Kabanata 42

65 3 4
                                    

"Anong ginagawa mo?"

Tiningnan ko siya at napangiti ng makita ang suot niyang ternong pajama.

"Ka-size mo lang pala si Leo."

"Medyo masikip pero okay naman na." He wrinkled his nose.

Umusog ako para maka-upo siya ng maayos dahil kahit masikip sa tabi ko ay siniksik niya ang sarili niya. Inalukan ko siya ng isang can ng beer para parehas kaming umiinom. Sumimsim ako sa beer ko at siya namang pagbukas ng kanya.

"Ang sarap sa pakiramdam. . ." Aniya. "Parang lahat ng tinig sa puso ko ay nabunot ngayong gabi." Wika niya sabay inom sa beer. "Salamat." Hinawakan niya ang balikat ko na my bahagyang pagkurot.

"Ang saya ni Bella, ni hindi ko inisip na ganito siya kasaya." Wika ko at tumingin sa kanya. "Sorry kung ngayon ko lang nasabi sayo."

Ngumiti ako at ganoon din siya. Sabay pa kaming sumimsim sa beer namin at tumahimik na. Hindi ko alam kung paano ako magbubukas ulit ng topic dahil nahihiya ako. Ni hindi ko din alam kung anong status namin ngayon. Basta nalang ako nakikisabay sa anak ko. Kung anong gusto niya, doon na din ako.

Gusto kong itanong sa kanya kung may anak din siya kay Kim pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. At hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung sakali mang anak nga niya iyon.

I let him kiss me a while ago, even though I'm not sure what's going on between him and Kim. Na kahit alam kong may masasaktan, hinayaan ko pa din. Inisip ko, paano kung gawin sa amin ng anak ko iyon? Hindi ko kakayanin. . . pero kahit ilang segundo, hinayaan ko ang sarili kong sumaya. Pinili ko kung saan titibok ng mabilis ang puso ko.

Ngayon lang naman. . . alam kong bukas ay wala na. Alam ko na sa susunod ay wala na. Alam kong panandalian lang.

"Wala ka bang itatanong sa akin?"

"Wala akong itatanong. Hahayaan nalang kitang magkwento." Ngumiti ako. Hinawakan niya ang tuktok ng ulo ko at ginulo-gulo ang buhok ko.

Kinwento niya lahat sa akin. Simula doon kung sino ang sumagot sa tawag ko na umuungol na babae at noong nakita ko silang dalawa ni Kim na naghahalikan. Kinwento niya lahat, as in lahat. Kung paanong may anak si Kim. Kung paano nagkasama sila. At kung paano niya nalagpasan ang lahat ng hirap noong iniwan ko siya.

Ngayon ko lang nalaman, na ako pa din pala. Ako pa din pala hanggang ngayon.

"Let's sleep? Baka hinahanap na tayo ni Isabella." Sabi ni Dylan at sabay kaming tumayo.

Una siyang tumayo at nilahad ang kamay niya sa akin para maalalayan niya akong makatayo. Inalis ko muna ang pillow sa ibabaw ng lap ko bago kinuha ang kamay niya at tumayo. Niyakap ko ang kanyang braso at ipinatong ang ulo doon. Para akong naglalakad sa ulap dahil sa tuwang nararamdaman. Para akong hinehele habang naglalakad papuntang kwarto.

Inayos ni Dylan ang kumot ni Isabella bago niya pinwesto ang sarili sa kaliwang bahagi ng kama at ako ang sa kanan. Niyakap ko si Isabella at ilang segundo lang naramdaman ko na ang malaking braso ni Dylan sa ibabaw ng kamay ko. Napangiti ako doon, at sa palagay ko, mahimbing ang tulog ko nito. May ngiti sa labi. At walang bagabag.

I awoke in the sunlight and felt my side, but no one was there. Umupo ako para tingnan ang kaliwang bahagi ng kama ngunit wala na din tao doon. Tatayo na sana ako ng marinig ko ang kalabog ng pinto.

"Ah! Why are you awake already, Mom?" Tunog dissapoint ni Isabella.

"What do you mean? Ayaw mo na ba akong magising?" Nagtatakang tanong ko.

Umiling ito. "Dad! Mom's awake na already!" Sigaw niya. Lumapit siya sa akin ng inaayos ko na ang paa ko at handa ng isuot ang tsinelas ko. "No. Dyan ka lang po Mom. Hinatayin natin si Daddy."

When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon