Kabanata 26

65 5 2
                                    

"Sa birthday ko ha? You should go dylan!" Dinig kong pag aya ni Kimberly kay Dylan ng makalabas ako ng restroom, sa buong tao dito ay inaya niya, ako lang ang hindi.



"Oo naman pupunta ako. Ako paba?" Ani Dylan, nakangiti. Yumuko ako dahil nahihiya ako sa tinginan ng mga tao. Bakit ba ang hilig kong isiksik ng sarili ko dito? "Pero sasama ko asawa ko." Dagdag ni dylan.



Agad akong napa-angat ng tingin kay Dylan ng marinig kong sinabi niya iyon. Napaawang ang labi ko ng bigla niya iyon. Sino ba naman mag e-expect na sasabihin nya iyon? I mean, bakit niya ako isasama sa birthday ng kanyang kaibigan? Well..



"O-oo naman, dylan!" Nauutal na saad ni Kimberly.



"Let's go." Wika ni Dylan sabay hawak sa kamay ko. Inayos ko ang damit ko ng ako ay tumayo.



Ngumi-ngiti ako sa mga taong nasasalubungan namin palabas. Meron pang umiikot ang mga mata na nadadaanan namin. Yung totoo, ano bang nagawa ko sainyo kung makatingin kayo ng ganyan sa akin?



Mga inggit.



"Okay ka lang ba?" Tanong ni Dylan pagkatapos niya akong pagbuksan ng pintuan ng sasakyan niya.



Tumango ako at ngumiti. "Oo naman."




Sumakay ako sa sasakyan habang pinapanood siyang naglalakad palipat sa kabilang side ng sasakyan para doon sumakay. Agad akong napangiti ng siya ay makasakay na. Bawat kilos niya tinitignan ko ng mapansin niya ang tingin ko ay tumingin siya sa akin na naka taas ang isang kilay.



"What? Bakit parang iniidolo mo naman ata ako masyado dyan." Wika niya habang ini-start ang kotse.



Tumawa ako. " Ang feeling mo!" Sambit ko. "Isasama mo ako sa birthday ni Kim?" Dagdag ko.



"Uhm." Aniya sabay tango habang nakatingin sa likod dahil inaatras niya ang sasakyan.



I tilted my head to see him properly. "Talaga?" Pang-aasar ko pa lalo.



"Alam kong inaasar mo ako, kaya 'wag kang ngingiti at titingin ng ganyan sa akin dahil kinikilig ako." Wika niya sabay iwas sa akin ng tingin. Ipinatong niya ang isang kamay niya sa salamin ng kotse at isa naman ay nasa manubela.



Napatawa nalang ako sa naging reaksyon nya kahit kita naman sa kanyang namumula ang kanyang pisngi. Ganoon naba ang epekto ko sa kanya?



Itinuon ko ang buong week ko sa paglilinis ng bahay at pag-subok na gumawa ulit ng mga kwento, dahil hindi talaga ako susuko. Ngayon, nag aayos ako dahil nag-aya sina Maris na mag bar daw kami dahil matagal na noong huli kaming nagkita. Kelan na nga ulit iyon? O diba ang tagal na.


"Sandali!" I heard a horn coming from outside our house, hudyat na nasa harap na ng bahay namin si Maris dahil ang usapan namin ay susunduin nalang niya ako.


Si Athena ay kikitain nalang daw namin sa bar dahil medyo male-late daw siya, meron pa daw inaasikaso sa set. Sinusuot ko ang heels ko habang patuloy pa din ang busina ni Maris sa labas, patuloy pa din akong sumisigaw ng 'sandali' dahil hindi pa nga ako tapos.


I raised my hand with my middle finger as I walked closer to her car. Nakita kong ibinaba niya ang salamin ng kanyang sasakyan at nakita ko siyang tatawa tawa. Kahit hindi kami laging nagkakasama, lagi naman kaming nag uusap sa messenger o sa viber para lang manlait ng katrabaho niya. Eto naman ako, nakikinig lagi sa mga panlalait niya.


"First time mo lang bang nagka busina sa kotse?" Inis na saad ko habang pinipihit pasara ang pinto ng sasakyan.


"Sissy, omg, I miss you!" Sigaw niya ng masara ko na ang sasakyan, tatawa tawa pa siya ng yakapin niya ako.



When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon