Kabanata 27

56 4 1
                                    

Sa tingin ko, nabuhay lang ako para maging tanga. To hurt and to pity.

That was the thought that pop up in my head while I was staring the steering wheel in front of me, waiting for traffic to move. Ilang besis ko pang tinawagan ang numero'ng kanina ko pa tinatawagan pero pa ulit-ulit lang ang naririnig ko.

Ungol. Ungol ng isang babaeng nasasarapan kung ano man ang ginagawa ng lalaki sa kanya.

Si Dylan ba ang kasama niya?

Or maybe she just held his phone?

Ilang besis pang pumasok sa isipan ko na baka mali lang ako ng dinig, na baka dahil lang sa pagod kaya ako nakakarinig ng kung ano-ano. Hindi naman niya magagawa sa akin iyon, hindi ba?

Pinalis ko ang luhang dumaan sa pisngi ko na kanina ko pa tinitiis na hindi ibuhos. Pero dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko, hindi ko na kayang tiisin na 'wag itong ibuhos.


I laid my head on the steering wheel and I cried, sobbing as I waited for the traffic to move. Para akong hihimatayin sa sobrang sikip ng dibdib ko. Hagulhol lang ang tanging naririnig sa loob ng sasakyan ko.

Napaigtad ako ng marinig ang sunod-sunod na busina ng mga sasakyan. Para akong nababaliw sa bawat ingay ng mga businang naririnig. Habang pinapaandar ang sasakyan ay patuloy pa din sa pagbuhos ng mga luha ko. Kahit anong punas ko, patuloy pa din ang pag buhos.

Napatingin ako sa phone ko ng marinig ko itong nag ring. Huminto muna ako sa tabi ng makitang si Maris ang tumatawag.

[Hello?]

Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang dalawa kong kamay dahil ayokong marinig niya ang paghagulhol ko. Narinig ko palang ang bosis niya, naiiyak na agad ako. As if I had heard comfort in her voice.

[Hello? Where are you? Naka-uwi kana na? Sorry!]

I cried even more when I heard the word 'sorry' that I really want to hear now from the man I love. Sa lalaking alam kong isang sorry lang, rurupok ako.

[Hey... nag wo-worry na ako.] Malumanay na saad niya.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako nag salita.

"Nasaan ka?" I sobbed. "I need you, please."

Just one word, maris immediately turned off the call and she texted.


From Maris:

Send me ur location. I'll be there in a minute.

Nag send ako ng location kay Maris para mapuntahan niya ako. I want someone to be with me tonight. I feel like when I go home and I'm home alone, I might even kill myself. Kung ano-ano na naiisip ko.

Ilang iyak pa ang ginawa ko bago makarating si Maris kung nasaan man ako. Pagkapasok niya palang sa kotse, kaagad niya akong niyakap. I leaned my head on her shoulder and burst into tears. Gusto ko ilabas lahat. Inis, lungkot, takot, at panghihinayang. Ayokong iwan ako ni Dylan ng ganito lang. Ewan ko, kahit ganoon na ang narinig ko sa phone call, umaasa pa din ako na sana ay mali ang narinig ko. Na sana ay pinahawak niya lamang ang cellphone sa ibang tao.

"What happen?" Nakakunot ang noo ni Maris habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.

Umiling ako. "Hindi ko alam." Patuloy pa din ako sa pag-iling.

Nanginginig ang mga kamay kong hinahawakan ang mga kamay ni Maris na naka hawak sa mukha ko, patuloy pa din ang pagbuhos ng mga luha ko. Habang kinukwento ko ang lahat ng nangyari kay Maris ay nanginginig ang labi ko at patuloy pa din sa pag iyak.

When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon