Kabanata 36

63 6 1
                                    

Days were uneventful. Some of the employees and I grew close. Maris was there, so I agreed to go to the charity as well. I quickly adapted to the job in just two days.

Patuloy pa din ang komunikasyon naming mag-ina sa Skype, at Messenger. Gabi-gabi ay tumatawag ang anak ko pero sa umaga kahit alam kong nasa eskwelahan ito ay tinatawagan ko, pero hindi niya sinasagot at susungitan pa ako kapag kausap ko na siya sa telepono. Ikinukwento ni Tita at Leo ang ginagawa ni Isabella kapag nami-miss niya ako. Winiwisik niya ang pabango ko sa buong kwarto niya bago matulog. Naririnig din ng mga ito ang pag-usap ni Isabella sa paborito kong teddy bear at naririnig din nila ang paghikbi niya.

Ganoon daw palagi ang ginagawa niya. Gusto kong naririnig ang munting kwento ni Tita at Leo sa anak ko pero sa tuwing naririnig kong umiiyak siya ay bigla ko nalang mararamdaman ang kirot sa puso ko.

Ako lang ang nag-ayos sa sarili ko para sa kasal nina Emma at Oliver. Sinuot ko ang binili kong dress na kita ang aking balikat at ang kaunting cleavage at may hiwa ito sa kaliwang paa ko. I paired my dark blue outfit with white stilettos. Tinali ko ang buhok ko pero hindi ko ito tinaas.

Ang sabi ni Emma sa akin ay kukunin niya akong Maid of Honor kapag umuwi ako. Pero dahil hindi ko nga sinabi na umuwi ako bago ang kasal nila ay kinuha niya na lang ang pinsan niya.

Outside, a chilly breeze surrounded me. Everyone I pass gives me a startled expression as though they just saw me. Their eyes are filled with awe. Nahihiya akong tumingin sa kanila kaya naman yumuko ako habang naglalakad palabas ng hotel. Alam kong ganito ang hiya ko kaya naman sa loob palang ng kwarto kanina ay nag book na kaagad ako ng taxi. 

I didn't know any of the people there, so when I entered the church, I immediately sat on the chair near the Altar. Tulad ng kanina ay tinititigan din ako ng mga tao, hindi ko alam kung ano ang problema pero hindi ko nalang pinansin ang pagtitig nila sa akin. Iginala ko ang paningin ko at napapatingala ako sa kabuan ng simbahan. Malaki ang simbahan kumpara sa mga simbahang napuntahan ko. Ngayon lang ako nakarating dito. Kaya hindi ko maiwasan ang pagtingin-tingin sa kung saan-saang bahagi ng simbahan. Tahimik kanina ngunit bigla nalang umingay sa labas ng simbahan. Hindi ko naman makita kung ano ng nangyayari sa labas dahil madaming tao ang nakaharang sa daanan. 

"Carmia!" Mabilis na naglahad ng braso si Athena ng tumingin ako sa kanya. 

Niyakap ko siya at napadaing ako ng humigpit ang yakap niya. Ng humiwalay siya sa yakap ay pinasadahan ko ng tingin ang kanyang kulay asul na flowing dress. 

"Kamusta kana?" Ngumiti ito.

"Ayos lang ako, ikaw kamusta ka?" Tanong ko. "Ang ganda mo naman sa dress mo." 

Mas lalong lumaki ang nguti ng babae. "Mas maganda ka! Akala ko nga kung sinong diwatang andito na sasapawan ang ganda ko!" Natatawang litanya niya.

Hindi katulad kay Athena ang komportable ko kay Maris. Iba ang ramdam ko sa kanya at sa babaeng kaharap ko. 

Madami ang tinanong si Athena sa akin ngunit ng mag announce ang wedding coordinator na magsisimula na ang ceremony in a minute ay kaagad din kaming natigil sa pag-uusap. 

"A minute has passed but why hasn't it started yet?" Bulong sa akin ni Athena.

"Oo nga e, ano kayang problema?" Sabay lingon ko sa pintuan kung nasaan ang mga damas ng kasal. Nakita ko si Oliver na nakatayo na at ready ng maglakad ngunit nakikita ang pag-aalala sa mukha niya.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Athena sa balikat ko at tumango ako ng sinabi niyang titingnan niya muna kung ano ang problema. Ilang saglit lang ay bumalik na ito sa tabi ko.

"Sumakit daw ang tiyan ng Maid of Honor. Diba dapat ikaw iyon?" Nagtatakang bungad ni Athena.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya na hindi makakapunta ang Maid of Honor. Ako nalang kaya? Tutal ako din naman talaga dapat. Eh kaso gusto kong surpresahin sila mamaya, pero kailangan nila ako ngayon. 

When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon