Kabanata 13

81 9 0
                                    

Hindi kona mabilang kung ilang ulit na akong sinulyapan ng taxi driver sa rearview mirror. Iniisip niya siguro na isa akong baliw.

Simula pa kanina hindi na tumigil ang buhos ng aking mga kuha. Nangingiti ako tapos iiyak. Para nga akong baliw.

Ganoon nga ang nangyari buong byahi pauwi ng bahay. Pagkababa sa taxi, hindi ako agad pumasok sa loob ng bahay. Umupo ako sa may harap ng bahay. Napansin kong wala pa ang sasakyan ni Dylan. Tinignan ko ang oras sa aking telepono at lagpas 2am na pala.

Dali-dali akong tumayo at tumakbo papasok ng bahay ng bilang may naalala. Yung mga pagkain na niluto ko para sakanya. Nasira lamang sa wala.

I sighed. Nagtipa ako sa aking telepono para itext si Dylan.

Me: asan ka?

Kahit medyo hilo at pagod niligpit kopa din ang mga pagkaing nasira. Ayaw kasi ni Dylan na nangangamoy mabaho ang bahay. Kaya kahit anong pagod ko, maglilinis at maglilinis pa din ako.

Tama nga sinasabi nila, puro linis nalang sa bahay ang ginagawa ko. Yung gusto kong gawin na maging isang ganap na author di kona nagagampanan. Mas gusto ko munang asikasuhin si Dylan ngayon.

Katapos kong maligo lumabas ako ng kwarto at dumiretcho sa harap ng pinto ni Dylan. Kakatok na sana ako ng naisipan na sumilip nalang sa veranda ng kwarto ko kung andoon naba ang kanyang sasakyan.

Nalungkot ako ng nakitang wala ang kanyang sasakyan at wala pa din itong reply sa message ko sakanya kanina.

Hindi ko alam kung naka-ilang ikot ako sa higgaan dahil hindi ako makatulog. Agad akong tumayo nang may narinig na sasakyan sa labas. Dumungaw ako sa aking bintana para tignan kung sino iyon.

"5am na pala." Tinignan ko ang oras sa aking telepono, ganoon oras din nakauwi si Dylan.

Dali-dali akong bumalik sa aking kama at nagkunwaring tulog dahil sa repleksyon na nakita ko sa transparent na pinto. Maybe it's him.

Rinig kong nabukas ang pintuan ng aking kwarto. Hindi ako gumalaw, nanatili lang akong pikit.

Kinuyom ko ang aking mga kamay dahil sa naramdaman ko sa aking mukha. Alam kong isang halik iyon sa aking pisngi kahit na naka pikit ako.

Agaran kong tinignan ang pintuan ng narinig ko itong sumara. Dylan kissed my cheek?

Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata dahil pa din sa gulat.

Hinawakan ko ang pisngi ko kung saan hinalikan ni Dylan kagabi. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa sarili ko ngayon sa harapan ng salamin.

"Lasing lang siguro. Nagkamali lang siya."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil alas nuebe na ng umaga. Dali-dali akong nag hilamos at nagbihis dahil naka gising na si Dylan at wala pang breakfast sa hapag.

Hindi ko kaagad binuksan ang pintuan dahil sa kabang nararamdaman. Paano ko siya haharapin kung alam mo ang ginawa niya kagabi? Paano akong aakto na hindi ko alam ang ginawa niya?

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim, ng idilat ko ang aking mga mata ay sabay labas ko sa aking kwarto. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago kumakbang sa hagdanan pababa. Again, i took a deep breath before going downstairs.

"Shuta ka pisti ka yawa!" Sigaw ko dahil sa gulat.

"Why?" Takang tanong niya.

I saw the man I wanted to avoid, he was wearing my apron and holding a plate with rice. Ang buhok niyang magulo at hindi man lang binigyan ng effort ayusin.

When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon