Kabanata 41

68 5 2
                                    

"I love you. . ." He whispered.

"Do you want see her?"

Nanlaki ang mga mata niya sa biglaan kong sinabi na para bang hindi siya makapaniwala. Dahan-dahan itong tumango at ngumiti.

In my head, I didn't planned this all out before. Ang pagpapakilala ko kay Isabella ay kailanman hindi ko inisip. I never saw myself in this scenario, but I'm certain it's not too late to fix all of my previous assumptions.

Gabi na. Gabing-gabi na, at alam kong hindi makakatulog si Isabella sa kakaisip kung sino itong lalaking kausap ko ngayon. Alam ko din na hindi ako papatulugin ng konsensya ko kung hindi ko pahihintulutin si Dylan na makita si Isabella ngayong gabi. Hindi ko pwedeng ipagpabukas ito lalo na't alam na niyang may anak nga kaming dalawa.

Hindi naman masama kung unahin ko muna ang nararamdaman ng anak ko ngayon, hindi ba?

Tumayo ako at inilahad ang kamay ko sa lalaking nakaupo pa din, tulala. Inabot niya ang kamay ko at tumayo ng may ngiti sa labi ngunit may bahid ng kaba. Nagsimula akong maglakad sa direction ng aming kwarto. Tahimik lang kaming dalawa tanging mga hakbang lamang namin ang aking naririnig.

Agaran kaming pumasok at hindi na ako nagulat ng sinalubong kami ng anak ko sa harap ng pintuan. Hawak niya ang paborito niyang teddy bear at nangingiti sa aming dalawa.

"Isabella. . ." One breath and I saw Dylan's parted lips and bloodshot eyes.

Tinaas ko ang kamay ko para patigilin muna siya sa pagsasalita para makausap ko muna ng mabuti ang anak ko. Ayoko pa din kasi siyang gulatin sa isahan lang.

"Baby, mommy's have something important to tell you. Kaya makinig ka, ah?"

Ang kaninang ngiti ni Isabella ay unti-unting nawala.

"What is it, mom?" Isabella asked with her serious voice.

"Okay, you know this man behind me right?" Tanong ko. Para akong mahihimatay sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pero kailangan ko ng gawin to ngayon. Karapatan ng anak ko na malaman ang lahat ngayon gabi.

"Sinabi niyo po sa akin kanina na kaibigan niyo po siya, my."

"Hindi ko lang siya kaibigan." I paused. Pumikit ako ng mariin at yumuko. Isabella proped after ny long pause.

"Then what, mom?"

"Your father. . ." With a tight voice, I finally said.

"Father?" Her voice was filled with hope. Sa bawat pagbigkas niya ng mga litanya, mas lalo kong nakita ang kanyang tuwa. Tuwa na pinagkait ko noon pa. "F-father? Is it Daddy?!"

Tumango ako ng bahagya. Narinig ko ang mahabang paghinga ni Dylan sa likuran ko. Para bang pati siya ay kinakabahan ng sobra.

"Yes, baby. I told him about you, and he's excited to meet you." Pumiyok ang bosis ko. Pero hindi ko na pinansin iyon dahil tanging ang anak ko ang importante sa ngayon.

Hindi siya kaagad sumagot, pumikit ako ng paulit-ulit dahil nadagdagan nanaman ng kaba ko.

"N-now? Mom, wait lang po. Should I put a make up. Ang dumi-dumi ko. . ." Sabi niya sa sarili, natataranta. "Mom, tara liguan mo muna ako!"

Natawa ako sa inasta ng anak. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya para patahanin siya. Naramdaman ko ang paggalaw ni Dylan at pinwesto ang sarili sa harapan ko na ngayon ay nasa likuran na ng anak ko.

Parang sinasaksak ako sa puso ko ng makita kung gaano kasabik ang mag ama.

"It's okay, anak. You don't have to put make up. You don't have to take a bath. He will understand because it's already late."

When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon