Kabanata 15

90 9 0
                                    

Napaigta ako sa sakit na naramdaman nang ako ay gumalaw. Sobra bigat ng katawan ko at ang sama ng pakiramdam ko na gusto ko nalang manatiling nakahiga at matulog sa malambot na kama.

Namilog ang mga mata ko sa napagtantong katotohanan na nandito si Dylan sa aking tabi, mahimbing ang tulog ay nagpadilat sa akin ng husto. Para akong baliw sa kakaisip kung paano ako tatayo ng hindi niya mararamdaman. Pumikit ako ng mariin nang maalala ang lahat ng nangyari kagabi. It was too unbelievable.

Ang kanyang isang kamay ang aking hinihigaan, kaya malamang na malalaman niya kapag tumayo ako. Nakatabon ng comforter ang aming buong katawan.

Nangingiti ako habang tinitignan ang mukha niyang napaka-amo habang tulog na tulog dahil sa pagod na nangyari.

It really happened, huh?

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Pinaghalong kaba, takot, at saya. Alam ko na dapat pinagisipan ko muna iyon ng mabuti bago namin ginawa. Dapat inisip ko kung ano ang magiging kahinatnan bago namin iyon ginawa. Pero ang tanging gusto ko lang mangyari ay ang kalimutan ang sakit na nararamdaman ko para sakanya.

Paano ko siya haharapin nito?

Napangiwi ako habang dahan-dahan na tumatayo para hindi kami magkita pagkagising niya. Dahan-dahan ko din kinukuha ang mga damit kong naka kalat sa sahig.

"Carmia....." He said.

Natigil ako sa ginagawa ng marinig ang kanyang bosis. Akap-akap ko ang mga damit ko. Hinarap ko siya. Tumayo siya at tinalikuran ako. Nakita ko ang kabuuan ng kanyang katawan, he's topless and he's only wearing his jeans.

May tinignan siya sakanyang cellphone, nagtipa siya saglit doon bago niya muli akong tinignan.

"Dylan." I gently said.

He turned to me but before he completely face me, tumunog ang kanyang cellphone. Tinignan niya ako para hintayin ang sasabihin ko pero mas pinili ko nalang na tumango para bigyan siya ng autoridad na sagutin ang tawag sa kanyang telepono.

Itinuro niya ang kanyang cellphone at pumunta ng balcony para sagutin ang tawag. Dumiretcho ako ng banyo para makaligo at makapag bihis.

Pagkatapos kong maligo, agad akong lumabas ng banyo para maabutan si Dylan. Nakita ko siyang nakaupo sa kama at mukhang hinihintay ang pagdating ko.

Ngumiti ako. "Dylan." I said.

Tinignan niya din ako ng may ngiti sa mga labi. "Kain tayo sa labas?" Tanong niya.

Tumango ako. Pero bago siya tumayo, tumunog ulit ang kanyang cellphone.

"I need to take this call. Pagkatapos neto alis na tayo." Sambit niya.

Bago pa man ako magsalit, tinalikuran niya ako. May kirot akong naramdaman sa aking puso nang makita siyang umalis. Bigla nalang kasing naging pormal ang tono niya at natawa pa siya bago sinara ang pintuan.

Tumingala ako sa ceiling ng kwarto ko. Nakangiti akong nakatitig doon habang nangingilid ang luha sa aking mga mata. The tears blurred my sight.

"Bakit ba lagi nalang akong nakangiti kahit na nasasaktan ako?"

I should be happy, I made him happy. Pero bakit may kirot akong nararamdaman sa puso ko?

He didn't let himself enjoy my feel. We didn't even cuddle. Sino ba naman ang ayaw sa mga yakap? Siya ang una ko. Gusto kong pagsisihan lahat ng nangyari kagabi, pero alam ko sa sarili ko na masaya ako sa ginawa namin.

Huminga ako ng malalim bago pinalis ang mga luha sa aking mga mata bago inayos ang aking suot.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Bababa na sana ako para uminom ng tubig at doon nalang siya hintayin pero ang tinig na naririnig ko galing sa kanyang kwarto ang nagbigay sa akin ng kuryosidad na makinig.

He laughed. Hindi ko marinig ng mabuti kaya mas lalo pa akong lumapit sa pintuan at idinikit ng mabuti ang tenga ko sa pintuan.

It is rude to eavesdrop, I know. Pero gusto kong marinig kung sino ang kanyang kausap para maramdaman ko ang ganoon na kirot sa aking puso.

"Kim, I promise you I'll come back to you tomorrow, okay? Yes....." He laughed.

Agad akong bumalik sa kwarto ko dahil sa panlalambot na naramdaman ko. It made my heart ache more.

He'll go to kim tomorrow? You promise? Tutuparin niya ba ang pangako niya? Maiiwan nanaman ba ako bukas mag-isa dito sa bahay?

"Okay lang, cami. Sanay ka naman na diba? Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na napagisa ka at napagiwanan sa buhay."

Ang sakit na naramdaman ko sa aking dibdib ay hindi na masukat. I couldn't even bring myself to cry because the pain is that racking. Parang bigla nalang akong nakaramdam ng pagkapagod at gusto ko nalang mahiga at magpahinga.

Hindi ko kayang manumbat at magsisi sa lahat. Dahil ako mismo, nasiyahan kahit sa isang gabi lang na nakasama ko siya ng matagal.

Bumukas ang pintuan. Madilim ang tigin ko sa kanyang cellphone, my eyes got tempted to look at his phone but I'm tired guessing the truth behind whatever we had now.

"Tara na? Gutom na ako." Nakangiting saad niya.

Nanghihina ko siyang tinignan. Parang nawalan nalang ako bigla ng ganang kumain sa labas kasama siya. Parang gusto ko nalang maghilata buong maghapon sa malambot kong kama.

"Pwedi bang icancel? Bigla kasing sumakit pakiramdam ko." Pagdadahilan ko.

"Anong masakit sa'yo?" Tanong niya. "Sorry kung medyo nabilis--"

"Ulo ko! Oo, ulo ko." I faked a laugh sabay hawak mo sa ulo ko para makatotohanan talaga.

Tinignan niya ako ng seryoso. Nakipag tinginan din ako ng seryoso.

"Promise. Masakit talaga ulo ko." Sambit ko.

"Galit kaba?" He asked.

Umiling ako. "Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit?"

"Sa nangyari kagabi? Alam kong galit ka dahil hindi ko kinontrol ang sarili ko."

"Hindi ako galit, masakit lang talaga ulo ko. Promise." Ngumiti ako para hindi na siya maghinala na galit ba talaga ako.

Huminga siya ng malalim. "Osige. Pahinga kana muna." Saad niya.

Lumapit siya sa akin at inalalayan niya akong mahiga sa kama at kinumutan. I can’t bear to look at him for long, because as it lasts I feel the pain...

Tinignan ko siyang lumabas ng kwarto at sinarado ang pintuan. Gusto kong dumistansya, gusto kong kalimutan ang nangyari kagabi, pero sobra akong nasiyahan sa nangyari na ayaw kong kalimutan nalang ng basta basta.

I love him so much that I can give everything I can just to make him happy even if I get hurt.

Ilang besis kong inisip kung ano bang namamagitan sakanilang dalawa ni Kim. Dinig ko kung paano siya tumawa habang kausap ang babaeng pinagseselosan ko.

Napapaisip din ako kung meron bang halaga sakanya ang nangyari sa aming dalawa kagabi. I also wonder if he was really happy with what we did last night? because I feel happy. Wirdo mang pakinggan, naramdaman kong mahalaga ako para sakanya.

The way he held me made me feel important. The way he kissed me, I felt joy. Kahit sa panandalian, nakaramdam ako ng saya.

When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon