "Hala!! Pa-enjoy-enjoy lang kayo dyan ah! Samantalang ako hirap na hirap sa gagawing assignment."
"Hoy Carl pano ka nakapasok?" - Kath.
"Makasuhan nga to ng trespassing." - Sophia.

BINABASA MO ANG
Playful Love
RomanceON HOLD!!!! Ang istoryang ito ay hindi na kasali sa Vomment fest. Maraming Salamat! Ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahalan ng limang magkakaibigan. Dito, mapapatunayan natin na hindi lang sa magkasintahan matatagpuan ang salitang love. Kundi...