CHAPTER 3

120 81 39
                                    

Jacket

Kath's Pov

Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik. Napagdesisyunan kong isama sya sa pag-uwi para maibalik ko na din yung jacket nya. Ang bait naman ng lalaki na'to hanggang langit ang abot. Tinulungan nya na nga 'kong pulutin yung mga nalaglag ko na ano, binigyan nya pa'ko ng jacket para takpan yung t*gos ko.

Ngayon naman ipinamalas nya yung kabaitan nya dun sa bata. Akalain mo ninakawan ka na, ikaw pa nagbigay! Ikaw na ginawan ng masama, ikaw pa nagsakripisyo! Ikaw na niloko, ikaw pa nasaktan, joke!!!

Nang nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin, nakita ko na yung mga ulo ng mga kaibigan kong hangal na nagsisiksikan sa bintana. Papapasukin ko sana sya kaso nakakahiya yung mga kasama ko. Tsaka hindi kami ganon kaclose. "Ahm.. Paantay na lang ako dito." Nahihiyang sabi ko.

Syempre shutaca, hindi ko man lang ma-invite sa loob ng bahay namin!Tumango naman sya so tumakbo na'ko sa loob para kuhanin yung dapat na nung mga nakaraang araw ko pa binalik sakanya.

Pagbukas ko ng pinto, tama nga ang hinala ko! Mga tsismosang kumag talaga sila. Pero nalulungkot ako nang dahil sa'kin, kailangan nilang maglinis ng silid-aklatan sa loob ng isang buwan. Nagsisi ako na ginawa ko yun! May alam naman akong iba pang paraan pero yoon kasi yung yung pinakamadali.

Tamad din eh noh? Sorry ito lang akuuu!!Sadghurl ka day?!!

"Guys, nakita nyo ba yung jacket na inuwi ko dito nung sunday?" Tanong ko sakanila. Halos libutin ko na ang tinitirhan namin, hindi ko pa rin makita yung hinahanap ko. Malinis naman dito, eh saan yon mapupunta?

Huminto naman sa pagsilip sa bintana si Tin. Tumingin sya sa'kin na parang nagtatanong. "Anong jacket? Wala naman akong naaalala na inuwi mong kahit anong damit dito. Pwera nalang sa mga labahin, wala ka nang ibang dinadalang damit palabas!" Ani nya. Lagi kasi syang naka-tambay sa sala kaya alam nya ang buong detalye kapag lalabas kami. Halos dito na nga sya matulog eh.

"Hindi akin yon, pinahiram lang. Kung matatandaan mo, yung hawak kong—."

"Kulay black na may white, blue, and red tapos may bulsa na naka-suot sa bewang mo noon?!" Pagputol nya sa sasabihin ko. Tumango ako bilang tugon. "Wala eh, di'ko pa rin maalala." Sabi nya sabay balik sa pagsilip sa binta.

Aba! Grabe ka ha!! Napanganga nalang ako sa sagot nya.

"Ahm...." Sabi ni Cassy bago humarap at huminto din sa pagtanaw sa bintana. "Yun ba?" Muli nyang sambit. Tumango ako. Sya naman, napabuntong hininga bago magbanggit ng panibagong mga salita. "Kasi.... akala ko iyo yun so.... " Pinag-aantay nya pa'ko eh. Naghihintay din kaya yung tao sa labas na tinitignan ng tatlo. "BINIGAY KO KAY CARLLLL!!!!" Sigaw nya sabay tago sa kwarto nya.

Watawatawat?! Anong gagawin ko mga mars?! Naghihintay sya don sa labas, anong sasabihin ko?! Toh kasing kaibigan ko na'to, gagawin ang lahat para sakanyang crush!!Kahit na sa'kin pa yon, hindi sya nagpa-alam!

Magtatago nalang ako! Hindi na'ko lalabas sa bahay namin kahit kailan, HUHU. Nakakahiya, anong sasabihin ko sakanya?Wala nakong mukhang ihaharap sakanya!Ay wait!! Baka suot ni Carl yon ngayon! Hindi pa man din sya sumabay sa'min umuwi ngayon.

Baka makasalubong nya sa daan!!!Magkatabi lang ang bahay namin nila Carl. Katapat naman ng bahay namin yung bahay nila Mark Joshua. Sigurado, magkakasalubong sila sa kahit na anong dahilan!

Agad akong lumabas ng pinto para tignan kung safe ang paligid. At ayon. Kung minamalas ka nga naman, naglalakad si Carl na suot-suot yung jacket!! Nakita ko si Mark Joshua na nakatingin sa'kin at titingin na sana sa direksyon na tinitignan ko kanina bago tumingin sakanya, which is si Carl.

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon