Kabanata 10

91 10 0
                                    

"Hindi ka iinom?" Athena asked.

Umiling lamang ako. Ayokong uminom dahil kita kong si Dylan ay nakakarami na ng inom. Ayokong parehas kaming malasing at baka hindi kami makabalik ng okay sa aming kwarto.

"Bakit? Uminom ka Mia uuwi na bukas! Solo mona si Papa Dylan"

Tinignan ko si Athena. Nakita ko ang nakakalokong ngiti niya sa akin na parang may gusto siyang ipahiwatig sa sinabi niya.

"Eh ano naman kung solo ko siya?" Bulong ko.

"Uy si dumada-moves ka beh" Pabirong wika nito. Sumasabay pa ang kanyang mga kilay pataas baba sa kanyang biro.

"Let's play!" Dinig kong sigaw ni Adam.

"Hoy Adam tigil tigilan mo kami sa kalokohan mo." Ani Athena.

"Anong laro bayan?"

"Truth or Dare."

"Ts. So cheap." Maarting sabi ni Maris.

"Ano ba? Gusto niyo ba o ano?" Iritadong tanong ni Adam.

Walang sumagot. Lahat sila busy sa kani-kanilang inumin. Tanging ako lang ang nakatingin kay Adam ngayon dahil ako lang ang tanging walang ginagawa sa amin.

"Game kaba?" Tanong ni Adam sa akin.

Natawa ako sa kanyang tanong. Para kasing walang kausap ito sa mga kasama namin kaya wala siyang choice dahil ako lang naman ang nakikinig sakanya.

"Truth or Dare?" Tanong ni Dylan ng natapat ito kay Daven.

"Syempre truth. Baka kung mag dare ako ipakain mopa sa akin ang buhangin." Ani Daven sa natatawang tono.

Ngumiti si Adam ng napakaloko. "Do you like Kimberly? As a woman?"

Lahat kami napatingin sakanya dahil sa naging tanong nito. Tahimik kamimg lahat. Naghihintay sa isasagot ni Daven.

"No. I like Kim. Not because of a woman. I like her as... a friend."

I heard Kim sigh. Not just kim, everyone with me except Dylan. Anong meron?

Wala na ulit nagsalita. Nagpatuloy kami sa laro. Meron na natutok yung boteng pinapaikot kay Adam at pinili niya ang dare at initusan siyang lapitan ang isang babaeng hindi kilala at kuhain ang numero nito.

Meron din na si Maris ang natutok at tinanong kung nakapag get over naba ito sa abusong ex boyfriend niya. Hindi siya sumagot umiyak lamang ito. So alam na namin ang sagot.

"Truth or Dare?" Tanong ni Adam kay Dylan.

"Dare." Walang pag-aalinlangan na ani nito.

"Halikan mo naman ang misis mo sa harapan namin!" Nanunuksong tingin ang iginawad sa akin ni Adam.

Ramdam ko ang pagtusok ni Athena sa aking tagiliran at binulungan niya ako ng "Kinikilig ako beh"

"Basic" Rinig kong Wika ni Dylan.

Tumayo si Dylan. Sinundan ko ng tingin ang kanyang pag-lakad palapit sa akin. Ngayon, nakatingala na ako dahil andito na siya sa aking harapan. Sinundan ko ng tingin ang bawat kilos niya. Dahan dahan siyang tumutukod sa akin harapan. Seryoso ang kanyang titig ng siya ay nakatukod na sa aking harapan.

"Can I kiss you now?" He mumbled. Tumango ako.

Nilagay niya ang isang kamay sa pisngi ko. I automatically closed my eyes when i felt him sucking on my lower lip. He moves his lips a little and kissed me again before letting me go.

When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon