CHAPTER 6

101 73 38
                                    

Bag

Blue's Pov

I was thrilled and finally Gab seemed to have feelings for Kath. Recently, he asked Kath to ate with him. Pero pakipot si ate ghurl kaya tinaggihan nya ito gaya ng pag-ayaw nya sa pakikipag-usap sakanya ni Gab nung nakaraang linggo pagkatapos namin maglinis ng library. (Kath's last point of view, chapter 5)

"Kath? What the heck happened here?!" I ask her. I just came back from Cr because I thought I left my glasses there, but there's nothing I've saw.

"Bakit?" Tanong nya sakin pabalik tsaka hinipo-hipo yung noo ko. "Okay ka lang ba? Wala ka bang sakit?"

Tinabig ko yung kamay nya at sinabing "Anong sakit?" I pointed to the table in the living room full of clutter. "See that?!"

"Oh anong meron dyan?" Bakit ba tanong ang sinasagot nya sa tanong ko? "Cassy! Tin! Sophia!" Pasigaw na pagtawag nya sa tatlo.

"Bakit?" Sabay-sabay nilang sagot. They answered the question with a question again! But all of a sudden I laughed at their looks.

"Saan galing yang suot nyo?" Sabi ko bago tumawa.

"H-huh?" - Cassy.

"Hala mga beng ang lala nya na." - Athena.

"Tawagan na ba natin mommy nya?" - Sophia.

"Wag na, ideretsyo na natin sa mental!" - Athena.

"Nasobrahan na yata sya ng talino!" - Cassy.

"Kung ano-ano kasi binabasa eh, yan tuloy!" - Kath.

"Oo nga, nakulkol yung utak! Kaya ayoko maging matalino eh!" - Athena.

"Ako gusto kong maging matalino!" - Sophia.

"Para maipagmalaki ka?" - Cassy.

"Para sa susunod malalaman ko na kaagad kung niloloko na ba ko ng magiging jowa ko!" - Sophia.

"Haysst! Manahimik ka nga Pia!" - Kath.

"Palibhasa, hindi mo pa nararanasan magkaroon ng lovelife!" - Sophia.

"Palibhasa ginamit ka kase may hinihintay na iba!" - Athena.

"Aba! Sumosobra ka na Tin ha!" - Sophia.

Bago pa sila magrambulan at magbardagulan, pinigilan ko na sila. "Guys stop! Para kayong elementary!" Medyo inis kong sabi. Para silang mga bata, yung daig pa nila yung pinakamakulit na stage ng pagkabata! "Bat kasi ganyan kayo?"

"Anong ganyan?" Takang tanong ni Cassy. Hindi ba nila nakikita sarili nila?

"Ikaw! Bakit naka-dress ka? May lakad ka ba?" Nagpipigil ng tawa kong sabi kay Cassy.

"Ha?" Gulat na gulat nyang ani sabay tingin sa sout.

"Guys tumawag na tayo ng pulis hindi ko na kinakaya, natatakot na ko kay Blue!!" - Athena.

"Blue, ayos ka lang? June na hindi na April wag ka na magprank!" Walang emosyong pagbanggit ni Kath.

"Teka! Kayo yata yung nangloloko eh!" Sambit ko."Tignan mo! Sophia, Cassy and Athena are wearing different colors of aprons! Diba brown lang ang meron tayo nyan? Tsaka bakit andudumi ng muka nyo? Puro color brown."

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon