Kabanata 34

72 7 4
                                    

When I felt the wind, it felt as though I was back in recollections. Ang mga ala-alang ayoko ng maibalik pa.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Kahit na ang hangin ang nagpabalik sa mga ala-ala ng nakaraan, ay gusto ko pa din itong namnamin. Ang sarap ng simoy ng hangin sa Pilipinas ang siyang nagpabalik sa lahat ng ala-ala.

Ngumiti ako bago ako naglakad muli. Ngayon na nasa Pilipinas na ulit ako isa lang ang gusto kong puntahan sa ngayon, ang mga labi ng mga magulang ko. Na miss ko talagang bumili ng bulaklak para sa kanila, lalo na ngayon 7 years akong lumayo sa kanila.


Kaagad akong pumara ng taxi at nagsabing ibaba na muna ako sa memorial kung saan naka libing ang mga magulang ko. Pero bago pa man ako makarating doon ay huminto muna ako sa pamilihan ng mga bulaklak.


I got the two of them a bouquet each. I wanted to buy more because I had been away for so long, but I had decided to just stop by every day.

Ng makarating ay kaagad akong nagbayad sa taxi driver at naglakad na papunta sa libingan nila. Hindi ko alam pero ang saya ng puso ko ng makarating ako dito. Kasi dahil namiss ko sila at ngayon ko ulit makikita? Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luhang umagos sa pisngi ko, hindi ko napigilan ang pag-iyak dahil sobrang miss ko na sila!


"Ma, Pa, pweding payakap ako? Kahit sa panaginip lang ho . . ." Hindi ko na napigilang hindi mapaiyak ng malakas. Wala e, namiss ko sila.

Namiss ko ang mga bonding namin noon. Mga araw na masaya kami, walang problema. Siguro kanina ito yung mga ala-alang gusto kong maibalik, pero kasama ang Isabella ko.


"Ma, Pa, sorry kung ngayon lang ulit ako nakadalaw ha? Umuwi po kasi ng Paris, tapos . . . wag kayong m-magagalit ha? Pero 'wag po kayong mag-alala, masaya naman po ako and I swear kung andito lang kayo magiging masaya din kayo kasama kami." I snorted and brushed my tears away. "I-isinilang ko ho kasi ang api nyo, ang ganda ganda niya at napaka bait pa! Sigurado ako proud kayo s-saakin dahil pinalaki kong magalang at mabait ang anak ko. . . yun nga lang hindi ko kamukha!" Napatawa ako ng maalala ko ang anak ko. "Pero ma, pa, lagi ko ho kayong kinukwento sa kanya. Lagi ko pong pinapakita ang mga litrato nyo sa kanya. Gusto niya din kayong makita. Pero wag muna ngayon ha? Hindi ko kasi siya kasama, sa susunod nalang siguro?"


Kahit ma tirik na tirik ang init, hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Mga dalawang oras na siguro akong nagsasalita at umiiyak sa harapan ng libingan ng mga magulang ko. Ramdam ko na nga ang mga pawis na nag papabilisang umagos sa noo at leeg ko.


Napahinto ako sa momento ko ng parang nakaramdam ako ng titig sa 'di malamang dahilan. Kaya naman kunot noo kong isinuri ang kabuuan ng kapaligiran, wala naman akong nakita kung hindi mga puno.


Baka gutom lang . . .


Nagpaalam na ako sa kanila dahil nakaramdam na ako ng gutom dahil simula kaninang nakarating ako, wala pa akong kinain.

------

Nakatingala akong tinatanaw ang labas ng bahay, gusto kong pumasok pero hindi ako makapasok. Wala sa akin ang susi ng bahay dahil hindi pa nailipat sa akin ang pangalan ng titulo dahil si Dylan pa din ang nakapangalan dito. Wala akong karapatan pumasok dahil hindi ko ito pag mamay-ari.


Naalala ko noon kung gaano ipinaglaban ni Leo ang bahay ng malaman niya ang kontrata namin ni Dylan. Pero dahil nga hindi pa nailipat ang pangalan sa akin, wala na kaming nagawa pa. At isa pa, ayoko ng magmaka-awa pa sa kanila. Sapat na sa akin ang mga araw na nasaktan ako at pinag-mukha niya akong tanga.


Akalain mo iyon? Tanga na nga ako pinag-mukha pa akong tanga.


Napangiti ako ng mapansin walang tanikala ang gate kung hindi lang tali kaya naman wala akong pag-aalinlangan pumasok pa dito. Ang mga halaman na lagi kong dinidiligan noon, maganda pa din ang mga ito. Unexpectedly, nobody lives here, therefore why are the flowers still lovely? Na para bang araw-araw itong nadidiligan at naaalagaan. Ang inakala ko ay iba na ang kulay ng pintura sa labas ng bahay pero ganoon pa din ito, mas gumanda nga lang at mukhang pinaayos pa. Parang mukhang ibebenta dahil napaka ganda pa din at mukhang bagong gawa.


When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon