Kabanata 25

71 5 4
                                    

I dance while cooking lunch for Dylan and his co-workers. Gusto kong kuhanin ang mga luob nila para hindi na ako mailang sa tuwing bibisitahin ko si Dylan sa trabaho niya, at isa pa, wala din akong magawa kaya naisip ko ito.

Noong isang araw na nag-grocery kami ni Dylan ay bumili ako ng maraming transparent container para doon ko ilagay ang mga pagkain para sa kanila.

Matapos akong mag lagay ng mga pagkain sa container ay daretcho ligo at ayos na ako sa sarili ko. I just wore the white tank top and baggy jeans partner with white rubber shoes.

Tina tap-tap ko ang manibela ng sasakyan ko dahil naiinip ako sa haba ng traffic, wala na bang bago? Hagard na ako bago pa ako makita ng asawa ko! Charaught.

Lakad at takbo ang ginawa ko habang hawak ko sa aking mga kamay ang mga container na naka lagay sa plastic. Mas binilisan ko ang takbo ko ng makita kong pasarado na ang elevator.

"Sandali!" Sigaw ko, laking pasalamat ko ng bumukas ang elevator. Ngumiti ako tipid ng makita kong si Kim pala ang nasa loob ng elevator.

Tinignan ko si Kim ng makapasok ako sa loob ng elevator. She was wearing a fitted yellow dress just above her knees and black stilettos. Pansin ko din na naka tirintas ang kanyan buhok na nag paganda lalo sa kanya. Dapat din pala nag tirintas ako!

"What floor?" She asked.

Napatingin ako sa kanya, hindi mo ba alam floor ng building ng asawa ko?! Char.

"15," tipid na sagot ko.


"So, we're on the same floor to go," maarting saad niya. Kung bigwasan ko kaya 'to?! Lamang ka lang ng limang ligo sa akin oy!

"Oo, pupuntahan ko si Dylan," tipid akong ngumiti.

Hindi na niya ako sinagot, napansin kong umikot ang kanyang mata bago niya ako talikuran. Problema mo? Kala mo naman kung sino! Medyo umusog ako palayo sa kanya ng makita kong inilagay niya ang kanyang kamay sa ilong na para bang hindi niya nagugustuhan ang amoy sa paligid niya.

Pa-simple kong inamoy ang sarili ko pati na din nag kili-kili ko na baka ako ang naamoy niya, pero napahinga ako ng maayos ng wala akong naamoy. Bakit may naaamoy siya na hindi niya gusto? Eh ang bango naman dahil nangangamoy ang mga niluto ko!

"Uhm. . . excuse me" Lumingon ako sa kanya ng magsalita siya, tinignan ako. "What is that smell? Hindi mo ba naaamoy?" Naka taas ng kanyang kilay.

"Malay ko, baka ikaw?" I shrugged.

"Ano ba yang mga dala mo? Baka iyan ang nangangamoy," she smiled sarcastically.

"Ah, ito ba?" Itinaas ko ang kamay ko para ipakita sa kanya ang mga bitbit kong plastic. "Pagkain ito, hindi naman mabago, ah? Ang bango kaya!"

Ngumiti siya ng tipid sa akin bago niya ako tinalikuran ulit. Inismiran ko nalang siya dahil ayokong ipakita sa kanya ang ugali ko, tsaka ayokong mag-away kami ng dahil lang sa amoy. Nakita kong inilabas niya ang kanyang telepono at nagtipa ng kung ano doon. May boyfriend ata? Sabagay, maganda si Kim hindi malayo na wala siyang boyfriend.

Napahinga ako ng maayos ng bumukas ang elevator hudyat na andito na kami sa tamang floor. Excited pa akong lumabas ng elevator pero si Kim ay nag stay pa sa may bandang labasan, hindi pa lumalabas.

"Behave, 'wag mong ipahiya si Dylan sa mga staff," she whispered. I swallowed hard as I felt pain in my chest because of what she said.

Ganoon ba ang nararamdaman ni Dylan sa tuwing kasama niya ako sa harap ng maraming tao?

Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang tunog ng elevator na hudyat ng pagsara nito. Nang makalabas ako, luminga-linga ako para hanapin kung nasaan si Dylan. Kita ko ang mga tinginan ng mga tao sa akin at sa mga dala ko. Para sainyo to mga shunga! Kitang kita ko talaga ang mga tingin nilang hindi ko nagugustuhan, ganoon ba ako nakakahiya? Nakakahiya na itong ginagawa ko? Shet. Kung ganoon nga, edi mas nahihiya si Dylan sa ginagawa ko.

When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon